Deadly 21: Dark Organization

835 58 6
                                    

Kaye's POV

"Draw...draw... draw...ang laban ko...draw—"

"Shut up."

Napatigil naman kaagad si Kiana sa pagfi-feeling singer niya nang sabay-sabay na namin siyang samaan ng tingin. Pero halatang nagpipigil siya ng tawa.

"Bitter," bulong niya pa.

Kaagad na bumalik ang tingin namin sa kanya while frowning. Ano daw? Bitter?

"Hoy! Anong bitter?" tanong ni Alex.

"Ang bitter niyo. Hindi maka-move on," sabi niya at dumukot sa paborito niyang Piattos na green.

Napairap naman ako. "Bitter ka d'yan. Hindi naman about lovelife 'to."

"Hindi ba? Diba love of your lives niyo 'yung mga kalaban niyo?" mapang-asar na tanong ni Kiana at kaagad siyang binatukan ni Yumi.

"Shut up or I'll cut your tongue, Demon."

Nag-act naman si Kiana na parang sini-zipper ang bunganga niya habang nagpipigil ng tawa. Napailing-iling na lang kami dahil sa pagkain ulit natuon ang atensyon niya. Malala na talaga ang isang 'to.

Pinipilit na nga naming kalimutan iyong nangyari kanina sa GCU tapos itong demonyitang 'to, patuloy pa din sa pang-aasar. Tapalan ko ng scotch tape bunganga niya eh. Psh.

Pero hindi ko naman mapigilang mapairap sa tuwing maaalala ko ang nangyari kanina. Every result was draw at ni isa sa amin nila Alex at Yumi, walang nanalo. Nakakainis!

I just rolled my eyes at Kiana when I noticed na nginingisian niya ulit kami. Nag-browse na lang ako sa internet gamit ang phone ko dahil wala akong ganang manood ng TV ngayon kasama si Alex. While Yumi, ayun, nagbabasa naman.

Kailan ba hindi?

"Shit!"

Kaagad kaming napatingin kay Alex nang bigla siyang mapamura.

"Makamura naman 'to."

But when we heard that voice ay alam na namin kaagad kung bakit. Tumingin kaming lahat sa screen ng TV kung saan makikita ang mukha ni Gelo.

"Paano namang hindi siya mapapamura kung may lumitaw na unggoy sa TV?"

Inirapan ko pa si Gelo pero imbes na mapikon gaya ng dati, tumawa lang siya. But it's obvious that he's bothered by something dahil peke din ang pagtawa niya.

Ano kayang problema ng unggoy na 'to?

"What do you need?" tanong ni Yumi.

"Gang fight ba?" tanong naman ni Alex.

Umiling naman si Gelo at biglang naging seryoso ang mukha. Naghintay kami ng sasabihin niya pero hindi naman siya nagsalita habang hindi makatingin sa amin. He looks like he's hesitating pero bakit naman?

"Speak, Gelo," impatient na sabi ni Yumi.

He sighed. "W-we found him..."

"Who?" tanong naming tatlo dahil busy pa din yata sa paglamon 'yung isa.

"The only witness...eight years ago."

Nagkatinginan kaming tatlo pero kaagad ding napatingin kay Kiana nang may marinig kaming bumagsak. Her foods are now scattered on the floor habang natigilan siya at nawala ang ngiti.

Iniangat niya ang ulo niya at tumingin kay Gelo na napalunok pa.

"Sino?"

Nagkatinginan kaming tatlo. Hindi naman nakasagot kaagad si Gelo at mukhang nagdadalawang-isip pa. Of course he'll be nervous dahil iba kung mag-react si Kiana pagdating sa mga nangyari noon.

4 Deadly Queens Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα