HSH SEASON 2: PART 23

1.2K 70 23
                                    

HALIK SA HANGIN SEASON 2 PART 23: PAG-IWAS

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

HALIK SA HANGIN SEASON 2 PART 23: PAG-IWAS

ZIDERICK

    ILANG Linggo na nakakalipas simula noong lumipat kami ni Sky dito sa bahay niya at masasabi kong napakalaking pagbabago ang naganap sa buhay ko bilang isang normal na tao na nagmula at nasanay sa hirap ng buhay. Paggising ko sa umaga ay may nakahain ng almusal. May taga hatid sa campus, may malaking allowance na galing mismo sa ama ni Sky. Mayroon ding airconditioned na kwarto, heater sa banyo at higit sa lahat ay kasama ko si Sky araw-araw. Sobrang sarap ng buhay ko rito sa kanila at talaga namang kahit sino ay nanaising mapunta sa ganitong estado. Minsan ay napapaisip ako na hindi naman pala puro hirap lang ang mayroon ang buhay ko.

    Mula sa aking kwarto na mas malaki ng dalawang beses sa aming kwarto sa dormitory ay maigi kong tinanaw si Sky kasama ang kaniyang girlfriend na si Anne na naliligo sa swimming pool ng mansion na ito.

     Maganda si Anne at maganda rin ang antas ng kaniyang buhay at walang-wala ako sa kanya lalo na't nobya siya ni Sky. Minsan ay naiinis ako sa sarili ko dahil hinahayaan kong may kahati ako sa puso ni Sky pero mas maigi na rin siguro ito kaysa maraming makaalam na gusto namin ang isa't-isa. Ano na lamang ang sasabihin ni Tito Arman na ama ni Sky kapag nalaman niya lahat ng ginagawa namin ni Sky.

    "Zide! Hey!" Tawag ni Anne sa akin nang sandaling makita niya akong nakadungaw sa binatana ng aking silid. Maagi kong binuksan ang sliding window kung saan ako nakapangko at sumagot ako.

    "Hey!" Iyon ang sagot ko sabay ngiti.

    "Tara rito! Ang sarap ng tubig!" Malakas niyang sigaw para marinig ko siya ng ayos. Napaisip tuloy ako kung anong lasa ng tubig sa pool. Masarap daw eh.

    "Okay na ako rito! Enjoy kayo riyan!" Sigaw ko pabalik at nagtama ang mga mata namin ni Sky na noo'y hindi ko mabasa ang iniisip. Kasunod din noon ang pagsasara ko ng bintana at nahiga ako sa aking malambot na higaan. Iniisip ko pa lang na naghahalikan silang dalawa ay ibayong sakit na ang nararamdaman ko. Para akong tino-torture ng sarili kong isip.

    "Ginusto mo 'yan, 'di ba?" Sabi ko sa sarili ko bago ko yakapin ang unan sa aking tabi.

    Marangya na nga ang buhay ko ngayon pero hindi ko masabing masaya ako dahil kay Sky. Pakiwari ko ay parusa ang bawat araw na lumilipas kasama siya dahil may tao kaming nasasaktan. Pakiramdam ko tuloy ay napakasama at napakamakasarili kong tao dahil sa pakikipagmabutihan ko kay Sky. Siguro at dapat ko ng itigil itong kahibangan kong ito. Dapat kong ibalik ang dating kakalmahan ng puso ko para hindi ko na ito maramdaman. Ang hirap kasi ng ganitong pakiramdam.

    Kinabukasan ay maaga akong nagising at nakasabay ko pa sa almusal si Nanay na noo'y hindi ko pa rin kinakausap o ni iniimikan man lang.

    "Good morning, Anak!" Aniya sa akin at nilagyan niya ng bacon ang aking plato.

HALIK SA HANGIN (BXB 2020)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