HSH SEASON 3: PART 48

767 48 9
                                    

Phiravich Attachitsataporn  as Sky

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Phiravich Attachitsataporn  as Sky

HALIK SA HANGIN PART 48: BOSS

ZIDERICK

    HINDI ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa tagpong naganap sa amin ni Sky. Sobrang ginugulo na naman niya kasi ang sistema ko at alam kong hindi iyon maganda. Ilang beses ko ng sinabi sa sarili kong huwag ibaba ang aking pader para sa kanya pero ito pa rin ako, apektado pa rin ako sa kanya. Sobrang laki pa rin ng role niya sa buhay ko.

    Siya lang ang nag-iisang taong nakakapanakit sa akin ng ganito at nakapagpasaya sa kabilang banda. Oo, aaminin kong galit ako kay Sky dahil sa kabila ng paghihintay ko sa kanya ng mahigit tatlong taon ay susulpot na lamang siya na may nobya na. Hindi iyon patas para sa akin. Pero gayo'n pa man ay masaya ako, at ang puso ko kada nand'yan siya sa paligid.

    Pwede pala 'yon, 'no? Galit na galit ka ro'n sa tao dahil sa pananakit niya sa'yo pero masaya ka kapag nasa paligid siya dahil marupok ka. Hindi mo maitago ang totoong sinisigaw ng puso mo. Ang korni pero walang nagbago sa damdamin ko para kay Sky. Nagi-guilty din ako sa paggamit ko kay Generson at balak kong sabihin iyon sa kaniya sa tamang oras.

    "Zide, okay ka lang ba?" Tanong ni Manager Kim sa akin habang pinipirmahan ko ang kontrata para sa movie at ilang legal documents na inayos niya para sa akin.

    "Okay lang ako." Sagot ko naman.

    "Mabuti pa ay ipahinga mo ang katawan mo bago magsimula ang shooting. May two weeks pa naman mahigit bago magsimula ang shoot para sa movie niyo ni Sky." Mungkahi niya at tumango naman naman ako.

    "Hindi lang ako nakatulog kagabi pero okay talaga ako. Excited lang siguro ako sa movie," pagsisinungaling ko at bago kami lumabas ng agency ay dumugo ang aking ilong at nakaramdam ako ng pagkahilo at parang halos wala akong marinig na boses. Basta ang alam ko lang ay natumba ako sa sahig.

    "Ano, doc? Okay lang ba siya? May sakit ba siya? Ano? Sabihin niyo sa akin, Doc?!" Iyon ang narinig ko bago ko imulat ang aking mga mata at nakita ko si Sky na nakikipag-usap sa lalaking sa palagay ko ay Doctor.

    "Overfatigue lang ang nangyari. Paggising ni Mister Tamayo ay pwede na siyang iuwi," sabi nito at saktong napatingin sila sa akin.

    "Oh, gising na pala siya," sabi ng Doctor at agad na yumakap sa akin si Sky at nag-iyak na parang bata na ikinagulat ko. Lumabas na rin saglit ang Doctor kaya kami ang naiwang dalawa ni Sky.


    "Okay ka na ba?" Sumisinghot na tanong niya matapos niyang iangat ang ulo niya na kanina ay nakaunan sa dibdib ko.

    "Okay lang ako. Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya at sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Cris at Manager Kim.

HALIK SA HANGIN (BXB 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon