HSH SEASON 3: PART 56

697 35 9
                                    

HALIK SA HANGIN PART 56: PILOT WEEK

ZIDERICK

MALAKI ang ngiti sa labi namin ni Sky pagkalabas namin ng sinehan at paglabas na paglabas namin ay inabutan kami ng bulaklak dalawa ni Sky ng aming mga manager at nagsigawan ang mga tao nang umakyat kami sa stage. Pilot week kasi ng aming movie at talaga namang hindi mahulugang karayom ang ibaba ng stage na kinaroroonan namin at ganoon din ang mga nanonood sa sinehan kanina.

"Good afternoon sa inyong lahat!" Sabi ni Sky at talaga namang nagsigawan ang lahat dahil sa kagwapuhan niya. Nakahawak pa siya sa kamay ko ngayon na itinaas niya.

"Papa Sky!" Sigaw ng karamihan.

"Papa Zide akin ka na lang!" Sabi naman isang bortang ahit ang kilay sa 'di kalayuan.

"Hindi na pwede si Zide." Sabi ni Sky sa mikropono kaya naman nagtilian ang mga kababaihan at ganoon din ang sangkabaklaan lalo na noong hinila ako ni Sky papalapit sa kanya.

"Salamat sa panood ng aming movie. Sa mga manonood pa lang, sana ay ma-enjoy niyo. Pinaghirapan namin iyon ng boyfriend ko," sabi niya sabay tingin sa akin at hinalikan niya ako sa ilong. Never in my wildess dream na makikita ko na nakatayo kami rito at pinapakita kung gaano namain kamahal ang isa't-isa. Sobrang sarap sa pakiramdam na ipagmalaki ka sa harap ng maraming tao.

"Good day sa inyong lahat! Ako si Zhang Nan sa movie na'min at sana ay huwag kayong magsawang suportahan kami sa mga susunod pa naming project," sabi ko at ngumiti ako ng pagkalaki-laki at muling naghiyawan ang tao.

"Okay, guys. Kalma lang kayo!" Sabi ng host na umaakyat sa stage.

"So, Ziderick Tamayo at Sky De Vera, anong masasabi niyo na unang araw pa lamang ay dinagsa na ang sinehan sa buong bansa ng inyong mga taga suporta at talaga palang napakagwapo niyong dalawa! Bagay na bagay kayo! Sana all!" Aniya kaya nagkatinginan kami ni Sky at ako ang unang sumagot.

"Salamat sa papuri, Sir! Gusto kong sagutin ang tanong mo sa simpleng sagot. Siguro ay dinumog ang bawat sinehan sa bansa dahil tunay na napapanahon na para kilalanin ang ganitong klase ng relasyon at penikula na bago sa panlasa ng madla. At nais ko ring sabihin sa inyong lahat na bago namin marating ang kinalalagyan namin ay katakot-takot na problema ang pinagdaanan namin ni Sky. Nagkahiwalay kami ng mahigit tatlong taon dahil nagtungo si Sky ng Korea at naiwan akong mag-isa rito sa bansa. At kung tatanungin niyo ako kung naghanap ba ako ng iba ay hindi ko iyon ginawa. Bakit? Dahil sapat na 'yong mahal na mahal ko siya kahit hindi ko alam kung babalikan niya pa rin ako. At heto nga kami sa inyong harapan ngayon, kami ang patunay na ang ganitong uri ng relasyon ay nag-e-exist. Marahil ay marami sa atin ang nakakaramdam ng kabiguan kaya't naghahanap tayo ng kapareha at nagtatapos tayo sa katauhang hindi naman talaga tayo. Ang ibig kong sabihin ay naglalaro tayo. Pinaglalaruan at binababoy natin ang ating mga sarili at iyon ang isang bagay na hindi maganda. Sana ay matuto nating mahalin ang sarili natin bago tayo maghanap at magbigay ng pagmamahal mula sa iba." Sabi ko at halos mabingi kami sa tilian at sigawan ng madlang naroroon.

PAGDATING na pagdating namin sa bahay ay ibinalita ni Direktor Jang na pumatok ang aming movie at pumalo sa 100 million ang kinita namin sa loob ng isang araw kaya naman samo't saring review at papuri ang natanggap namain mula sa aming mga tagahanga at masayang-masaya kami ni Sky dahil doob.

"Sabi ko sa'yo papatok tayo sa mata ng madla eh," sabi ni Sky kasi kagabi ay anxious ako sa magiging impact namin sa mga tao.

"Oo nga eh," sabi ko at akmang hahalikan ko siya nang biglang may kumatok.

"Sir, pinapatawag mo kayo ini Sir at Ma'am.. kakain na raw po," kinikilig na wika ng kasamabahay na nag-aalaga kay Zy at tumango naman ako.

