HSH SEASON 3: PART 53

699 39 13
                                    

HALIK SA HANGIN PART 53: AYOKO NA

ZIDERICK

    HINDI ako pinatulog ng isip ko dahil tumatakbo sa isip ko kung hihiwalayan ko ba si Sky o hindi. Kapag kasi nagpatuloy pa ang relasyon namin ay baka mas mapahamak lang siya lalo. Napahamak na ako kahapon at halos ma-trauma ako dahil doon pero hindi ko iyon maikwento kay Sky dahil ayokong mag-alala siya sa akin kaya naman pagkatapos na pagkatapos naming mag-umagahan ay tumayo ako.

    "Huwag mo na akong ihatid, Sky," malamig kong tugon sa kanya.

    "Bakit? May problema ba, Zide?" Tanong niya at umiling ako. "Pagdating mo kahapon ay ganyan ka na. Tell me, may problema ka ba?" Tanong niya pa at hinawakan niya ang kamay ko.

    "Hmm. Wala naman." Sabi ko at ginamit ko ang natutunan ko sa pag-aartista ko para ngumit ng todo.

    "Wala ba talaga, Zide?" Aniya.

    "Naisip ko lang na pagod na akong magpanggap na mahal kita, Sky," pagsisinungaling ko.

    "Anong sinabi mo?" Tanong niya.

    "Pagod na'kong magpanggap na mahal kita, Sky." Sabi ko at bumuntong hininga ako.

    "Tell me, nagbibiro ka lang. Hahaha! Effective!" Aniya pero hindi ako tumawa.

    "Hindi na talaga kita mahal, Sky. Noong dumating ka, kala ko mahal pa kita pero habang tumatagal na magkasama tayo, nasasakal na'ko. Ayoko ng lokohin ang sarili ko, Sky. Ayoko na. Tapusin na natin 'to!" Sabi ko at hindi siya makapaniwala dahil yumakap pa siya sa akin ng mahigpit.

    "Zide, alam kong nagbibiro ka lang.. tama ako, 'di ba?" Aniya at yumakap siya sa tuhod ko kaya napapikit ako saglit.

    "Tumayo ka d'yan, Sky. Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo," sabi ko.

    "Zide, ang layo na ng narating natin... ngayon mo pa ako iiwan sa ere?" Sabi niya kaya natahimik ako.

    "Pinaglaban kita kay Papa, ginawa ko ang gusto mo. Binalikan kita kasi pangako natin sa isa't-isa na hindi na tayo maghihiwalay tapos ngayon sinasabi mong ayaw mo na..." pumiyok siya. "Zide, mahal na mahal kita, alam mo 'yan!" At pumatak ang luha na nagmumula sa kaniyang mga mata.

    "Noong umalis ako, umasa akong may babalikan akong Ziderick na mahal na mahal ko. Nadatnan nga kita, nagka-ayos tayo pero parang iniwan mo ako sa ere bigla, Zide. Nandoon na tayo eh. Pinaglalaban na natin ang isa't-isa eh. Sa sex ba? Mas gagalingan ko pa! Sa ugali ko ba? Tell me? Anong dapat kong gawin para lang hindi ka mawala sa'kin, Zide?" Madamdaming pagsasalaysay niya habang umiiyak.

    "Wala, Sky.." muntikan na akong pumiyok.

    "Luluhod ako sa harap mo, Zide..." at lumuhod nga siya. "Huwag mo naman akong iwan, Zide. Mahal na mahal kita!" Umiiyak na sigaw niya habang nakaluhod at nakayakap sa paa ko.

    "Sky, tumayo ka d'yan. Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo." Sabi ko at ngayon pa lamang ay pinagsisisihan ko na ang ginawa ko dahil mas dobleng sakit ang nararamdaman ko ngayon. Ang hirap makitang umiiyak ni Sky at nagmamakaawa ngayon sa akin at ako pa ang dahilan no'n pero mas masakit kapag wala akong ginawa para protektahan siya.

    "Zide naman!" Sigaw niya.

   
    "Sky! Huwag mo na akong pahirapan! Tumayo ka na d'yan. Sinabing hindi na kita mahal eh!" Sigaw ko.

    "Zide, mahal na mahal kita! Plese... stay with me," aniya at malapit na akong bumigay lalo na noong lumapit si Zy sa kaniya.

    "Sky, last na'to. Ayoko na!" Sabi ko at kitang-kita ko kung paano siya tumingin ng nagmamakaawa, nagsusumo at para bang sinasab niyang huwag kong gawin 'to.




HALIK SA HANGIN (BXB 2020)Where stories live. Discover now