HSH PART 15

1.4K 71 4
                                    

Enjoy reading!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Enjoy reading!

HALIK SA HANGIN PART 15: FRESHMEN NIGHT

ZIDERICK

    ARAW ng Biyernes at tapos na ang lahat ng aming exams kaya naman maigi kong tiningnan ang aking sarili sa harap ng salamin. Long sleeve na pakat na pakat sa aking katawan ang aking suot at nilagyan ko rin ng pomada ang aking buhok na bahagya kong ginulo para magmukang sabay sa uso. Ilang tingin sa salamin pa ang aking ginawa at nang ma-satisfy na ako sa hitsura ko ay naupo ako sa aking kama na siya namang hudyat para i-text ko si Sky pero hindi ko iyon ginawa dahil maigi kong tiningnan si Danny na nagsusuot ng contact lense sa harap ng salamin habang si Arkin at Roniel naman ay busy sa pagsusuot ng kanikanilang mga damit.

    "Ano sa tingin mo, Zide. Itong puti o itong itong itim?" Tanong ni Arkin sa akin.

    "Kahit alin naman d'yan ay bagay sa'yo pero mas bagay sa'yo 'yung puti." Sagot ko na siya namang ginawa.

    "Thanks, Zide!" Aniya sabay spray ng body spray sa kaniyang katawan.

    "No problem!" Sagot ko.

    Ilang minuto pa silang tatlong nag-ayos bago kami lumabas apat sa aming kwarto. Lahat kami ay nakangiti ng malaki at masasabi kong ready na kami para sa party.

    "Guys, baka humiwalay ako sa inyo mamaya. May plano kasi kami ng mga ka-blockmates ko." Pagpapauna ni Roniel na naunawaan naman naming tatlo dahil napag-usapan na rin naman namin iyon kagabi pa.

    "Ako rin, guys." Singit ni Arkin na sing-ayunan naman namin. Mukang si Danny ang kasama ko mamaya pero mali pala ako.

    "Zide, ako rin." Bulong ni Danny.

    "Lakad na tayo, guys! Sana ay mag-enjoy tayong lahat. Gabi natin 'to!" Singhal ko at sabay-sabay kaming sumigaw.

    "Tara!" Iyon ang aming mga sigaw at nang marating namin ang main gym ay isa-isa na kaming naghiwalay. Si Arkin ay kasama ng mga education major, si Roniel naman ay sa mga ka-block niya at si Danny ay may kaut-utang dila na babae mula sa ibang department kaya naupo na lang ako sa isang gilid at tinatanaw ko ang mga nagsisidatingang tao. Mag-aalas siyete pa lang kasi kaya naman pumunta ako sa gilid kung saan may mga pagkain at tumikim ako ng ilan dahil libre naman iyon ng iba't-ibang organization.

    "Kuya, saang college ka? Bakit ang cute niyo po?" Sabi ng isang babaeng nakakulay itim na dress at itim na lipstick. Cool niyang tingnan pero nahiya ako sa huli niyang sinabi. Ako raw cute? Parang hindi naman.

    "Engineering. Cute ka rin naman." Sabi ko at kita ko ang pagngiti niya na napaka-genuine para sa isang babae.

    "Thank you!" Aniya at tumango lang ako bilang sagot.

    "Nga pala, Aera!" Aniya sabay abot ng kamay niya sa akin at akmang iaabot ko na ang kamay ko nang bigla akong hilahin ni Sky palayo kay Aera. Hindi ko tuloy naipakilala ng ayos ang sarili ko.

HALIK SA HANGIN (BXB 2020)Where stories live. Discover now