Round 1

52.4K 1.1K 414
                                    

Panget Vs Gwapo
By: Miss_Silencer

Chapter 1

AN: REMINDER, COMPLETED NA PO TO. PERO MARAMI PA AKONG UNEDITED CHAPTERS. FEEL FREE TO CORRECT ME DAHIL SA NGAYON TINATAMAD PA AKONG EEDIT TO. HAHAHHAHA! MARAMI AKONG TYPOS, GRAMMATICAL ERRORS & ETC.

Sometimes, following your heart means losing your mind.

~*~

Sa mga kwentong katulad neto, yung mga bidang nakakasuklam ang pagmumukha na biglang makakatagpo ng gwapong nilalang ay gaganda nalang bigla. Ano yan teh? Nagshare si pogi ng blessing? Pwede ba yun? Inayos lang ang buhok at nagmake up maganda na? Eh yang clown, nagmake up rin naman yan ah?

Pero sa reality, kahit anong pahid natin ng sabon na nagpapaganda kuno, waley parin. Kahit siguro lamunin niyo na ang buong factory ng glutathione, WALA! Dahil hindi na talaga magbabago ang feslak mo. Siguro puputi ka pero hindi nun mababago ang pango mong ilong. Ops! Nareal talk. Unless kung magpaparetoke ka. Eh baka magkakanser ka pa. Malas mo!

By the way, proud akong sabihin na marami akong pimples sa mukha na aakalain na ng kapitbahay namin na palay. Akala tuloy nila nagnanakaw ako ng bigas at dinesplay ko pa sa mukha ko para mabenta.

Pero kung pwede nga lang ibenta noh? Doble na kayamanan ko ngayon. Pwede na akong magtravel sa mars.

Pero sabi nga sa isang advertisement, dirt daw ang cause neto. Sa dami ba nga naman ng polusyon sa pinas! So I try to use many pampagandang lumalabas sa TV pero halos ibuhos ko na ang lahat ng laman nun, hindi parin nawawala ang pimples ko. I think, they love me already. Ayaw na nilang mawalay sa pagmumukha ko. Hay. Mga pimples nga naman, hindi marunong magfamily planning! Gumamit naman sana sila ng condom pag may time. Di yung lage nalang silang nagpaparami. Mga langya!

Pero change topic.

Ako na po ang humihingi ng dispensa sa author ng story of my life, kasi isa po talaga siya ewan na author. Ang panget niyang sumulat. Malas ko lang talaga! Pero sana maintindihan niyo.

Walang perfect na tao..

Kung sa tingin mo perfect ka.

Baka hindi ka tao.

-*-

Hello ladies and gentlemen, I am the glorious, fabolous and uglyious girl in fire. My name is Yvonne Kate Fortez, the one and only pangit.

Am I rich?

Absolutely yes. Pero kung gaano karami ang pera namin, ganun rin karami ang pimples ko.

Gustong gusto ko na ngang ipa-belo ang fes ko pero ayaw ni mami. Maganda na daw ako. Weh? San banda? Ah. Baka kapag nakatalikod ako. Yung tipong nagseselfie pero likod yung kinuhanan.

Pero by the way, sa kakadaldal ko kanina hindi ko napansin na I'm here na pala sa school. First day of my last year in highschool and in a new school named Maxpel Academy. Sounds' very expensive, right? Haha. Parang maxipel lang. Baka gaganda na ako dito. Malay niyo. Yung former school ko kasi ay Ow Full Academy. Diba? Ang panget.

Well, my family has a very huge share of this school. Yes HUGE. Malaki talaga. Wag niyo nang imaginin. Manliliit lang kayo. Kaya narin siguro dito nila ako pinag-aral. But I hope there will be no terror teacher in this academy. Ayoko talagang ipagpatuloy ang klase ko dito. Aaminin kong takot ako sa teacher na kapag nagagalit parang luluwa na yung mata. Ayoko kayang makakita ng falling eyeballs sa personal.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon