HSH SEASON 3: PART 55

656 40 9
                                    

HALIK SA HANGIN PART 55: TURNING POINT

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

HALIK SA HANGIN PART 55: TURNING POINT

ZIDERICK

    "Zide, tahan na." Sabi ni Jepoy sa akin habang naghihintay kami sa labas ng emergency room kung.

    "Kasalanan ko'to eh. Napakahina ko!" Sabi ko.

    "Ssshh. Zide, walang may kasalanan sa nangyari kundi 'yong Tatay ni Sky." Sabi naman ni Arkin.

    "Sky, ano ba talagang nangyari? Bakit hiniwalayan mo si Sky? Ano bang sinabi ng Tito Arman mo para mapapayaga ka niyang hiwalayan si Sky?" Tanong ni Danny.

    "Sa totoo niyan, hindi lang kami basta nag-usap. Na-kidnap ako no'n." Umiiyak kong usal na kinagulat nila.

    "Zide, bakit ngayon mo lang sinasabi ang bagay na 'yan?" Nanggagalaiting singhal ni Jepoy.

    "Si Sky dapat ang maki-kidnap pero ako ang nakuha at si Tito Arman pa mismo ang nagpapadakip kay Sky at para tigilan na niya si Sky, kami... ay humiling siya sa akin na layuan ko si Sky na sana ay hindi ko na lang ginawa," pagsusumamo ko.

    "Tahan na, Zide. Magiging ayos din ang lahat," sabi naman ni Arkin at nasa ganoong posisyon kami noong dumating si Tito Arman kasama si Nanay at pagkakitang-pagkakita ko sa kanya ay agad akong tumayo at sinuntok ko siya ng isa sa mukha.

    "Masaya ka na?" Tanong ko pero imbes na sumagot at tumahimik lang siya.

    "Kapag may nangyaring masama kay Sky, hindi kita mapapatawad!" Sigaw ko at tinulak ko siya at hindi pa rin siya pumapalag. Siguro ay napagtanto niyang napakagago niya.

    "Zide, hindi ito ang gusto kong mangyari," sabi niya habang maiyak-iyak si Nanay na nakatingin sa akin.

    "Bakit napaka-selfish mo, Tito? Bakit ganyan ka? Patayin mo na lang din kaya ako para masaya ka na," sabi ko at halos manliit ang mundo ko at lambot na lambot ako dahil kanina pang walang malay si Sky sa loob at hindi kami hinahayaan ng doctor na makapasok sa loob.

    "Anak, tama na. Kasalanan namin ito.." Sabi ni Nanay umiiyak na rin gaya ko.

    "Nay! Alam niyo namang mahal na mahal ko si Sky pero bakit hinahayaan niyong masaktan ako ng ganito? Nay!" Sigaw ko at napaupo na lang ako sa sahig at doon ako humagulhol.

    "Zide, sorry, anak," sabi ni Nanay.

    "May magagawa ba ang sorry niyo kapag may hindi na gumising si Sky?" Sabi ko bago ako yakapin ni Jepoy.

    "Ninang, tama na ho." Sabi ni Jepoy at napaupo na lang si Nanay at Tito Arman na wala pa ring imik hanggang ngayon.

    "Okay na po ang patient." Bungad ng Nurse sa amin kaya halos mapahawak ako sa dibdib ko at walang tigil ang pagpatak ng luha na nagmumula sa aking mga mata dahil sa matinding saya.

HALIK SA HANGIN (BXB 2020)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt