HSH PART 18

1.3K 79 22
                                    

This part is dedicated to Alkie02.

Enjoy reading!

HALIK SA HANGIN PART 18: GANTI

ZIDERICK

KANINA pa ako nakayakap sa aking unan at wala akong ganang magsalita. Hindi ko alam kung bakit ko nararanasan ang mga bagay na'to gayong hindi naman ako masamang tao. Totoo naman ako sa sarili ko at wala akong inaargabyadong iba. Kaya ang laki ng pagtataka ko kung bakit ako pa.

"Zide, okay ka lang?" Tanong ni Arkin sa akin at pinilit kong bigyan siya ng isang malaking ngiti bago ako sumagot.

"Napagod lang sa paglilinis kanina." Pagsisinungaling ko na kinagat naman niya.

"Nako! Nakaka-stress talaga ang NSTP. Parang gusto ko tuloy i-drop pero maiiwan naman ako kapag ginawa ko 'yon." Pagsasalaysay niya.

"Literacy Training Service naman ang NSTP mo ah? Bakit ka naman mai-stress? Related din 'yon sa degree mo na education kaya dapat ay maging masaya ka." Wika ko.

"Ayon na nga eh. Medyo nakaka-stress magturo sa mga bata kada Sabado. Ang daming makukulit at pasaway. Minsan nga ay napapaisip ako kung bagay ba sa akin ang kursong education eh." Aniya.

"Ang dami mong alam, Arkin. Inggit ka lang talaga kay Danny na may jowa na." Singit ni Roniel kaya napapikit si Arkin bago magsalita.

"Dedma muna ako sa jowa jowa na 'yan. Basta ibinahagi ko lang 'yung experience ko." Sagot niya at nakuha ko naman ang punto niya.

"Sumabay ka lang, Arkin. Trial na rin 'yan para sa'yo. Sana lagi mong isipin na masaya magturo at isipin mo rin na kayo ang future educator ng bansa kaya galingan mo pa." Sabi ko para ganahan pa rin siya sa buhay.

"Noted, Zide! Mas gagalingan ko pa. Bata lang 'yon, future teacher ako!" Masigla niyang bulalas.

"Ganyan nga, Arkin. Hindi iyong puro ka pagsasalsal sa madaling araw. Uga ng uga 'tong kama dahil sa pagsasalsal mo. Lokong 'to! Doon ka sa banyo magpalabas sa susunod, ha? Puputulin ko 'yang alaga mong bulate sa susunod." Pang-aalaska ni Roniel at halos lamunin na kami ng lupa ni Danny dahil sa kakatawa. Ganoon na rin ang ginawa ni Roniel at nakitawa pa siya sa kalokohan niya. Nauunawaan naman namin siya dahil parte iyon ng buhay.

"Yes, Mister Accountant! Hindi na ho mauulit!" Masiglang sagot ni Arkin kay Roniel ikinatuwa namin pareho ni Roniel.

"Ganyan dapat, Future Educator! 'Di ba nga future Engineer?" Nakakabuhay-dugong sagot naman ni Roniel na tila ba tiwalang lahat kami ay magiging matagumpay pagdating ng araw.

MAHABANG kwentuhan pa ang aming ginawa bago tumunog ang aking cellphone. Si Brix ang tumatawag kaya naman agad ko itong sinagot.


"Nasa labas lang ako ng gate. Hintayin kita rito." Aniya kaya't mabilis akong naghilamos, nagpalit ng damit at nag-spray ng konting pabango. Nakakahiya kasi kay Brix kung amoy pawis ako.

Mabilis ang aking naging kilos at wala pang limang minuto ay narating ko na ang gate ng campus kung saan nakita ko si Brix na nakapanlaro ng basketball at malaki ang kaniyang ngiti nang makita niya akong naglalakad.

"Tara na?" Aniya at in-start na niya ang kaniyang dalang motor at isinuot pa niya sa akin ang dala niyang extra helmet.

"Salamat, Brix! Arat na!" Masigla kong tugon sa kaniya na siya naman niyang ikinatuwa.

"Kumapit ka ng ayos sa akin, ha?" Aniya habang nakatingin sa akin at sumang-ayon naman ako at agad kong ginawa ang nais niya.Humawak ako sa bewang niya gamit ang dalawa kong kamay at nang maramdaman niyang medyo maluwag ang pagkakakapit ko sa kanya at siya na mismo ang nag-ayos ng pagkakahawak ko sa kanya kung kaya naman ramdam na ramdam ko ang tiyan niya at naamoy ko rin ang bango niyang akma sa personalidad niya.

HALIK SA HANGIN (BXB 2020)Kde žijí příběhy. Začni objevovat