HSH SEASON 2: PART 29

971 65 6
                                    

HALIK SA HANGIN PART 29: TAHANAN

ZIDERICK

    SABI nila ay para walang maramdamang sakit ang puso ay dapay daw nating gawing busy ang ating isipan. Bagay na ginawa ko sa buong Linggo. Inokupa ko ng iba't-ibang bagay ang aking isip katulad ng pagguhit at pag-aaral para aming finals na kakatapos lang kaya naman naisipan ko ng ayusin ang dadalin kong gamit sa para sa pag-alis ko bukas.

    Okay lahat ng exams ko at kasama pa rin ako sa scholarship na ayaw kong mawala dahil iyon ang una kong puhunan sa pag-aaral ko rito sa Manila. Oo nga't sobrang laki ng allowance ko monthly ay hindi naman iyon basehan para ipagsawalang bahala ko na lang ang scholarship na mayroon ako. Ayokong maging palalo.

    "Zide, anak, ingatan mo sana ang sarili mo pagdating mo ro'n sa Probinsya, ha? Ikamusta mo na lamang ako sa Tita Beth mo at sa kinakapatid mong si Jepoy," aniya sabay yakap akin ng mabilis.

    "Nay, sige po. Mauuna na po ako. Kayo na ho ang bahalang magsabi kay Tito na nakaalis na ako." Sabi ko bago ko nakitang pababa si Sky sa hagdan. Halatang kakagising niya lang pero mas namayani sa kanya ang tapang para makipagtitigan sa akin at hindi ko mabasa ang nasa isip niya dahil wala naman akong talentong magbasa ng iniisip ng ibang tao.

    Ako na ang unang bumitaw sa pakikipagtitigan dahil nagsalita na si Nanay.

    "Sige na, Anak, balitaan mo ako kapag nandoon ka na." Aniya at muli akong sumulyap kay Sky na noo'y nakatingin sa akin ng taimtim at para bang sinasabi niyang huwag akong umalis at dito lang ako. Matapo ang ilang segundong titigan namin ay ako na ang umiwas dahil gusto ko munang huminga mula sa ka-toxic-an ng relasyon na mayroon kami.

    "Sir, nandito na po tayo sa terminal," ang gising sa akin ni kuya Arnel na naghatid sa akin sa terminal ng bus papuntang Probinsya ng Quezon. Nakatulog na pala ako sa sobrang aga ng gising ko kanina.

    "Kuya, Arnel, salamat!" Sabi ko sa kanya bago ako sumakay sa bus na halos mapupuno na rin dahil tapos na ang semestre. Marami akong pamilyar na mukang nakita. Nakalimutan ko na rin tuloy magpaalam kay Danny, Arkin at Roniel ng ayos. Babawi na lamang siguro ako sa kanila sa susunod na semestre.

    "Pakiingatan po ng mga gamit ninyo at five minutes na lamang ay aalis na tayo!" Anunsyo ng konduktor.

    "Sana all iniingatan!" Singhal naman ng lalaking kakaupo lamang sa tabi ko kung kaya't lahat kami ay napatingin sa kanya pero hindi naman niya ininda iyon dahil mas inunawa niya ang pagkakalikot sa bag niya na siya ring hudyat ng pag-andar ng bus patungo sa aming kanya-kanyang mga destinasyon na nais puntahan.

    Malamig ang hangin at temperatura sa loob ng bus pero mas nababagabag ako sa pagtingin tingin ng katabi ko sa cellphone niya at pagpupunas ng luha nito.

    "Bro, okay ka lang?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko na napigilang hindi siya usisain. Kanina pa kasi siya umiiyak.

    "Hmm. Okay lang ako. Masakit lang talaga ang dibdib ko." Aniya kaya't inabutan ko siya ng tubig na dala ko.

    "Hindi ko alam kung anong maitutulong ko sa'yo, basta alam ko hindi ka okay." Wika ko bago ko siya himasin sa likod.

    "Okay lang talaga ako," papiyok-piyok na sagot niya na hindi ko pinaniwalaan.

    "Sana pwede nating lokohin ang sarili natin na okay lang talaga tayo, 'no? Alam mo, madaling sabihing okay ka pero mahirap lang patunayan kasi sa loob-loob mo ay gusto mong sumabog at umiyak para mawala lahat ng sakit." Sabi ko dahil iyon ang nararamdaman ko.

HALIK SA HANGIN (BXB 2020)Where stories live. Discover now