HSH-Part 1

5.4K 140 21
                                    

HALIK SA HANGIN PART 1: SIMULA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HALIK SA HANGIN PART 1: SIMULA

            Madilim na kalangitan at tila ba nagbabadyang umulan ang aking nasilayan nang magising ako mula sa aking pagkakahimbing. Bakat pa sa aking balikat ang tali ng duyan na aking hinigaan at nararamdaman ko ang sakit ng aking kalamnan dahil sa gutom.

            Hawak ang aking sariling tiyan ay minabuti kong maglakad ng palihim papasok sa aming bahay dahil talagang gutom na gutom na ako.

             Pagyapak pa lamang ng aking paa sa aming munting bahay ay nasilayan ko na agad si Itay na nakasubsob sa ibabaw ng lamesa habang nasa gilid niya ang bote ng gin na halatang kakaubos lang.

             Sa mga ganitong pagkakataon ay hindi ko alam kung maaawa ba ako sa sarili ko o matutuwa dahil galing sa paglalabada ko ang pinang-iinom ni Itay at kung minalas-malas na hindi ko ibigay sa kanya ang perang kinita ko ay katakot-takot na pambubugbog ang matatamo ko mula sa kanya.

             Iniwan ko si Itay na nakasubsob sa mesa at  dumiretso ako sa aming maliit na kusina at nakita kong may kanin pang tira ngunit walang ulam kaya naman naghanap ako ng mantika at asin at nagmadali akong kumain dahil baka magising na si Itay.

              Nang matapos akong kumain ay nagmadali na rin akong magtungo sa aming likod bahay para maligo. Nag-igib na rin ako at dumiretso na ako sa bahay nina Jepoy para kunin ang ititinda kong penoy at balot.

"Oh, napa'no na naman 'yang pasa mo braso? Siguro ay binugbog ka na naman ng magaling mong ama!" Puna sa akin ni Ate Beth, ang nanay ni Jepoy.

"Hayaan niyo na po. Nadapa lang po ako kanina habang naglalabada." Wika ko at saka ako ngumiti ng malaki.

"Nako kang bata ka! Kung ako sa'yo ay iiwanan ko na 'yang ama mo na puro pasakit lang naman ang dinulot sa buhay mo. Kung bakit naman kasi kayo iniwan ni Linda eh." Ang tinutukoy niya ay ang Nanay Linda ko na sumama sa ibang lalaki dahil hindi na niya raw mahal si Itay. Simula rin no'n ay nagbago na si Tatay at laging ako ang napagdidiskitahan niya.

"Si Jepoy po pala bakit parang wala pa?" Tanong ko para maiba ang aming usapan. Ayoko na kasing pag-usapan pa si Nanay at Tatay. Okay pa naman ako. Nakakayanan ko pa.

"Nako, nasa galaan na naman siguro 'yong kinakapatid mo. Imbes na atupagin 'yong pagkuha niya ng scholarship para sa susunod na buwan ay inuuna ang kalayawan sa buhay." Salaysalay ni Ate Beth kaya natawa na lang ako.

"Hayaan niyo na po 'yon si Jepoy. Pasabi na lang po na dumaan na po ako rito." Wika ko at sinabihan naman niya akong mag-ingat sa aking paglalako.

"Penoy balot!!" Sigaw ko kahit medyo paos pa ang aking boses.

            Halos matumal ang benta ngayong gabi pero ayoko namang umuwi ng zero kaya naman nang dumaan ako sa aming Barangay ay pumasok ako roon at binentahan ko ang aming Chairman ar gayo'n din ang ilang mga tanod na naka-duty do'n na halos ubusin ang aking paninda.

HALIK SA HANGIN (BXB 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon