HSH SEASON 3: PART 45

694 51 9
                                    

HALIK SA HANGIN PART 45: PASALUBONG

ZIDERICK

BAGONG role. Mahirap na mga subjects ng Civil Engineering Students. Requirements at higit sa lahat ay si Jepoy at ang kaniyang mga sinabi ang naging dahilan kung bakit tamad na tamad akong bumangon pero kailangan eh. Dapat magpatuloy sa buhay.

"Zide, kalma lang, ha? Ilang taon ka ng nag-iisa kaya ano pa ba naman 'yong sakyan mo na lang uli ngayon," payo ko sa sarili ko sa harapan ng salamin.

"Magiging okay din ang lahat, 'di ba nga, Zy?" Nakangiting wika ko kay Zy na noo'y kumakain ng pagkain niya.

Isang malaking ngiting pilit ang ginawa ko sa mga tagahanga na naghihintay sa akin sa labas ng gate ng aming College. May ilang nagbigay ng letters, chocolates, bulaklak at iba pa. May nagpa-picture kaya naman mas malaking ngiti ang pinakawalan ko para matakapan ang lungkot na dinadala ko. Kung makakapagsalita lang ng kusa ang ating dibdib ay baka nabingi na ako sa reklamo nito.

"Zide, okay ka lang ba talaga?" Tanong ni Danny habang tinutulungan niya akong buhatin ang mga regalong gamit, bulaklak at pagkain ng aking mga tagahanga.

"Oo naman!" Bulalas ko.

"Sige lang, Zide, lokohin mo ang sarili mo na okay ka kahit hindi naman talaga." Singhal ng isang bahagi ng isip ko.

"Hmm. Parang hindi. Kumain ka ba? Tawagan ko si Jepoy para dalan ka ng noodles na niluto namin kanina. Gusto mo?" Alok niya.

"Nako! Huwag na, Danny. Okay lang talaga ako," singhal ko sabay kamot sa aking kilay.

"Basta kapag may gusto kang sabihin ay nandito lang ako, ha? Pwede kang magkwento sa'kin. Parang kapatid na rin ang turing ko sa'yo, alam mo 'yan." Sabi pa niya kaya naman napasandal ako saglit sa pinto ng aking kotse at napatakip ako ng ulo at naramdaman ko na lang na gusto kong umiyak at sumabog at magsalita ng masasamang words.

"Bakit pinapaiyak mo si Ziderick!" Singhal ng isa kay Danny at tinapik ako nito sa balikat para sabihing tumayo dahil baka mag-cause ako ng komosyon dito sa campus.

"Nagpa-practice lang kami ng acting," sabi ni Danny. "May bago kasi siyang gagampanang role."

"Talaga?" Sabi ng babaeng nakaharap sa kanya. Tumingin pa ito sa akin at nang tumayo ako ay napatili ito na nakakarindi.

"Oo," malumanay kong sagot at lumapit pa ako sa kanya at parang natameme siya sa ginawa kong paglapit sa kanya.

"Good luck, idol!" Sigaw niya sabay takbo papalayo sa akin.


"BALE Philippine adaptation ng Mr and Mr Zhang ang napili ng producer at ikaw ang perfect sa role na 'yon, Mister Ziderick Tamayo!" Tili ni Directong Jang, ang director na magha-handle sa movie na gagawin namin.

Medyo natanggal ang pandinig ko sandali dahil sa tili niya. Biruin niyo ay puro puting buhok na ang nasa ulo niya tapos may salamin pa siya at malaki ang katawan tapos titili lang na parang isang barbie na tigte-trenta pesos, iyong naiikot ang leeg.

"Okay, balik tayo sa topic," aniya. "I want you to be the lead role. So, is it a yes or a yes?" Tanong pa niya at napatingin ako kay Manager Kim at sa assistant kong si Cris. Kapwa sila naka-thumbs up kaya naman napangiwi ako ng saglit bago ako ngumiti ng malaki.

"Payag na ako," sabig ko at napa-yes ang mga nasa paligid kabilang na ang ilang producer na kasama namin ngayon.

"We'll send you the contract para sa project na 'to at excited na akong makatrabaho ka!" Ani Direktong Jang at niyakap ako nito kung saan naamoy ko ang katinko sa leeg niya. Amoy Lola Remedios din siya kaya napangiwi ako.

"I am looking forward din po," sabi ko.

