HSH SEASON 3: PART 43

792 44 12
                                    

HALIK SA HANGIN PART 43: HUWAG KANG GAGO

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

HALIK SA HANGIN PART 43: HUWAG KANG GAGO

JEPOY

    "READY na ba 'yong bulaklak?" Tanong ko kay Arkin at tumango naman siya.

    "Paano pala 'yung kandila?" Tanong naman ni Arkin kay Danny na noo'y may bago na namang girlfriend. Nakailang palit na ba ang isang 'to bago kami mag-fourth year college? Hindi ko na rin mabilang eh.

    "Dala ko." Sabi ko at pumasok kami papasok sa sementeryo.

    "Kinakabahan ako," sabi ni Jerico na pilit dumidikit sa akin.

    "Bakit ka naman kakabahan? Maganda ka ba?" Pambabara ni Danny at sabay-sabay kaming natawa saglit lalo na noong sumiksik sa akin si Jerico na parang linta kung sumiksik. Ewan ko ba kung paano namin siya naging kaibigan.

    "Kasi takot ako sa sementeryo! Tsaka huwag kang pasmado ang bibig diyan! Maganda ako, epal!" Sabi niya at nagpatuloy kami sa paglalakad at huminto kami sa isang puntod. Pare-parehas kaming naupo at nagdasal ng taimtim. Ilang taon na rin pala. Dawalang taon na rin pala ang nakakalipas.

    "Roniel, sana ay okay ka lang kung nasaan ka man ngayon," panimula ni Danny.

    "Roniel, graduating na kami," sabi naman ni Arkin at mahina naman ang bulong ko na sana ay masaya na siya kung nasaan man siya. Ganoon din si Jerico na nakasiksik sa gilid ko.

    "Jerico," bakit dikit ka ng dikit kay Jepoy? Hindi ka naman maganda ah?" Pamumula ni Danny kay Jerico.

    "Hindi lang ako maganda, I am confidently beautiful with a heart!" Bulalas naman ni Jerico bilang pagdepensa sa kaniyang sarili.

    "Pia Wurtzbach?" Sabay-sabay naming banggit at nagsindi kami ng kandila at itinirik namin iyon sa nitso ni Roniel.

    "Pero sa tingin niyo, kung hindi tumalon si Roniel sa 4th floor ng Accountancy building ay buhay pa siya ngayon?" Tanong ni Arkin at umiling napailing na lang kami. Sino ba naman kasing makakapagsabing magpapakamatay si Roniel dahil bumagsak siya sa asignatura nilang Intermeidate Accouting 2? Masaya pa kasi siya noon dahil mataas ang grades niya sa ibang mga subjects niya.

    "Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko lang ay takot si Roniel sa tatay niya." Kumento ko.

    "Pressure naman kasi 'yong tatay niya," wika naman ni Arkin.

    Nakaugalian na naming dalawin si Roniel kada end semester at kung may espesyal na okasyon para kahit wala na siya ay para pa rin namin siyang kasama. At ngayong graduating na ang ilan sa amin ay medyo hindi na kami nakakadalaw sa kanya.

    ISANG oras kaming nagkwentuhan sa harap ng puntod ni Roniel bago namin napagdesisyunang umalis na. Habang naglalakad kami ay napatingin kaming lahat sa papasok na kotseng itim kung saan bumaba si Ziderick kasama ang manager niya.

HALIK SA HANGIN (BXB 2020)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz