HSH PART 10

1.5K 91 9
                                    

HALIK SA HANGIN PART 10: CELLPHONE

ZIDERICK

    ILANG araw akong ginugulo ng nasa isip ko at hindi ko alam kung bakit biglang gusto kong umuwi pero hindi iyon pwede. Hindi ako pwedeng umuwi dahil baka hindi na ako makauwi gaya ng sabi sa akin ni Jepoy noong nakaraan na nag-usap kami.

    "Danny, may mabibili na ba akong magandang phone sa dalawang libo?" Bigla kong naitanong dahil gusto kong ma-contact si Jepoy at nais kong malaman ang kaganapan sa amin. Malay ko ba kung anong nasa isip ng Itay ko ngayon lalo na't alam kong may alam na siya tungkol kay Inay.

    "Nako, wala. Baka China phone lang ang mabili mo sa dalawang libo. Apat na libo siguro makakabili ka na no'n." Wika niya kaya naman napakamot ako sa ulo. Hindi ko pwedeng ubusin ang laman ng debit card ko dahil sa susunod na buwan pa darating ang allowance namin. Wala naman akong ibang pagkukunan ng pera lalo na ngayon na bumili kami ng P.E uniform at NSTP shirt na may kamahalan.

    "Ganoon ba? Next time na lang siguro ako bibili ng cellphone." Nakangiti kong tugon.

    "Nako ka, Zide. Pwede ka namang mangutang sa'min para makabili ka na ng cellphone mo." Aniya pero hindi ko gusto ang ideyang 'yon dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ipapambayad sa kanila.

    "Mag-iipon na lang siguro ako. Mahal mag-engineering kaya uunahin ko muna 'yong mga kailangan. Makakabili rin naman ako ng cellphone. Konting ipon lang siguro." Wika ko at napabuntong hininga na lang si Danny.

    "Sabi mo 'yan, ha? Pero kapag nagbago pa ang isip mo ay pwede mo pa rin kaming lapitan." Pahabol pa niya at nagmadali na kaming pumunta sa aming respective groups. CWTS ang pinili naming mga Engineering at Architecture students dahil iyon ang inirekomenda ng aming College Dean dahil kami raw 'yong maraming ginagawa kahit weekends. Hindi ko pa naman iyon ramdam ngayon pero siguro ay magiging busy din kami sa mga susunod pang mga Linggo.

    "Good day, class!" Bungad sa amin ng isang kalbong guro na may hawak na index card.

    "Good morning, Sir!" Sabay-sabay naming sagot at lahat kami ay naupo sa sahig ng gymnasium na kinaroroonan namin. Halo-halo kami rito at halos namamawis na ang aking muka sa init pero pinilit ko pa ring makinig.

    "Everyone, I'll give you the handouts next week pati na rin ang magiging classroom niyo. Each section will be composed of 40 students and will be facilitated by Instructors. Ngayon, makinig kayo." Aniya at halos marindi kami nang sumigaw siya sa mic.

    "Nakakabingi naman ang boses ni Sir." Sabi ni Danny kaya lihim na lang akong natawa sa sinabi niya.

    "Bago ko kayo i-dismiss, ako ang NSTP head ng campus na ito. Ako si Doctor Wilfredo Magaslang Patungko Jr and I'll expect everyone to do their respective tasks." Aniya at marami pa siyang sinabi pero nauwi lahat sa pagpapapulot niya ng mga kalat sa paligid. At dahil ayaw na naming magtagal ay naki-cooperate na kami. Marami rin kasi akong labahin at balak kong bumili ng bagong mga brief dahil nakakahiyang magsabit ng butas-butas na underwear sa labas ng aming silid sa dorm. Nakakababa.

    Pawisan kaming lahat nang matapos kaming mamulot ng basura sa paligid kaya nang i-dismiss kami ay halos mapasigaw kaming lahat sa saya.

    "Okay ka lang?" Tanong ko kay Danny na mukang namumutla na.

    "Natatae na kasi ako. D'yan ka na, Zide!" Ani Danny kaya natawa na lang ako habang pinapanood ko siya na tumatakbo palayo. Lagi na lang natatae si Danny.

    ILANG MINUTO akong naglakad patungo sa Men's Dorm at nang makaakyat ako ay parang may nakita akong tumatakbo palayo pero hindi ko na lang iyon pinansin at pumasok na ako sa aming kwarto at nakita ko si Danny na nakaupo sa kama ko at hawak ang isang paper bag.

HALIK SA HANGIN (BXB 2020)Where stories live. Discover now