HSH SEASON 2: PART 26

1.1K 63 7
                                    

HALIK SA HANGIN PART 26: OFFICIALLY ON

ZIDERICK

BAGO sa akin ang salitang 'ligawan' kaya naman kada may bagong pakulo si Sky ay tila sasabog na ang puso ko sa saya lalo na noong nakaraang araw na nanood kami ng sine. Magkahawak kamay kami noon at tila sa aming lamang umiikot ang mundo. Tama ang sabi nila na kapag in-love ka, sa kanya lang lahat umiikot ang mundo mo at ganoon ang nangyayari sa akin. Tila sa bawat araw na dumaraan ay mas nahuhulog ako. Mas nahuhulog ako sa mga pagpa-cute, pagpapa-sweet at paglalambing niya sa akin.

Sapat na siguro ang ilang araw para sagutin siya. Ika nga nila, relasyon ang pinapatagal at hindi ang panliligaw. Mas makikilala ko pa rin naman siya kapag kami na. Oo nga't may nagawa siyang kasalanan sa akin noon pero hindi naman siguro masamang bigyan ko pa siya ng isa pang pagkakataon na patunayan ang sarili niya sa akin.

"Zide, may ibabalita ako sa'yo." Bungad ni Jepoy sa akin nang sagutin ko ang tawag niya. "Huwag kang magugulat, ha?" Habol pa niya gamit ang kaniyang mababang tono ng boses kaya't kinabahan ako agad.

"Ano 'yon, Poy?" Tanong ko at hindi ko pinahalata sa boses ko ang kaba dahil baka naman nasa isip ko lang 'yon.

"Nakapasa ako sa exam para sa scholarship!" Sigaw niya kaya't natameme ako habang dinig na dinig ko ang pagpiyok ng boses niya dahil sa magkahalong galak at ligaya.

"Sobrang saya ko para sa'yo, Poy." Naluluha na rin ako dahil magkakasama na naman kaming dalawa.

"Zide, makakasama na kita uli. Matutupad ko na ang pangarap ko! Mapapaganda ko na ang buhay namin." Singhal pa niya.

"Poy, basta proud ako sa'yo. Congrats!" Iyon lamang ang mga salitang nasabi ko dahil hindi ko alam ang dapat kong sabihin dahil sa sobrang saya ko para sa kaniya. Parang nitong nakaraan lamang ay pinag-uusapan lang namin ang plano namin kapag nakapasa siya at heto na nga at nakapasa na siya.

"Zide, salamat sa mga reviewer na pinsa mo sa'kin. Kung hindi dahil do'n ay baka bagsak na naman ako." Pasasalamat niya bagama't siya naman talaga at ang kaniyang tiyaga ang pinakasusi sa likod ng pagpasa niya.

"Huwag mo na akong pasalamatan, Poy. Ikaw ang may gawa niyan. Effort mo 'yan." Sabi ko sa kanya bago naputol ang tawag.

Napahinga ako ng malalim matapos ang usapan namin ni Jepoy at pansamantala akong napatingala sa langit at pumikit ako para pasalamatan ang Diyos para sa paggabay niya kay Jepoy para makapasa siya. Matapos iyon ay naramdaman kong may tumabi sa akin sobrang pamilyar sa akin ng amoy niya kaya naman nang humarap ako sa kanya ay tinawanan ko lang siya.

"Anong pinanalangin mo?" Tanong niya.

"Secret," sagot ko.

"Daya naman eh." Aniya bago ko siya pingutin sa tenga.

"Para saan 'yon? Ang sakit eh." Reklamo niya na nakalabi pa.

"Doon tayo sa likod ng Architecture building mag-usap. May sasabihin akong importante." Sabi ko gamit ang seryoso kong tono bagamat pinipigilan ko ang sarili kong ngumiti.

"Bakit naman doon pa?" Tanong niya.

"Basta sumunod ka na lang." Sabi ko at nagmadali naman kaming lumakad papunta sa likod ng Architecture building.

Habol-hinga akong humawak sa dibdib ko dahil sa pagtakbo habang siya naman ay kalmado lang.

