HSH SEASON 2: PART 31

1K 65 7
                                    

HALIK SA HANGIN PART 31: EFFORT

ZIDERICK

    MATAPOS naming mag-usap ni Itay ay inilabas ko lahat ng damit na ibinili ko sa kanya roon sa Maynila. May ilang branded at mayroon ding hindi pero sapat na iyon para mapasaya ko si Tatay lalo na sa pagkaing dala ko. Malaki ang pasasalamat sa akin ni Itay at ganoon din naman ako kagalak lalo na kay Jepoy na lihim pa lang gumagawa ng paraan para magkaayos kami ni Itay.

    "Jepoy, salamat!" Iyon lang ang nasabi ko matapos naming magkausap ni Itay.

    "Loko, okay lang 'yon. Huwag kang magpasalamat sa'kin dahil alam mo ba noong unang Linggo na nawala ka ay masama na sa kakahanap iyang si Ninong at hindi niya kami tinigilan ni Mama hangga't hindi namin sinasabi kung nasaan ka. Noong una ay nanghinayang siya sa pag-alis mo pero natuwa siya noong sinabi naming nag-aaral ka na sa Maynila. Unang beses naming nakitang ganoon si Ninong at simula noon ay hindi na siya nag-iinom at inayos na niyang muli ang kaniyang sarili. Nagtatrabaho na ring muli si Ninong sa Bayan bilang jeepney driver. Nakakapanibago, 'di ba?" Pagkukwento ni Jepoy na ngayon ko lamang narinig. Siguro ay inilihim ito sa akin ni Jepoy para sa magandang simula ng susunod na taon.

    "Poy, salamat uli!" Sabi ko kay Jepoy at akmang yayakapin ko siya nang biglang may pamilyar na sasakyan ang pumarada sa tapat ng aming bahay. Kitang-kita ko kung paanong bumaba mula roon si Sky na mainit ang tingin kay Jepoy kaya naman inayos ko ang aking sarili para kumalma na rin dahil hindi ko ito inaasahan.

    "Sky, bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya pero imbes na sagutin ako ay tumingin lang siya at si Jepoy ang napagdiskitahan niyang ipunto.

    "Sino ka?" Tanong niya kay Jepoy na noo'y kalmado lang, kumpara sa akin na halos panawan na ng ulirat. Bakit ba naman kasi nandito siya?

    "Ikaw ang sino ka ba?" Tanong sa kanya pabalik ni Jepoy.

    "Boyfriend ako ni Zide. Ikaw ba? Sino ka ba sa buhay niya?" Ang bulalas na pasabog ni Sky kaya naman tinakpan ko ang kamay niya at sinenyasan ko naman si Jepoy na kumalma.

    "Boyfriend ka ng bestfriend ko? Wala akong natatandaang ipinakilala ka niya sa akin kasi wala naman siyang nababanggit tungkol sa iyo." Sabi ng nagtatakang si Jepoy.

    "Ganoon ba? I'm Sky. It's nice meeting you.." hindi niya alam ang pangalan ni Jepoy.

    "Jepoy." Ani Jepoy sabay abot ng kamay niya at tumingin pa siya sa akin at nakita ko ang kalamlaman ng kaniyang mga mata.

    "Sige, Zide, Sky," simula niya. "Mauna na ako. May tatapusin pa ako sa bahay." Biglang pamamaalam ni Jepoy at hindi ko na siya nagawang pigilan dahil kay Sky na nakatingin sa aking mga mata.

    "Sky, bakit ka nandito?" Tanong ko agad sa kanya.

    "Sinundan kita kasi para akong sinasakal kanina habang pinapanood kitang umalis sa bahay. Pasensya ka na sa lahat ng kapalpakan ko." Sabi ko at akmang yayakapin niya ako ng bigla kong naalala si Itay na nakaidlip lang sa sofa namin.

    "Tay, si Sky po.. kaibigan ko ro'n sa Maynila." Pagsisinungaling ko nang pumasok kami sa loob ng bahay.

    "Magandang araw po!" Masigla at nakangiting pagbati ni Sky kay Itay.

    "Magandang araw din sa'yo. Mukang malayo pa ang binyahe mo. Gusto mo ba ng maiinom o makakain?" Magilas na sagot naman ni Tatay na halatang gustong-gusto si Sky lalo na't pangarap niyang magkaroon ng anak six feet tall.

    "Hmm. Magpapaalam po sana ako kung pwede ho ako ritong magbakasyon." Diretsahan niyang sagot.

    "Oo naman! Kaibigan ka ng anak ko kaya't gawin mo ang nais mo rito. Welcome na welcome ka rito. Nga pala, Zide, hijo, maiwan ko muna kayo riyan dahil may kukunin ako sa kumpare ko sa kabilang Barangay. Baka gabihin na ako kaya mag-ingat kayo rito, ha?" Wika ni Tatay at nakita ko kung gaano kalaki ang ngiti ni Sky lalo na nang umalis na si Itay.

    "Maliit lang itong bahay namin, Sky. Baka hindi ka maging komportable rito." Pagpapauna ko kay Sky na noo'y umiinom ng malamig na tubig.

    "Okay nga rito sa inyo eh. Tsaka kasama naman kita kaya okay talaga sa akin lahat." Aniya at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil sariwa pa rin sa akin lahat kung paano niya ako sinaktan.

    "Galit na galit ka pa rin ba sa akin, Zide? I'm really sorry sa lahat ng maling naramdaman ko." Aniya at iniharap niya ako sa kanya.

    "Sorry, mahal na mahal lang kita," wika niya.

    "Mahal din naman kita, Sky. Hindi naman mawawala iyon. Ang gusto ko lang naman talaga ay maging ayos tayo. Maging tapat ka sa akin at gawin mo rin akong priority mo. Ang dali lang naman no'n, 'di ba?" Singhal ko sa kanya.

   
    "Alam ko naman iyon kaya kinausap ko si Papa noong nakaraang Linggo na ayaw ko kay Anne at sinabihan ko rin siyang huwag na kaming pag-ayusin dahil naaasiwa ako. Noong una ay nagalit siya dahil magkasosyo pala sila sa isang food business pero napagtanto niya rin nasa modernong panahon na tayo kung saan malaya na nating nasusunod kung sino talaga ang gusto ng puso natin." Wika at hindi ko alam kung ano ang ire-react ko pero isa lang ang alam ko, mahal na mahal ko talaga si Sky.

    "Kung wala ka ng sasabihin ay ilagay mo na rito ang gamit mo." Utos ko sa kany at inilapag naman niya ang bag niya sa kama kong alaga sa linis ni Itay kaya naman maayos ang dating nito, hindi nga lang kasing sopistikado gaya ng mga higaan namin sa mansyon.

    "Ito na ba ang kwarto mo?" Tanong niya at tumango ako.

    "Sa sofa ka tutulog mamaya, ha? Ayokong makatabi ka sa paghiga." Sabi ko sa kanya kaya't lumabi siya na hindi ko naman pinansin.

    "Last thing na dapat mong malaman ay hindi mo dapat sabihin kat Itay na nobyo mo ako dahil magugulat iyon." Singhal ko pa sa kanya na ipinagpauna ko na naman sa kaniya kanina pa.

    "Noted, Master!" Aniya.

    SUMAPIT ang malalim na gabi at hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog. Nakokonsensya kasi ako sa pagpapahiga ko kay Sky sa sofa. Hindi pa naman iyon sanay sa hirap.

    "Kainis!" Sabi ko sa sarili ko bago ako tumayo. Nasasaktan kasi ako kapag naiisip ko ang pwesto ni Sky sa sofa na nakabaluktot habang ako ay prenteng nakahiga sa kompotableng higaan.

    "Anong ginagawa mo?" Bungad na tanong ko nang makita ko siyang parang bata na nagkakamot ng katawan at ako na mismo ang nagtayo sa kanya para papuntahin siya sa kwarto ko.

    "Dito ka matutulog dahil naaawa ako sa pwesto mo kanina at hindi dahil okay na tayo, ha?" Sabi ko sa kanya at nakita ko kung paano siya tahimik na humiga bago yumakap sa akin.

    "Zide, sorry." Aniya na tumagos sa dibdib ko. Bakit ba kasi sinundan niya ako rito? Nag-aalaboruto na naman tuloy ang isip ko sa kakaisip sa kanya at sa effort niyang magtungo rito.

    "Mag-uusap tayo bukas, ha?" Sabi ko sa kanya bago ko siya bigyan ng mabilis na halik sa kaliwa niyang pisngi.

    "Premyo mo 'yan dahil sa effort mong sundan ako rito." Sabi ko matapos ko siyang halikan.

    "Pwedeng isa pa? Ang layo kasi ng binyahe ko. Medyo sumasakit ang kamay ko." Aniya na ginawa ko naman agad at ito na naman ako, nagpapakalunod na naman sa pag-ibig ko sa kanya.

Eh ano naman kung nag-effort 'yong tao?

Maraming bagay ang nasa isip ko ngayon pero hindi nawala ro'n ang saya ko dahil muli na naman kaming nagkasama dahil sa effort niya, sa effort ng taong mahal ko.

Itutuloy..

HALIK SA HANGIN (BXB 2020)Where stories live. Discover now