HSH PART 3

2.1K 115 7
                                    

HALIK SA HANGIN PART 3: PAALAM MUNA SA NGAYON

ARAW ng Biyernes. Nakahanda na ang aking isang malaking bag na ipinahabilin ko muna kay na Jepoy para hindi makita ni Itay. Mahirap na at baka makahadlang pa siya sa pag-alis ko.

"Umutang ka nga muna sa tindahan ng ulam. Nabuburyo na ako sa itlog at tuyo!" Iyon ang singhal sa akin ni Itay nang makita niya akong nag-aayos ng bandahe sa aking kanang braso na hindi ko pa rin maigalaw ng ayos.

"Bingi ka ba?" Hindi ako kumibo dahil wala naman siyang ibabayad. Naalala ko tuloy noong umabot sa isang libo ang utang namin sa tindahan dahil sa pag-iinom niya. Taka rin naman ako sa itay ko, inom ng inom wala namang trabaho.

"Kayo na ho ang umutang." Mahinahon kong sagot ngunit isang sapok ang natanggap ko mula sa kaniya at nagsisigaw ako.

"Mga kapit-bahay! Tulong! Tulong!" Paghihisterikal ko ngunit walang nakakarinig sa akin kaya naman nagpanting ang kaniyang ulo at nakadampot siya ng bato at ipinukol niya iyon sa aking ulo na naging sanhi ng pangingisay ko hanggang sa nagsidatingan ang mga tao at pulis para hulihin si Itay.

"Zide okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Jepoy at niyakap ko siya bigla dahil akala ko ay katapusan ko na. Nakaidlip na pala ako habang nakikinood sa kanila.

"Huwag na kaya akong tumuloy bukas?" Bigla ko na lamang nasabi iyon dahil sa naging panaginip ko.

"Loko! Huwag kang mag-joke!" Natatawa na medyo naiinis niyang sagot.

"Eh kasi.." hindi ko naituloy ang sasabihin ko.

"Tatay mo na naman kasi?" Aniya at tumango ako.

"Maging selfish ka minsan, Zide. Hindi naman habang buhay bata tayo at ganoon din si Ninong. Siguro kapag wala ka na rito ay tsaka niya mapagtantong malaking kawalan ka. Gising na sa kahibangan! Ako na babasag ng muka mo kapag hindi ka tumuloy. Nakataya na rin ang pangarap ko sa'yo dahil suportado kita." Aniya at doon ako muling nasampal ng katotohanan. Salamat at may Jepoy akong kaibigan kaya nagpapasalamat ako sa Diyos.

"Nga pala, dalian mo. Sumunod ka sa'kin!" Nagmamadali siyang tumakbo at sumunod naman ako sa kanya. Hindi ko namalayang narating na namin ang simbahan dahil sa pagtakbo. Hindi naman kasi kalayuan ang bahay nina Jepoy dito pero hinahapo ako ng bahagya dahil sa pagtakbo.

"Anong ginagawa natin dito? Ang alam ko wala pang misa." Wika ko at hindi siya sumagot ng ayos, bagkus ay hinila niya ako papalapit sa isang bagong tayong shop.

"Milk tea Planet." Aniya habang binabasa ang nakasulat sa labas ng shop na iyon.

"Eh ano?" Pagbalik ko pero hindi siya nagsalita.

"Promise ko sa'yo 'to, 'di ba?" Aniya at naalala ko 'yung sinabi niya noong nakaraan tungkol sa milk tea.

"Papasok pa ba tayo sa loob?" Tanong ko sa kanya dahil naka-shorts lamang ako na pambahay at ganoon din siya. Butas pa ang ang damit kong pang-itaas eh.

"Sige, ako na lang ang o-order tapos hintayin mo ako rito sa labas, ha?" Bilin niya at um-oo naman. Buti iilan lang ang customer na nasa loob at karamihan sa kanila ay mga estudyante na may hawak na gadgets at dumidila sa harap noon na parang  mga ewan. Mayroon pang nag-pose sa labas at pinatabi ako kaya iyon ang aking ginawa. Ito na pala ang uso ngayon sa mga kabataan. Pakiramdam ko tuloy ay ang tanda-tanda ko na. Naiwan na ako ng panahon at halos napabayaan ko na ang sarili ko.

"Wintermelon daw 'yong flavor." Aniya at napakunot naman ang noo ko.

"Wintermelon? Ano 'yon?" Tanong ko at sabay kaming natawa sa sinabi niya.

"Basta ayon daw 'yung bestseller kaya binili ko na."

Maigi kong pinagmasdan ang hitsura ni Jepoy na mas matangkad lang sa akin ng konti. Mas maputi nga lamang ako sa kanya dahil hindi naman ako nag-construction ng matagal.

