Deadly 55: Kenzo's Birthday

648 43 6
                                    

Alex's POV

"Kenzo's birthday," maikling sagot ni Kiana nang tanungin siya ni Yumi kung anong party ang pupuntahan namin.

It's October 19 today and it's Kenzo's birthday. At ngayon lang namin iyon nalaman.

Tumaas ang kilay ni Kaye at ngumisi. "Bakit naman tayo pupunta doon?"

May bahid ng pang-aasar sa tono ni Kaye at mahina na lang akong natawa. Kahit simpleng bagay talaga nilalagyan niya ng malisya.

Kumunot naman ang noo ni Kiana. "Kasi kaibigan natin siya?"

"Correction. He's only your friend. Not our friend," sabi ni Yumi at lumabas na ng pinto.

Kaye and I just shrugged but we secretly nodded our heads. Napansin ko ang pagngiti ni Kiana sa inakto namin at nagkibit balikat din.

"Edi hindi." 

Yumi was right. Si Kiana lang naman talaga ang kaibigan ng lalaking iyon. We don't even know what's Kiana's real motive in befriending him. Ang alam lang namin, they had a deal. Kiana will help him to get revenge in DO and in return, Kenzo will give us informations that we can use.

Pero bukod doon? Hindi ko na alam. Pero kahit si Kiana ang nagdala sa kanya dito, hindi ko pa din pinagkakatiwalaan ang lalaking iyon. That guy makes me feel something, something odd. Hindi ko sigurado kung kapahamakan o kaligtasan. Pero alam kong hindi namin siya dapat pagkatiwalaan nang gano'n kabilis.

Sumunod na din kami sa labas at sumakay sa isang kotse ni Kiana. As usual, Kiana is sitting on the driver's seat while Yumi is sitting beside her.

Nasa likod naman kami ni Kaye kaya mabilis kong napansin ang nakasimangot nitong mukha. Natawa na lang ako nang mahina na kinasama ng tingin niya sa akin.

"Kawawa naman. Hindi pwedeng sumakay sa mga motor niya," pang-aasar ko sa kanya at mahina niyang hinampas ang braso ko.

"Manahimik ka nga. Bumabaho ang paligid kapag nagsasalita ka," sabi niya at nginisian pa ako.

Napaawang naman ang labi ko. Aba puta. Ano daw?!

"Hoy—"

"You two, shut the fuck up or I'll slam your heads against the car's doors," pagbabanta niya na kinapreno ni Kiana bigla.

Lumingon si Kiana sa kanya at napa-facepalm na lang kami dahil nanlilisik ang mga mata niya.

"Subukan mo lang! Ipapakain kita sa mamon!"

---

Hininto ni Kiana ang kotse sa tapat ng isang malaking mansion. Sa tantya ko, doble ang laki nito sa mansion ng mga Villareal.

Napanganga si Kaye. "Ang laki pala ng mansion ni Kenzo?"

We just shrugged and went out of the car. Napansin kaagad namin ang mga armadong lalaki na nagbabantay sa labas ng gate at nagche-check ng mga bisitang dumadating. Hindi lang sa gate kung hindi pati na din sa palibot ng mansion.

"I didn't expect his mansion to be this secured," nakangising sabi ni Yumi. "Or maybe he's hiding something inside his house?"

Nagkatinginan kami ni Kaye. Sa tono pa lang ni Yumi, halata nang hindi niya gusto si Kenzo at pinagdududahan niya ito.

"Try to be nice. Even just for once, okay?" sabi ni Kiana at umirap si Yumi.

"I'll do that if you can be sane just for once."

"Binabawi ko na pala iyong sinabi ko," natatawang sabi ni Kiana. "Sige lang, Yumi. Magpaka-harsh ka pa. Magaling ka sa ganyan eh."

Umirap lang si Yumi at nauna nang pumasok habang napanguso na lang si Kiana at sumunod na din. Kaye and I just shrugged once again and followed them inside. Kahit kailan talaga at sakit sa ulo si Kiana.

4 Deadly Queens Where stories live. Discover now