"Sige. Susunod na kami," sabi ko at kinikilig na lumakad siya papalayo.

Pag-upo namin sa dining table ay maraming naka-serve na pagkain at malawak ang ngiti ni Nanay at Tito Arman bagama't medyo naninibago kami ni Sky dahil hindi kami ganito itrato ni Tito lalo na't magkahawak ang kamay namin.

"Sky, hindi naman aalis si Zide," puna ni Nanay.

"Bitawan mo muna ang pagkain niyang si Sky at kumain na kayo, Zide," utos naman ni Tito na siya naming ginawa.

Napuno ng tawanan ang hapag noong magkwentuhan kami at para bang at home na at home na ako rito sa wakas.

"Sky, Zide, proud na proud ako sa inyo.." sabi ni Nanay.

"Nay, graduating na ako," sabi ko.

"Talaga?" Sabi naman ng epal na si Sky kaya kinutusan ko siya ng isa.

"Oo nga! Ilang beses ko na kayang sinabi sa'yo!" Singhal ko.

"Sakit no'n!" Sabi naman niya at tumingin sa akin si Tito Arman.

"Hmm, Zide.." tumingin ako sa kanya nang sabihin niya iyon. "Anong gusto mong regalo? Bagong kotse? Lupa? Bahay? Tell me," sabi ni Tito kaya nagulat ako.

"Okay na po ako sa simpleng salu-salo," sabi ko kaya tumango naman siya.

Natapos ang pilot week ng aming movie at talagang pinipilahan pa rin ang bawat sinehan at tapos na rin ang requirements ko sa school dahil sa tulong ni Sky at buti na lamang talaga at dalawa summer class ang dinaluhan ko kaya nakahabol ako sa mga naiwan kong subject noong naaksidente ako.

"Ready ka na?" Tanong niya sa akin habang nilalagay niya ang ilang pagkain na pasalubong niya kay Tatay. Medyo kabado siya kasi pinapauwi kami ni Tatay noong makita niya kami balita.

"Ikaw ba? Ready ka na?" Tanong ko.

"Oo naman! Tsaka ano ba 'yang nasa labi mo?" Tanong niya kaya naman tumingin ako sa salamin ko para manalamin pero wala naman akong nakitang kakaiba sa labi ko. Nasa ganoong estado ako ng pananalamin sa cellphone ko nang bigla niya akong hilahin papalapit sa kanya at hinalikan niya ako sa labi.


"Loko ka! Nakatingin sa'tin 'yong guard!" Sabi ko.

"Eh anong pakialam ko?" Sabi niya kaya pinisil ko na lang ang sasakyan niya bago kami sumakay sa kotse niya.

Dinaanan na rin namin si Jepoy na sasabay daw pauwi kaya naman tawa kami ng tawang tatlo habang nagkukwento si Jepoy ng istorya ng buhay namin noong bata pa kami.

"Nako, nahuli nga kitang nagsasalsal sa c.r tapos imbes na tumigil ka ay pinagsalsal mo rin ako," sabi ko kaya lalong natawa si Jepoy.

"Bata pa tayo no'n! Loko ka, Zide!" Aniya.

"Sadya naman ah!" Sabi ko at nakita ko si Sky na nakalabi.

"Pero iba ka rin dati. Umakyat ka sa bakod kasi tinatamad kang pumasok no'ng grade six tayo kaya pagdating natin sa bahay ay napalo tayo parehas," sabi pa ni Jepoy kaya napatingin ako kay Sky na natatawa.

"Nako, cutting boy ka pala dati eh!" Panunuya niya.

"Hindi talaga!" Sabi ko at para mawala ang pang-aasar nila sa akin ay nagpatugtog ako at pinlay ko ang isang musikang sa tingin ko ay nalagpasan na namin.

HALIK SA HANGIN BY EBE DANCEL

Ang ikli nang panahon na binigay sa amin
Pagibibig na para lang isang halik sa hangin
...
Ang ikli nang panahon na binigay sa amin
Pagibibig na para lang isang halik sa hangin
Sandali lang nabuhay ang pusong ito
At ngayon nagdurugo
Dahil nga ngayon, wala na ako doon
Sa piling niyang mayroong pagasa pa ba
Sana lang ay magkaroon, isa pang pagkakataon
Ibalik pa ang kahapon noong kasama ko siya
Noong ako ay masaya,
Noong ako ay masaya.
Noong ako ay masaya,
Noong ako ay masaya.
...
Sabik na sabik na akong makasama siya
Gusto kong humalik sa labi at mga pisngi niya
Pwede bang ibalik pa yung pagibig naming dalawa
O wala na talaga?
Dahil nga ngayon, wala na ako doon
Sa piling niyang mayroong pagasa pa ba
Sana lang ay...

Itutuloy...

HALIK SA HANGIN (BXB 2020)Where stories live. Discover now