"Nako! Napaka-desente naman pala nitong alaga mo, Kim. Ino-opo ako eh halos magka-edad lang kami," sabi pa niya at parehas kaming nagkatinginan ni Cris at natahimik kaming lahat pero bigla siyang tumawa, si Director Jang.

"Biro lang! Masyadong kayong mga seryoso. Nga pala, nakalimutan kong sabihin sa inyo na may natanggap na kaming makakapareha mo sa movie. Sobrang bagay na bagay kayo. Sobrang pogi niyong dalawa kaya alam kong bebenta kayo sa masa!" Singhal nito kaya napaisip ako sandali kung sino siya.

"Hmm, Direk, sino po?" Iyon lang ang lumabas sa aking bibig.

"You'll meet him soon. Don't be excited, Ziderick," sagot niya kaya naman tumango na lamang ako.

"Sige, Direk." Iyon ang sabi ko at bago kami natapos mag-meeting ay may kumatok sa pinto na talaga namang ikinagulat naming lahat lalo na noong bumukas ang pintuan.

"Direk!" Tawag nito na talaga namang nagpatindig ng buhok sa aking katawan.

"Oh, nand'yan na pala 'yong makakapareha mo sa movie, Ziderick," sabi naman ni Direk at tila tumigil ang mundo ko noong sandaling makita ko ang kaniyang anyo. Mas gumwapo siya.

"Sky?" Halik ko sa hangin.

"Upo ka, Sky." Sabi ni Direk at nagtama ang aming mga mata at hindi ko alam kung paano ako mag-re-react sa bigla niyang pagsulpot. Mag-aapat na taon na, ngayon ko lang uli siya nakita. Ni minsan ay hindi man lang niya ako nagawang tawagan, kumustahin o padalahan man lang ng sulat. Tila ba para siyang bulang naglaho ngunit ngayon ay nabasag lahat ng negatibong bagay na iniisip ko buhat sa pag-alis niya. Naalala ko tuloy noong magising ako hospital. Siya agad ang una kong hinanap pero wala siya. Ni anino niya ay hindi ko man lang nahagilap.

"Direk, pasensya na at sobrang late ako. Traffic kasi papunta rito sa studio niyo," aniya at hindi ko tinatanggal ang tingin ko sa kanya.

Buong pag-uusap ay wala ako sa sarili ko. Bagama't muka akong nakikinig ay hindi maalis sa isip ko ang pagkabigla.

"Sky, balita ko ay schoolmate kayo dati ni Zide. Totoo ba iyon?" Tanong ni Mr. Kim.

"Ah, opo." Ayon lang ang sinagot niya.

"Hindi lang kami basta magka-schoolmate. Kilalang-kilala namin ang isa't-isa." Sabi na may diin.

"Mabuti kung ganoon. Madali na sa inyo ang magiging trabaho niyo." Sabi naman ni Direk Jang.

Marami pa kaming napag-usapan at halos umiikot sa amin ang usapan at isang buwan mula ngayon ang magiging simula ng shooting namin. Marami pa kasing inaayos na sa casting at sa locations ng shoot.

"Hmm, paano ba 'yan, let's call it a day!" Sabi ni Direk at lahat kami ay tumayo.

"Direk, Mr. Kim, Zide, mauna na ako. Susunduin ko pa kasi 'yong girl friend ko," sabi bigla ni Sky kaya halos mamilipit ang dibdib ko sa sakit dahil ako lang pala ang umaasang babalik siya at magiging okay ang lahat sa'min. Hanggang ngayon, talunan pa rin pala ako. Hindi ko inakalang sa halos apat na tao naming hindi pagkikita ay ito ang bubulaga sa akin.

Wala naman akong natatandaang nag-break kami kaya hindi ko maunawaan kung bakit parang ang dali niyang nakahanap ng kapalit ko. Unfair talaga ng mundo. Nagtaya ka lang naman ng pagmamahal pero sakit ang ginawang pabuya sa'yo. Nakakatawa.

"Zide, tara na rin!" Singhal ni Manager Kim at tinanaw ko ang pag-alis ng taong hanggang ngayon ay may kakayahan pa rin pasayahin at durugin ang puso ko sa magkaparehong senaryo. Hanggang kailan ako magiging talunan sa laban na'to? Hanggang kailan ko iisiping nag-iisa ako?

"Tara!" Pinilit kong ngumiti pero pagsakay ko sa sa passenger seat ng kotse ay bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Sakit naman ng pasalubong mo, Sky," umiiyak na halik ko sa hangin.

Itutuloy....

HALIK SA HANGIN (BXB 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon