HSH PART 20

1.2K 74 24
                                    

HALIK SA HANGIN PART 20: BIRTHDAY

ZIDERICK

    DALAWANG Linggo na agad ang lumipas simula noong nalaman ko lahat ng kagaguhang ginawa sa akin ni Sky at ganoon din si Brix. Ilang beses akong binalak kausapin ni Sky pero hindi ko siya hinahayaang makalapit sa akin at kada makakasalubong ko siya ay lumilihis ako at nag-iiba ng direksyon na tinutumbok. Binabad ko rin ang sarili ko sa pag-aaral dahil iyon lang ang pinakamabisang gamot sa lahat.

    "Poy, sana makapasa ka sa exam mo para makasama na kita rito. Miss na kita." Sabi ko kay Jepoy nang sandaling makapag-usap kami. Hindi ko sinasabi kay Jepoy ang mga masasamang karanasan ko rito dahil ayoko namang mag-alala siya sa akin ng wala sa oras at lagi ko lang sinasabi sa kanya na okay lang ako kahit hindi naman.

    "Oo naman. Binabasa ko 'yung mga pinasa mo sa'kin na reviewer kaya garantisadong papasa ako." Sabi niya kaya natuwa ako.

    "Good. Basta galingan mo, 'Poy, ha?" Sabi ko bago kami nagpaalam sa isa't-isa.

    "Sinong kausap mo?" Entrada ni Sky na hindi ko sinagot at nagmadali akong lumakad papalayo sa kanya pero sunud pa rin siya ng sunod.

    "Zide, sorry na. Two weeks mo na akong hindi pinapansin. Galit ka pa rin ba?" Nagsusumamo niyang entrada.

    "Parang may nagsasalita sa likod kong demonyo. Hala, may multong sumusunod sa'kin!" Sabi ko sabay takip sa aking bibig. Luminga-linga pa ako sa paligid at nagpanggap akong hindi ko siya nakikita at binunggo ko pa siya pero hindi naman siya nagreklamo, bagkus ay hinawakan niya lang ako sa balikat at hinila papalapit sa kanya.

    "Zide naman." Naiiyak niyang sagot sa akin at tinulak ko siya palayo dahil baka may makakita sa amin. Nakakahiya.

    "Zide, galit ka pa ba sa akin?" Tanong niya.

    "Oo. Sobra." Sagot ko na walang emosyon.

    "Okay lang sa'kin. Deserve ko naman 'yon." Aniya at nagtama ang aming mga mata.

    "Sky, mauuna na ako." Sabi ko at muli na naman niyang hinawakan ang aking balikat.

    "Zide, hihintayin kita sa bahay mamaya. May sasabihin lang ako. Kapag hindi ka pumunta ay hindi na rin ako magpapakita pa kahit kailan sa'yo." Aniya at halos matulala ako dahil sa mga sinabi niya.

    "Hihintayin kita, Zide." Aniya bago siya lumakad papalayo sa akin.

    Dalawang Linggo na ang nakakalipas pero bakit ganoon pa rin ang epekto niya sa akin? Bakit masakit pa rin sa dibdib ko ang lahat. At lalong higit sa lahat ay bakit parang may kung ano sa sistema ko ang nagsasabing yakapin ko siya at patawarin na lang. Pero hindi kasi ganoon kadali ang lahat. Hindi ako ganoon karupok.

    Natapos ang last subject namin at okupado pa rin ang isip ko dahil sa sinabi ni Sky kanina sa akin. Oo, iniisip ko pa rin kung ano ba iyong sasabihin niya sa akin at napagdesisyunan kong huwag na lang pumunta dahil baka maloko na naman ako.


SKY

    NAKATINGIN ako sa salamin at maigi kong sinipilyo ang aking ngipin. Nakakahiya kasi kay Ziderick. Baka mamaya ay isipin niyang hindi ako nagsisipilyo at lalo siyang ma-turn off sa akin.

    Matapos kong ayusin ang sarili ko ay inilapag ko sa center table ng aking mini salas ang binili kong cake kanina bago ako umuwi. Inilabas ko rin ang spaghetti na pinaluto ko kanina kay Mister Nelson at naamoy ko kung gaano ito kabango.

HALIK SA HANGIN (BXB 2020)Where stories live. Discover now