Nahagip ng mata ko ang isang papel sa sahig. Kumunot ang noo ko at kinuha iyon.

“Yes, the paintings were gone, babe. ;)”
–Will

I just glared at the paper and throw it again. What’s with the wink? Naiinis ako lalo. Kahit sulat ay napaka-pilyo niya.

“Will!” Tawag ko sa pangalan niya habang naglalakad papunta sa kusina. “Will, ano ba!” Gigil kong sigaw.

Nilunok ko ang bumibikig na naman sa lalamunan ko. Galit na galit ako sa kanya. Gusto ko siyang sampalin sa kanyang mukha nang makabawi man lang ako sa pagsasamantala niya sa kahinaan ko kagabi. Alam kong may kasalanan ako pero siya ang tuwid ang pag-iisip kagabi. He should’ve stopped me. Pinigilan niya dapat ako sa mga ginagawa ko kagabi. Pero hindi! Baka nagpakasasa pa siya. Mapagsamatalang lalaki!

Katulad ng inaaasahan ko ay nakakita na naman ako ng tatlong sticky note sa fridge. Magkakapatanong ang mga iyon at may naka-indicate na number. Inirapan ko iyon. Gusto pang sunod-sunod ko iyong basahin? Daming arte ng lalaking ‘yon. Nakakainis. Nasaan ba siya? I want him here not the stupid sticky notes. Hindi ko masasampal ang mga ito.

Padabog kong kinuha ang mga iyon.

“I cooked ham and egg. I mixed a coffee and put it on the cupboard. And please, honey, do me a favour by boiling hot water. When the hot water is ready, get the cup of coffee I prepared in the sink and stir the mixed coffee in it and you’re ready to eat.
PS. Think of me when you eat, babe. ;)”
–Will

Naalis ang pagkakasalubong ng kilay ko nang mabasa ko ang unang sulat. Sighing, I took a glance in the island table. True enough, there was a ham and egg there. I saw pancake, too. There was again a smiley face that was drawn in the pancake using chocolate syrup. Ngumuso ako at umupo ako sa high chair. Binasa ko ang sumunod na sticky note.

“Read the next letter after you eat, babe. ;)
PS: Have you seen the tablet of vitamin C and mucolytic on the table? Drink that after you eat. That will cure your hangover. :)”
–Will

Huminga ako ng malalim at pumikit. Is this the payment of what he has done to me last night? Ayaw kong pansinin ang mga naglilikutang kulisap sa tiyan ko. For Pete’s sake! May kasalanan ang taong iyon sa akin. Kung iniisip niya na ito lang ang katapat ng ginawa niya sa akin, nagkakamali siya.

Iminulat ko ang mga mata ko at tinitigan ang nakahanda sa mesa. Given that he took all his effort on preparing this, I don’t give a damn. Inilapag ko ang mga papel sa mesa at tumayo. Nakita ko agad sa cupboard ang ini-mix niyang kape. Kinuha ko iyon at inilapag din sa mesa. Kumuha ako ng tubig at ininom ang tablet ng Vitamin C at mucolytic. Hindi ko kakainin ang mga inihanda niya. Ang importante lang sa akin ay mawala ang sakit ng ulo ko at makauwi sa amin.

Tumungo ulit ako sa kwarto niya. Doon ko lang din napansin na pati pala ang painting na nasa taas ng headboard ng kama niya ay wala na. Umiling ako. That doesn’t change the fact that he still ruined my trust.

Naligo ako at nagbihis pagkatapos. Ginamit ko ang damit na nakita ko sa closet niya. Pulang dress iyon na may lace sa harap. Mayroon din akong nakitang flat shoes doon. Iyon din ang isinuot ko sa aking paa. Hindi ko alam kung paano ako makakauwi sa bahay namin. Makalabas lang ako dito sa unit niya, okay na ako. Mapapanatag na ang loob ko.

His Broken-hearted GirlМесто, где живут истории. Откройте их для себя