"Bakit tayo nandito? Sabihin mo na kasi 'yong sasabihin mo. Kinakabahan ako sa'yo, Zide eh." Aniya kaya tinawanan ko siya kaya natawa na lang din siya.

"Pero bakit nga tayo nandito, Zide? Huwag mong sabihing ano.." Mapang-asar niyang tanong.

"Anong ano?" Balik ko.

"Walang makakakita sa atin dito. Hmm, baka lang naman gusto mong gawin natin uli 'yong ginawa natin sa kotse ko noong nakaraan." Aniya kaya sinuntok ko siya ng isa sa tiyan dahil sa bibig niya.

"Ang dami mong alam! Sasabihin ko lang sanang huwag ka ng manligaw kasi sinasagot na kita kaso parang ayaw mo yata kaya aalis na lang ako." Sabi ko at akmang tatalikod na ako nang yakapin niya ako sa likod at hinarap niya ako agad sa kanya at hinalikan niya ako ng mabilis.

"Talaga?" Sobrang laki ng ngiti niya nang itanong niya iyon kaya naman tumingin ako sa mata niya at tumango naman ako.

"Sabihin mo sa'kin, hindi 'to joke, Zide." Utos niya na parang hindi pa rin makapaniwala.

"Oo nga. Tayo na." Sabi ko na siyang hudyat para buhatin niya ako at niyakap niya ako na parang bata.

"Zide, sobrang pinasaya mo ako. Bago sa'kin lahat ng 'to pero isa lang ang alam ko; mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat magtagal lang tayo. Magiging mabuting boyfriend ako sa'yo, pangako iyan, Zide." Aniya na halos maluha-luha na habang nagsasalita. Siguro ay dahil iyon sa labis na saya.

"Ako rin, Sky. Ayokong mangako ng kahit ano sa'yo, Sky. Simpleng tao lang ako. Mahal lang talaga kita at iyon lang ang kaya kong ipanlaban para sa'yo." Sagot ko at binigyan namin ang isa't-isa ng isang mainit na halik.

Opisyal na kaming magnobyo ni Sky at sobrang sarap sa pakiramdam no'n. Minsan ay hindi ko alam kung anong ginawa kong mabuti para gantimpalaan ako ng isang Sky sa buhay ko na mahal na mahal ako. Sa katunayan niyan ay wala na sila ni Anne kaya naman talagang sinagot ko na rin siya. Wala na akong kahati sa kaniya at masarap iyon sa pakiramdam.

Sino ba naman kasing nagmamahal ang gusto ng may kahati sa taong mahal niya?

Wala.

Mabilis na lumipas ang mga araw at halos mag-iisang buwan na rin kami ni Sky na magkarelasyon at sa bawat araw ay lalo niyang pinapatunayan kung gaano niya ako kamahal. Sa gabi ay tabi kaming matulog at sabay din kaming maligo. Minsan at naglalaro kami ng apoy ngunit hindi pa naman umaabot sa puntong pinapasok niya ako dahil hindi ko pa iyon kaya. Sapat na sa akin ang halik halik at yakap yakap lang at alam kong ganoon din siya.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa lahat dahil para pa rin akong nananaginip dahil sino ba naman ako? Ako lang naman si Ziderick na ang goal ay makapagtapos at makapagtrabaho ng marangal at hindi ko talaga inaasahan ang pagdating niya sa buhay ko.

"Zide, next week ay isang linggo akong mawawala dahil isa ako sa mga napiling mag-volunteer na mag-visit sa isang orphanage sa Laguna. Mami-miss kita kaya't nagpaalam na ako sa'yo. Sana ay behave ka rito kapag wala ako, ha?" Sabi niya at tumango naman ako.

"Okay lang, Sky. Kailangan mo 'yon. Tsaka bakit naman ako gagawa ng kalokohan eh mahal kita?" Sabi ko.

"May tiwala ako sa'yo, Zide at mahal na mahal din kita." Sabi naman niya at hindi ko pa rin talaga alam kung bakit sobrang saya ko. Sana ay magpatuloy itong saya namin kahit nagmamahalan lang kami sa lihim.

"May tiwala rin ako sa'yo, Sky." Sagot ko pa bago ko siya yakapin.

Itutuloy...

HALIK SA HANGIN (BXB 2020)Where stories live. Discover now