HSH SEASON 2: PART 36

901 50 11
                                    

HALIK SA HANGIN PART 36: TAWAG

JEPOY

    "Buti naman at okay na kayo ni Sky," sagot ko sa kwento ni Ziderick.

    "Salamat sa'yo, 'Poy. Kung hindi dahil sa mga sinabi mo kay Sky baka galit pa rin sa akin ang lokong 'yon." Sagot naman niya.

    "Wala 'yon, loko! Para saan pa at naging magkaibigan tayo kung hindi kita kayang suportahan sa gusto mo?" Sagot ko na ikinatawa naman niya na ikinatuwa ko rin. Ang sarap kasing makita ng ngiti niya.

    "Kaya 'd best ka eh!" Sabi pa niya sabay akbay sa'kin at ewan ko kung bakit ko ginawa 'yong pag-aayos sa kanilang dalawa. Siguro ay natural na sa akin na gawin ang lahat para kay Ziderick.

    "Ikaw din naman. Pero nag-aalala pa rin ako sa'yo. Sa inyo ni Sky." Panimula ko pa dahil naiisip ko kung malaman ng mga magulang nila na may namamagitan sa kanila.

    "Bakit naman?" Nagtatakang tanong niya.

    "Kasi.. paano kung mabuko kayo ni Tita Linda at ng asawa niya? Hindi ba't malalagot kayo?" Wika ko.

    "Naisip na rin namin ni Sky 'yan pero wala pa rin talaga kaming plano. Ang gusto lang namin ngayon ay ilihim muna ang lahat at maging masaya ng magkasama." Sagot niya.

    "Pero alam mo, Zide, mahirap 'yang pinasok mong relasyon. Pero sa kabilang banda ay hindi kita pipigilan dahil gusto mo 'yan." Sabi ko pa na totoo naman. Kung ako na lang kasi sana ay hindi siya nahihirapan ngayon sa sitwasyo nila. Maging ako kasi ay nag-aalala.

    "Ewan ko rin ba rito sa puso ko. Sa dami ng magugustuhan ay iyon pang anak ng asawa ni Nanay," natatawa niyang kumento sabay kamoy sa kaniyang kilay. Bagay na lagi niyang ginagawa noon pa man.

    "Kamot ka na naman sa kilay. Kinakabahan ka ba na baka mabuko kayo?" Kumento ko.

    "Medyo," alanganin niyang sagot at nasa ganoong posisyon kami nang bigla akong tawagin ng isa sa mga ka-block ko.

    "Jepoy, pinapatawag ka sa Admin." Sabi nito sa akin.

    "Bakit daw?" Tanong ko pa rito.

    "Hindi ko alam eh. Basta pumunta ka na lang," sagot pa niya at naiwan kami ni Zide na nakatanga.

    "Tawag ka raw sa Admin Office. Pumunta ka na agad." Mungkahi naman ni Ziderick na tinanguan ko.

    "Sige, Zide. Una na muna ako," sabi ko sabay tapik sa balikat niya.

    PAGDATING na pagdating ko sa Admin Office ay kumatok muna ako sa unang pintuan at nagulat ako noong makita ko si Ninang Linda, ang Nanay ni Ziderick. Maganda ang kaniyang kasuotan at hindi ko inaasahang makikita ko siya rito.

    "Ninang!" Bati ko sa kanya sabay yuko. Magmamano sana ako pero alam kong ayaw niya noon.

    "Ang laki mo na talaga, Jepoy. Natutuwa akong makita ka." Sabi pa niya at nakita ko ang campus director namin na nakaupo sa tapat ni Ninang kaya naman nagbigay galang din ako.

    "Maupo ka, Jepoy." Utos sa akin ni Ninang na siya namang ginawa ko.

    "Bakit niyo po ako pinatawag dito?" Nagtatakang tanong ko.

    "May concern lang si Mrs. De Vera," sabi ng aming Campus Director na si Mr. Patiola.

    "Ano po iyon?" Tanong ko.

    "Bago ko simulan ang lahat ay binabati kita dahil nakapasa ka sa scholarship program na funded ng aking asawa at ako mismo ang pumili sa iyo dahil kilala kita at kaibigan ka ng aking anak na si Ziderick." Simula pa ni Ninang na ikinagulat ko dahil ganito na pala kalayo ang narating niya. Mula sa simpleng babae ay naging makapera at makapangyarihan na siyang tao.

HALIK SA HANGIN (BXB 2020)Where stories live. Discover now