HSH SEASON 2: PART 42

802 46 9
                                    

Nandito na tayo! Sobrang saya kong nakarating ka rito. Ngiti lang, ha? I'll read your comments below.

 Ngiti lang, ha? I'll read your comments below

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

HALIK SA HANGIN PART 42

ZIDERICK

    MARAMING nakapagsabing mas maganda ang buhay dito Manila pero sa aking palagay ay mas maganda pa rin sa Probinsya. Hindi man kami mayaman ay payapa ang aming mga isipan.

    "Zide, okay ka na ba?" Tanong sa akin ni Sky noong bumalik siya.

    "Pwede na raw akong lumabas bukas ng umaga," sabi ko at napangiti naman siya at ngumiti rin ako.

    "Ano palang sabi sa'yo ni Tito?" Tanong ko at umiling lang siya bago nagsalita.

    "Binalaan lang niya ako tungkol sa pananagot ko sa Nanay mo. Pasensya ka na kung nabastos ko ang Nanay mo, ha?" Pagpapaumanhin niya sa akin kaya naman umiling din ako ng marahan.

    "Nauunawaan kita. Ako rin naman, nasagot ko siya dala ng emosyon. Minsan ay hindi naman masamang mangatwiran kung nasa tama ka." Sabi ko pa at niyakap niya ako na parang ayaw na niya akong bitawan kaya naman hinaplos-haplos ko ang kaniyang likod dahil para siyang bata na umiiyak.

    "Hindi naman ako mamatay, Sky. Tahan na," pag-aalo ko sa kaniya.

    "Pero paano kung namalmaan ka? Hindi ko mapapatawad ang sarili kung saka-sakali." Sabi pa niya at pinunasan ko ang nangingilid niyang luha gamit ang aking kanang kamay.

    "Pero okay na naman ako kaya salamat pa rin sa Diyos dahil nandito na ako, kayakap mo ngayon." Bulalas ko gamit ang aking malumanay na boses.

    "Basta, Zide, kahit anong mangyari ay mahal na mahal kita!" Singit pa niya at hinalikan niya pa ako sa labi ng mabilis at natawa pa ako noong ipwesto niya ang kamay ko sa dibdib niya.

    "Mahal din naman kita, Sky. Mahal na mahal," sabi ko at ngumiti siya.

    "Alam ko." Aniya. "Basta pakiramdaman mo lang ang kabog ng didib ko. Ikaw lang ang nagpatino sa akin, nagmahal ng sobra at nagtyaga ng ganito," sabi pa niya at ewan ko ba kung napaka-extra sweet niya ngayon.

    Pinakiramdam ko ang kalabog ng dibdib niya at nakita kong umiiyak siya at hindi ko alam kung bakit parang iba ang nararamdaman ko sa iyak niyang iyon. Kabado ako pero hindi ko iyon pinahalata sa kaniya.

    "Sorry sa lahat ng mga kalokohan ko, Zide. Ikaw ang paborito kong kasalanan sa lahat. Kung mauulit ang buhay ko ay ikaw at ikaw ang pipiliin ko. Tandaan mo iyan." Sabi pa niya kaya naman hinahawakan ko pa ng mahigpit ang kamay niya.

    "Wala kang dapat ihingi ng sorry dahil marami ka ring itinuro sa'kin. Nakilala ko ang sarili ko dahil sa'yo at hindi ako nagsisising ibinigay ko lahat sa'yo dahil mahal kita," sabi ko pa. "Walang oras na hindi kita minahal, Sky. Kapag kasama kita, ako ang pinakamasayang tao sa mundo," pahabol ko.

HALIK SA HANGIN (BXB 2020)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang