Deadly 70: Gunshot

642 39 12
                                    

Kaye's POV

Sabay-sabay na nanlaki ang mga mata namin sa taong nakikita naming kaharap ni Kiana. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Dapat ba akong matuwa na nakikita kong ligtas siya o dapat ba akong mas lalong mag-alala na maaari siyang mamatay doon anumang oras?

"Mommy..."

Naikuyom ko ang mga kamao ko nang mapansin ang mga galos sa mukha niya. Looking at my mother, hindi ko na yata gustong isipin kung ano din ang nangyari kay nila Tita Alexa at Tita Sirene.

"If your mom is there, I'm sure my mom and Alex's mom are also there," sabi naman ni Yumi habang nakaupo sa tabi ko.

Hindi ko naman siya tinignan at nanatiling nakatingin sa laptop ni Alex kung saan namin pinapanood ang mga nakikita ni Kiana habang nakaupo kami sa damuhan dito sa loob ng gubat na malapit sa warehouse.

Nag-aalala na ako sa kanila dahil kagabi pa sila nasa loob ni Black. Nahuli sila kagabi or should I say nagpahuli? Iyon ang sinabi ni Ethan. With the united skills of Black and Kiana ay kayang-kaya nilang patumbahin ang mga kalaban nila kagabi. Pero hindi nila ginawa. We are all worried pero hindi namin magawang pumasok sa loob dahil sa huling sinabi ni Kiana bago siya nawalan ng malay. Yumi told us to just follow her and not do anything.

Against ang Kings doon at maging ako. Muntik na nga akong sumugod mag-isa doon kagabi kung hindi lang ako napigilan. Masisisi niyo ba ako? Nasa loob 'yung pinsan kong demonyo. Though naniwala naman ako kaagad kay Alex na hindi sila magpapahuli kung walang dahilan.

And now, malapit na ulit dumilim.

"Look, maraming sasakyan ang dumadating."

Tumingin kami sa tinuro ni Giovanni. He was standing behind me at dahil sa baba ng pagturo niya ay nauntog ang ulo ko sa braso niya nang inangat ko ang ulo ko. Imbes na tumingin sa harap ay liningon ko na lang siya at tumingala.

"Sorry," sabi niya and smiled.

Nag-iwas naman ako kaagad ng tingin at tumingin na lang sa tinuro niya. "O-okay lang."

Oh shet. Bakit ako nauutal? At bakit din feeling ko ay biglang uminit kahit na umiihip ang malamig na hangin? Nababaliw na talaga ako these past few days.

"Siguro pumunta sila dito para doon sa laban na mangyayari sa dating underground facility. Hindi pa din ako makapaniwala na para nilang ginawang boxing ring ang dating tambakan ng robots," naiiling na sabi ni Alex habang nakatingin sa mga sasakyang dumadating.

Kahit nakapatay ang mga ilaw ng sasakyan at puro itim ay napansin pa din namin sila.

"They look like gangsters and mafia members," sabi ni Ethan.

"They are just some useless goons trying to scare everyone with their huge soft muscles," sarcastic na sabi naman ni Yumi.

Tumawa naman si Stephen kahit hindi ko alam kung anong nakakatawa doon.

"Meron bang malambot na muscle?" natatawa nitong tanong.

Alex tsk-ed. Umirap na lang ako sa hangin dahil nakikita kong magsisimula na naman magbangayan ang mag-asawa na 'to.

"Tanga."

"Anong sabi mo?! Sinong tanga?!"

"Girls, look at this."

Hindi na namin pinansin sila Alex at Stephen nang lumapit sa amin si Gelo na nakaupo kanina sa isang sulok at mino-monitor ang mga CCTV kasama si Draven.

"An underground battle? Sounds cool," komento ni Stephen.

Nabasa namin ang banner na nakasabit sa gitna ng mini arena sa underground ng warehouse. Nasa bandang itaas iyon ng isang pabilog na platform na mukhang lugar kung saan paglalabanin ang mga kasali.

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon