Deadly 85: Mastermind

893 45 5
                                    

Kiana's POV

(4 hours before the conversation of the Queens and Kings happened.)

After ending the call, bumaling ako kay Cal at sinamaan siya ng tingin. Tinaas niya kaagad ang dalawang kamay niya na para bang hinuhuli ng pulis.

"Who told you to take a video of their parents and send it to them?"

Alam ko naman kasing hindi iyon magugustuhan nila Yumi kaya wala akong balak sabihin sa kanila. But when she called me, nakutuban na akong alam nila dahil hindi naman ako tinatawagan no'n.

"I just want to keep them updated."

Napairap lang ako. Iniisip niya bang maniniwala ako sa rason niya?

I just sighed and returned my gaze to Scarlett Vancar's tomb. Tinignan ko lang ang mga tauhan niya at ni Shin habang hinuhukay nila ang libingan ng babaeng iyon. Inabot lang naman sila ng kalahating oras bago makuha ang kabaong ng babaeng 'yon.

Lumapit kami sa kanila. Doon ko malapitang nasilayan ang maruming kabaong ni Scarlett Vancar. Tirik ang araw ngayon pero hindi ko iyon inalintana kahit kanina pa reklamo ng reklamo si Cal. Sana lang sa kakareklamo niya, masunong ang buong katawan niya.

I slightly smiled when they opened her coffin. Nakita ko kaagad ang katawan ni Scarlett Vancar na tanging mga buto na lang ang natira. Medyo mabaho din ito pero hindi na ako nag-abalang takpan ang ilong ko dahil tinatamad ako.

I looked at them. "Destroy it."

Lahat sila'y napatingin sa akin. Some of them are frowning while the others looked at me with shock.

"A-are you serious?" hindi makapaniwalang tanong ni Cal.

I almost rolled my eyes and lazily looked at him.

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Pero ang sabi mo, ililipat mo lang ang mga bangkay nila."

Napabuga ako ng hangin nang sabihin niya iyan. Hindi ko talaga maisip kung paanong hindi sila nahuli ng DO kahit na ganito kabagal mag-isip ang leader nila.

"Ang sabi ko, grandparents lang nila Alex ang ililipat ko. I have other plans with the others."

Hindi na siya nakapagsalita pagkatapos no'n kaya tumingin na ako sa mga tauhan niya.

"Use your shovels and break those bones. I want her dead body to turn into tiny little pieces of shits."

Wala na silang nagawa kung hindi ang sumunod.

Humalukipkip ako at pinanood kung paano nila durugin ang bawat buto ni Scarlett Vancar. Touching someone's grave might be illegal or unacceptable, but the hell I care? Kung tutuusin, kulang pa ito. We killed her but her death isn't enough.

She's an ally of those Generals who want my mother dead. Isa siya sa mga taong mas nagpalakas ng kapangyarihan ng apat na taong iyon at dahilan para mas lalo kaming manganib noon. She even pretended to be a member of the Ruffians para lang mas maniwala kaming sila ang may kasalanan ng lahat.

I'm just destroying her the way she also contributed to those people who want to destroy us too.

Kalahating minuto lang din ang lumipas bago nila tuluyang mawasak ang buto-butong katawan niya. Tinignan ko ang kabaong niyang halos wala ng laman kung hindi maliliit lang na piraso ng barusa.

What a sight.

"Let's go," sambit ko at nauna ng maglakad palayo.

I heard Cal sighed but I ignored it. Agree naman siya kung sakaling patayin ko din ang tatay niya. Pero bakit parang hindi na niya nagugustuhan ang mga ginagawa ko?

4 Deadly Queens Where stories live. Discover now