HSH SEASON 3: FINALE

1.5K 51 23
                                    

HALIK SA HANGIN PART 58: FINALE

ZIDERICK

    "EARTHQUAKE engineering, engineering hydrology, urban engineering, geotechnical Engineering...susko! Inulan ako ng dos sa mga subjects na'yon," pagkukwento ni Danny habang magkakatabi kaming tatlo nina Jepoy at malaya kaming nakatingin sa ibang mga college na tumatanggap ng kanilang diploma sa unahan ng stage.

    "Awit, Danny!" Sabi ko.

    "Anyway, Zide, Jepoy, Cum laude kayo. Halimaw kayong dalawa," sabi ni Danny.

    "Tangik, laude ka rin naman ah?" Sabi ni Jepoy.

    "Ay, oo nga. Sabi nga ni Sir Malolos, mahahabol pa sana sa Magna 'to kung hindi lang ako inulan ng dos nitong mga nagdaang sem," sabi pa ni Danny.

    "Okay na 'yong cum laude. Tingnan mo nga 'yong iba nating ka-batch, masaya ng nakaraos sa pag-aaral. Hindi biro ang engineering. Tanda ko pa noong naghahabol tayo ng deadline tapos halos dumugo na 'yong ilong ko lalo na noong summer kasi wala akong tulog. Nakailang draft na'ko pero mali pa rin. Pero gano'n pa man, okay na tayo. Lisensya naman ang isunod nating i-achieve!" Sabi ko at kitang-kita namin si Arkin na kumukuha ng diploma sa unahan.

    Nakakatuwa lang din lalo na't nagtagumpay kaming apat. Lahat kami ay may laude at karangalan Lalo na si Jepoy na best in ojt. Mahusay naman kasi talaga siya sa field work namin.

    "Sabagay. Nakaka-proud na rin na naka-graduate tayo," sabi ni Danny.

    "Ikaw, Jepoy, masaya ka ba?" Tanong ko.

    "Syempre naman! Tingnan mo si Ninong at si Nanay do'n oh," at tinuro niya ang kinaroroonan ni Nanay at Ate Beth. "Proud na proud sila sa'tin. Hindi ba't 'yon ang goal natin kaya hindi lang ako masaya ngayon, sobrang proud din ako sa sarili ko," aniya kaya inakbayan ko siya at ganoon din si Danny. Matapos ng college of education ay biglang tumugtog ang aming school hym kaya naman lahat kami ay tumayo at nagtaas ng aming mga kanang braso at halos maiyak kami noong matapos dahil ito na ang huling sandali namin dito sa campus.

    "Anak!" Tawag ni Tatay at nang lumapit ako sa kanya at bigla na lang niya akong binuhata at niyakap.

   
    "Tay, nakakahiya. Ang daming nakakakita," sabi ko.

    "Ano naman? Anak kita at proud na proud ako sa'yo!" Sabi ni Tatay kaya napahagulhol ako ng iyak lalo na noong ibinaba niya ako.

    "Tay, para sa inyo 'to lahat," sabi ko.

    "Alam ko, Zide. Sobrang proud na proud ako sa'yo," sabi ni Tatay at nasa ganoong posisyon ako noong may umagaw ng atensyon naming lahat.

    "Ehem, mic test. Ziderick Tamayo!" Iyon ang umagaw ng atensyon namin at nagmumula iyon sa stage.

    "Oh my! Si Sky De Verra!" Sigaw ng ilang kababaihan sa paligid kaya naman halos mamula ang pisngi ko.

    "Zide, mahal na mahal kita. Congrats dahil naka-graduate ka na. Sorry sa mga kalokohan ko. Sana sagutin mo'tong isang tanong ko.." aniya sabay nagtatakbo papalapit sa akin at bigla na lang siyang lumuhod kaya naman agad pansin kami sa lahat.

    "Sky, tumayo ka nga riyan. Nakakahiya kay Tatay," sabi ko.

    "Anak, support ako!" Pagbibiro ni Tatay.

   
    "May basbas na'to ni Tatay noon pa mang pumunta tayo sa inyo sa Probinsya. Tapos wala na ring tutol si Papa at Tita Linda." Nakangiti niyang tinuran.

HALIK SA HANGIN (BXB 2020)Where stories live. Discover now