HSH PART 4

2.1K 95 3
                                    

HALIK SA HANGIN PART 4:
MAYNILA

    DALA ang mabigat na bagahe ay iniikot ko ang aking paningin sa paligid. Matataas nga talaga ang mga gusali rito sa Maynila at maraming sasakyan. Marami rin akong nakitang mga kabataang kaedaran ko lamang ngunit hindi ko sila gaanong maunawaan dahil sa baroque nilang pananalita. Ang ibig kong sabihin ay tag-lish walang laman.

    "Saan ka na niyan, pogi?" Nagulat ako nang sabihin iyon ng isang bakla na kaedaran ko lang din at halos hapit na hapit ang suot niyang short-shorts at ganoon din ang matingkad niyang makeup kaya napatanong ako bigla.
   
    "May hinihintay lang akong susundo sa'kin." Ngumiti ako bago nagsalitang muli na ikinalaki ng ngiti niya. Lumabas tuloy ang medyo madilaw niyang ngipin. "Nga pala, fiesta na ba rito? Bakit ganiyan ang iyong suot?" Nagtataka kong tanong.

    "Ay, pogi, hindi! Ito ang uso rito. Siguro ay taga-probinsya ka kaya ganyan ka magsalita. D'yan ka na nga! Pogi sana, probinsyano lang!" Aniya sabay irap sa akin na ikinagulat ko naman. Tila may nasabi yata akong hindi maganda kaya napahinga na lamang ako ng malalim bago dumating ang puting van na may plakang AZX ***.

    "Good afternoon, hijo!" Bati sa akin ng isang lalaking nakabihis na tila ba isang guro o ano pa man.
   
    "Good afternoon din po!" Bati ko at inilagay nila ang gamit ko sa likod ng van at nagulat ako dahil may tatlo ring nakasakay sa loob.

    "Kumpleto na kayong mga taga-Quezon Province." Wika ng lalaking kumausap sa akin kanina.

    "I-o-orient ko na kayo rito para hindi na kayo manibago mamaya pagdating niyo ro'n sa hall. Okay ba 'yon sa inyo?" Dagdag pa niya at um-oo naman kami bilang pagsang-ayon.

    "Bago ang lahat, ako si Bert Tamayo or mas kilala bilang Professor Tamayo. Oo, guro ako at ako ang na-assign na sumundo sa inyo. Ikinagagalak ko kayong makilala!" Aniya at hindi na ako nagulat nang malamang isa nga siyang guro.

    "Mamaya niyo na kilalanin ang isa't-isa, ha? Ngayon ay bibigyan ko kayo ng tips para kahit hindi niyo na masyadong pakinggan 'yong mag-o-orient sa inyo mamaya. Una ay lagi niyong dadalin ang inyong mga form at ganoon din ang inyong mga dokumentong ni-require sa inyo. Pangalawa ay sasabihin nila sa inyong kailangang i-maintain niyo ang mga grado niyo at totoo naman iyon at huli sa lahat ay makipag-usap kayo sa mga kapwa niyo iskolar para hindi kayo nag-iisa. Idagdag ko na rin, contact-in niyo ako sa numerong nasa likod ng mga provided i.d kapag kailangan niyo ang tulong ko. Huwag lang finacially, ha?" Aniya at natawa pa siya sa huli niyang sinabi pero sumang-ayon naman kami.

    "Danny Marquez." Tawag niya at tumugon naman ang isang lalaking nakasuot ng salamin na nasa gawing kanan ko.

    "Roniel Fernan?" Sunod na sabi niya. "Yes po?" Sagot nito at nakita kong medyo mataba siya ng kaunti.

    "Arkin Mulac?" At tumingin ako sa lalaking nasa pinakalikod namin at itinaas niya ang kaniyang kamay at sa huli ay ako.

    "Ziderick Tamayo?" Aniya at lahat kami ay tumahimik matapos iyon.

    "Iyon lang at congrats dahil nakapasa kayo sa exam!" Aniya muli  na namang tumahimik dahil hindi naman namin kilala ang isa't-isa. Basta ang alam ko lamang ay lahat kami ay hindi magaganda ang buhay kaya napilitang sumabak dito sa Maynila para gumanda ang buhay.

    "Bro, congrats!" Wika ng katapat kong si Danny.

    "Sa'yo rin, congrats!" Sagot ko at muling yumuko dahil nahihiya ako.

    "Taga Pagbilao ako, ikaw?" Tanong niya pa.

    "Tayabas." Wika ko pabalik at ngumiti siya.

HALIK SA HANGIN (BXB 2020)Where stories live. Discover now