"Pakiramdam ko iiwan mo'ko ng matagal pero huwag kang mag-alala. Sa susunod na sem daw ay susunod ako sa'yo." Wika niya kaya naman napangiti ako nalungkot sa parehas na pagkakataon.

"Nako, mabilis lang ang panahon. Tsaka kapag sumunod ka, ako naman ang bahala sa'yo ro'n." Sagot ko at sabay kaming naupo sa gilid ng tulay na riles ang ilalim.

"Basta kumustahan tayo, ha? Medyo matagal-tagal ka ring mawawala kaya gusto ko sanang ingatan mo ng maigi ang sarili mo. Inom ka agad ng gamot kapag nilalagnat. Kumain ka ng tama at huwag mong kakalimutang magdasal dahil libre lang 'yon." Paalala niya at sumang-ayon ako ro'n sa sinabi niya. Sobrang swerte talaga ako sa bestfriend kong 'to.

"Medyo nadrama ang usapan pero masaya ako, Jepoy." Wika ko.

"Masaya rin naman ako para sa'yo dahil kapatid na rin ang turing ko sa'yo." Aniya sabay akbay sa akin at iniabot niya ang perang hindi ko inaasahan.

"Two-five 'yan para may konting panggastos ka ro'n sa Maynila." Wika niya at tinanggap ko iyon at akmang ibabalik ko na ang extra na limang daan nang magsalita siya.

"Huwag mo ng tangkaing ibalik sa'kin dahil kailangan mo 'yan." Aniya at ngumiti ako bago magsalita.

"Babayaran kita kapag nagkapera na ako para patas."

"Sige. Kahit kalahati na lang bayaran mo okay na sa'kin." Aniya at um-oo na rin ako.

Marami pa kaming napagkwentuhan dalawa at kasama ro'n ang aming mga pangarap sa buhay.

KINAGABIHAN ay lasing si Itay nang dumating ako sa bahay kaya naman minabuti kong ayusing muli ang aking ilang requirements na kailangang dalhin bukas at nasa ganoong momento ako ng pag-aasikaso sa mga gamit ko nang magsilata siya.

"Saan ka pupunta?" Aniya at tumahimik ako saglit dahil tinitingnan ko kung gising ba siya o hindi at salamat naman at tulog siya.

"Jepoy, kunin mo'to." Bulong ko kay Jepoy sa bintana at kinuha naman niya ang maliit na bag na'yon habang ako naman ay nakatitig lang kay Itay na maiiwan ko. Kahit ano palang sama niya sa'kin ay nauunawaan ko siya. Hindi ko siya magawang mapagtaniman ng sama ng loob dahil mahal na mahal ko siya kahit pa katakot-takot na pananakit ang tinamo ko sa kanya.

"Tay, aalis na ho ako." Bulong ko sa hangin at sinubukan kong halikan siya sa kaniyang buhok at dahan-dahan kong linisan ang aming munting tahanan at ganoon din si Itay.

"Sakay na, dali." Ani Jepoy at nang makasakay ako sa likuran ng bike niya ay napangiti ako malawak.

UMAGA nang imulat ko ang aking mga mata. Katabi ko pa si Jepoy na nakayakap sa akin kaya tinapik ko siya nagising naman siya. Naligo, nag-ayos ng sarili at naki-almusal pa ako sa kanila.

"Zide, ingat ka, anak, ha?" Wika ni Ate Beth sa akin habang papalabas kami ni Jepoy sa kanilang tahanan.

"Opo. Mag-iingat din po kayo!" Masigla kong sagot at nagmadali kaming sumakay ni Jepoy sa tricycle at mabilis naman kaming nakarating sa terminal ng Bus na pa-Maynila.

"Zide, 'wag mong papabayaan ang sarili mo ro'n, ha? Balitaan mo ako, ha? Mi-miss kita!" Aniya sabay yakap sa'kin ng mahigpit kaya naman naiyak ako.

"Hoy, huwag ka nang umiyak! Parang ewan si Zide. Magkikita pa naman tayo eh. Susunod ako ro'n, 'di ba?" Aniya na akala mo ay hindi naiiyak pero naiiyak naman siya.

"Oo na. Mami-miss rin kitang pangit ka!" Pang-aasar niya sa akin at ginulo ko na lamang ang kaniyang buhok bago ako sumakay sa padulong bahagi ng bus dala ang aking isang malaking bagpack at isa pang lumang travelling bag na naglalaman ng ilang dokumento at konting pera ko.

Kumaway pa ako sa umiiyak na si Jepoy nang umarangkada ang bus at hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya pero sa pakiwari ko naman ay dapat dahil makakalaya na ako sa tanikalang dala ni Itay.

"Paalam muna sa ngayon. Hanggang sa huli." Iyon ang bulong ko sa hangin bago ko ipinikit ang aking mga mata.

Itutuloy...

HALIK SA HANGIN (BXB 2020)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora