HSH PART 5

1.9K 95 4
                                    

HALIK SA HANGIN PART 5: ADIK

    ARAW ng Linggo. Nagising ako ng hating-gabi dahil sa isang masamang panaginip kaya naman napaupo ako saglit at nagulat ako nang makita kong busy si Arkin na katapat ko sa higaan sa paglalaro ng kaniyang ari kaya naman nang tumayo ako para uminom ng tubig ay nagulat siya pero wala naman sa akin 'yon dahil gawain na iyon ng isang lalaki.

    "Ay, sorry, bro. Taglibog lang." Aniya at sandali siyang napatigil sa kaniyang ginagawa pero ngumiti lang ako bago magsalita.

    "Okay lang. Normal lang 'yan." Sagot ko pero tila tinakasan na siya ng libog kaya napagpasyahan naming lumabas para magkwentuhan na lang. Nakaupo kami sa sahig habang nakatanaw sa buwan at natutuwa ako sa mga kwento niya.

    "Bro, gano'n talaga ko, ha? Sana sa susunod na makita mo akong nagsasalsal, magpanggap ka na lang na hindi mo na kita. Alam mo na tayong mga lalaki, nawawala sa momentum ng kalibugan kapag may nakakakita sa'tin, lalo na kapag naglulusi." Aniya at kapwa kami natawang dalawa.

    "Sige ba. Tsaka okay lang talaga sa'kin. Huwag ka lang magdadala ng babae sa dorm at doon mo kakastain. Bawal 'yon." Paliwanag ko.

    "Syempre naman! Ayoko pang maging tatay. Magtatapos muna ako." Iyon ang sagot niya kaya't maigi pa akong nakinig sa mga kwento niya kung kaya't napag-alaman kong labing walong taon lang din siya at nakatira siya sa Lucban, Quezon. Kung tatanungin niyo naman ako tungkol sa kaniyang hitsura aya magandang lalaki rin naman itong si Arkin. Matangos ang ilong. Maganda ang hibla ng buhok at moreno. Halos magkasing-tangkad lang kaming dalawa kaya sa aking palagay ay angkop ang terminolohiyan gwapo sa kaniya.

    "Ikaw naman, bro, magwkento ka naman. Puro ako ang taya eh." Aniya at tumingin sa akin kaya hindi na ako nag-atubiling magkwento.

    "Ako, mahirap lang kami." Simula ko.

    "Given na 'yon, Zide. 'Yong mas malalim." Singit niya.

    "Excited, bro?" Natawa ako habang sinasabi ko 'yon at ganoon din siya.

    "Sorry na. Ikaw kasi 'yong pinakatahimik sa'min kaya interesado ako sa buhay mo." Tumango ako sa sinabi niya at tumingin ako sa langit na puno ng bituin na tinatanglawan pa ng maliwanag na buwan.

    "Ako, tatlong taon akong natengga sa bahay namin at hindi nakapag-college agad dahil iniwan kami ni Nanay dahil nagsasawa na raw siya sa Tatay ko. Ayon, kami ng Tatay ko ang naiwan na walang ginawa kundi mag-inom araw-araw habang ako, naglalabada ako tapos sa gabi, nagtitinda ako ng balot. Minsa suma-sideline rin ako sa construction. Wala eh, kailangang mabuhay." Iyon ang kwento ko na hindi ko na masyadong idinetalye. Ayoko kasing banggitin na sinasaktan ako ng Tatay ko. Ayokong sirain ang imahe niya sa iba dahil tatay ko pa rin siya.

    "Saklap naman pala ng buhay mo, Zide. Kumpara sa'kin, mas swerte pa pala ako sa'yo. Biruin mo, ako mas pinili kong tumambay lang sa bahay kasi tinatamad akong mag-aral tapos ikaw, ito, nagkukumahog. Mas napagtatanto ko tuloy ang value ng buhay." Aniya at tinapik ko siya sa likod.

    "Okay lang 'yon. Tsaka buti nga natauhan ka na ngayon kundi tatanda kang walang natapos." Wika ko at nag-thumbs up naman siya.

    "Kaya galingan natin, Zide." Mungkahi niya at um-oo naman ako.

    KINABUKASAN. Araw ng Linggo. Sabay-sabay kaming nagsimbang apat at kumain din kami sa labas. Namili na rin kami ng ilang gamit na kailangan namin. Buti na lang talaga at wala kaming uniform kaya't makakatipid din kami.

    "Zide, sa tingin mo makaka-survive tayo sa Engineering?" Tanong bigla ni Danny sa akin.

    "Oo naman! Bakit mo naman naitanong?" Sagot ko sa kanya.

