HSH-Part 2

2.5K 120 19
                                    

HALIK SA HANGIN Part 2: DESISYON

    "ZIDERICK, nakapasa ka! Congrats!" Iyon ang bungad sa akin ni Jepoy nang pumunta ako sa kanila para kuhanin ang paninda kong balot at penoy. Matapos ko iyong marinig ay halos manlambot ang aking tuhod dahil makakalaya na ako sa kamay ni Tatay ngunit sa kaparehong kadahilanan ay ayokong abandunahin si Tatay dahil kami na lamang dalawa ang natitirang magkapamilya simula noong iwan kami ni Nanay.

    "Oh, bakit parang hindi ka masaya? Buti ka nga nakapasa eh. Ako nasa waiting list." Wika niya at tinapik pa niya ako sa aking balikat.

    "Masaya ako syempre! Pero kada iniisip kong iiwanan ko si Itay ay sumasakit ang dibdib ko." Pagpapatotoo ko ng aking saloobin sa kanya na agad niyang naunawaan.

    "Abnormal ka rin minsan, Zide. Matapos kang bugbugin ni Ninong noong nakaraan at halos mapatay ka na, heto ka pa rin, mukang tanga!" Asik niya at humikab siya bago nagsalitang muli. "Hindi deserve ni Ninong ang pagmamahal mo. Balita ko kaya iniwan ni Ninang Linda si Ninong kasi sugarol daw." Aniya na wala namang katotohanan.

    "Mag-iinom lang si Tatay pero hindi 'yon nagsusugal!" Pagtatanggol ko pa kay itay dahil iyon naman ang totoo.

    "Eh 'di mag-iinom na kung mag-iinom. Ang sa'kin lang, dapat hindi ka niya sinasaktan. Anak ka niya eh." Anas pa niya.

    "Nauunawaan naman kita pero gaya nga ng sabi ko, si Itay na lang ang natitira kong pamilya simula nang iwan kami ni Nanay. Kaya mahirap din sa'kin talaga lahat. Hindi naman ganoon si Tatay dati kaya umaasa akong magiging ganoon pa rin siya--mabuting ama." Wika ko na ikinatawa niya.

    "Anong nakakatawa?" Tanong ko.

    "Umaasa ka pa talaga na magbabago si Ninong?" Tumawa siya. "Malabo pa sa pagputi ng itlog ko 'yon!" Aniya at nakitawa ako sa kanya.

    "Pero seryoso ako, gusto kong magdesisyon ka ng ayos. Huwag mong sayangin 'yong scholarship!" Napaisip din ako sa sinabi pero si Itay pa rin ang unang pumapasok sa isip ko. Kahit naman puro pambubugbog ang ginagawa niya sa akin ay hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Gasino na lang 'yong pasa na natatamo ko.

   
    "Sige. Salamat, Jepoy!" Sabi ko at hinila niya ako bigla sa tapat ng kanilang tindahan at naglabas siya ng isang malaking softdrinks at dalawang tinapay na ensaymada.

    "Congrats uli, Zide! 'Yan lang kaya ko eh. Alam mo namang sa Biyernes pa ang sahod ko sa construction. Tsaka, gusto sana kitang ilibe ng milktea, iyong uso kaso mas kailangan namin ng pera eh. Hayaan mo, sa susunod ay ililibre na talaga kita!" Aniya at nakataas pa ang kaniyang kanang kamay na animo ay nanunumpa sa akin. Ang sipag din kasi nitong si Jepoy at isinakripisyo niya ang pag-aaral niya noon para makatulong sa kapatid niyang masyadong hikain.

    "Salamat uli, Jepoy! Sana ay hindi ka na nag-abala. Tsaka ano ka ba? Hindi uso sa'kin 'yong milktea tsaka, ano ba 'yon?" Sagot ko sa kanya na naging dahilan ng pagtawa niya.

    "Uso 'yon! Iyon 'yong matamis na tsaa na malamig na nakalagay sa cup na iba't-iba ang size!" Pagkukwento niya kaya naman nagkaroon na ako ng ideya ngunit hindi ko ma-imagine ang lasa ng tsaa na matamis.

    "Sana makatikim tayo no'n someday." Masayang tinuran ko.

    "Nakatikim na ako. Ikaw na lang ang hindi pa kaya promise ko talaga na ililibre kita no'n sa Plaza kapag nagkapera na ako." Diterminado talaga siyang ilibre ako kaya naman napangiti ako ng malaki habang nilalagok ang huling patak ng softdrinks na inilibre niya sa akin.

    Mag-aala-una na nang umaga nang makauwi ako sa bahay at hawak ang aking kinitang isang daang piso ay malaki ang aking naging ngiti dahil kanina ay naka-300 pesos din ako sa paglalabada kay na Aling Perly tsaka masaya kasi may libreng meryenda pa. Napapangiti tuloy ako nang malaki dahil kahit papaano ay may naitatabi na akong pera na magagamit ko kung saka-sakaling tumuloy ako.

HALIK SA HANGIN (BXB 2020)Where stories live. Discover now