    "Paranoid kasi 'yang si Danny. Sabi niyan sa'kin kagabi, kapag hindi raw niya kinaya ay uuwi na lang siya sa kanila." Singit ni Roniel na noo'y may hawak na pagkain.

    "Eh, talaga ba, Danny?" Si Arkin naman ang sumingit.

    "Ah, hindi ah." Nag-aalangang sagot ni Danny.

    "Weh?" Sabay-sabay naming sagot kaya wala siyang choice kundi mapatawa.

    "Kabado kasi ako. Si Arkin kasi Education tapos si Roniel Accountancy tapos tayong dalawa, Engineering. Kinakabahan talaga ako." Aniya at ako naman ang nagsalita.

    "Ano ka ba, Danny? Normal lang na kabahan ka pero 'di ba, swerte tayo kasi magkasama tayong dalawa? Pwede tayong magtulungan sa klase kumpara kay Arkin at Roniel." Wika ko at sumang-ayon naman silang lahat.

    "Sabi ko nga, swerte!" Aniya.

    "Basta pangako natin sa mga sarili natin na kakayanin natin. Hindi tayo nakapasa sa scholarship at sa school na'to kundi natin kaya." Wika ni Arkin na noo'y malaki ang ngiti.

    Gabi na nang makauwi kami at bukas na ang inaabangan naming simula ng buhay kolehiyo naming apat. Oo, kinakabahan na rina ko pero hindi iyon sapat para mapataob ako. Tsaka pangarap ko ito at pangarap din 'to ni Jepoy kaya't gagalingan ko.

    "Labas lang ako saglit." Paalam ko sa kanila at hindi ko na hinintay na makasagot sila dahil dumiretso na ako sa oval ng aming school at naupo ako sa damuhan. Nasa ganoon posisyon ako nang may tumamang bola sa ulo ko kaya't napasapo ako sa tinamaan kong ulo. Gabi na ah? Bakit may naglalaro pa rin ng bola?

    "Bakit d'yan ka kasi nakaupo?" Iyon ang boses na narinig ko sa aking likuran at nang tingnan ko siya ay halos mapalunok ako ng malaki dahil siya 'yong lalaking nambugbog at nanghahabol noong nakaraan malapit sa gymnasium.

    "Pasensya na." Iyon lang ang nasabi ko kahit ako 'yon nasaktan sa ginawa niya.

    "Pamilyar ka sa'kin. Hindi ko lang maalala kung saan kita nakita pero ano bang ginagawa mo rito? Adik ka ba? Hmm, tama! Sumisinde ka siguro? At dito pa talaga sa oval?" Hindi ako nakaimik sa mga sinabi niya at magsasalita pa lang ako nang lumapit na siya sa akin at kinapkapan niya ako.

    "Nasaan na 'yong droga? Tang ina! Nasaan?" Aniya na ikinainis ko. Halos hubaran na kasi niya ako.

    "Ano ba! Hindi ako adik, kung iyon ang inaakala mo. Baka naman ikaw 'tong adik? Tamang hinala ka eh!" Bulalas ko at hinawakan na ako sa braso.

    "Hindi ako adik. Tsaka malay ko ba kung nagsasabi ka ng totoo?" Aniya at pilit niya akong kinakapkapan hanggang sa mapahiga ako sa damuhan at natumba siya sa ibabaw ko. Ilang segundo kaming nasa ganoong posisyon at amo'y na amoy ko ang kaniyang mabangong hininga.

    "Bitaw!" Singhal ko pero ngumiti lang siya.

    "Shhh." Suway niya at hindi pa rin niya inaalis ang kaniyang sarili sa ibabaw ko. Masyado siyang matangkad para makawala ako kaya naman nag-ingay ako.

    "Ano bang problema mo? Bitaw sabi, pre!" Wika ko pero ngumisi lang siya at inilapit pa niya ang muka niya sa aking muka kaya napapikit ako habang ipinapaling ang muka ko sa kaliwa.

    "Tang ina!" At tuluyan siyang tumawa. Bwiset na bwiset ako kaya nang makabwelo ako ay sinipa ko siya sakto sa pagkalalaki niya at siya naman ang napahiga at halos mamilipit siya sa sakit.

    "Boy, matino ako. Hindi ako adik, gaya ng sinasabi mo!" Inis na inis kong sagot at ganoon na lamang ang pagmamdali kong tumakbo nang magsalita siya.

    "Yari ka sa'kin!" Aniya kaya mas binilisan ko pa ang takbo ko hanggang sa makalayo na ako ng tuluyan sa pwesto niya.

Itutuloy..

HALIK SA HANGIN (BXB 2020)Where stories live. Discover now