Deadly 18: Profile

867 64 5
                                    

Alex's POV

"Ang tagal naman!" reklamo na naman ni Kaye.

I glared at her. "Anong matagal? Magsisimula pa nga lang ako tapos matagal? Kanina pa sana ako nakapagsimula kung hindi ka reklamo ng reklamo d'yan!"

Inirapan lang naman niya ako kaya halos masabunutan ko na siya. Kanina pa siya reklamo ng reklamo. I will really punch this woman later. Ugh.

Tinutok ko na lang ang atensyon ko sa laptop ko kaysa kay Kaye. Baka kasi maibato ko pa sa kanya itong lappy ko. Mahirap na.

It's only three o'clock in the afternoon but we are already in our house. Nag-cutting kasi kami dahil gusto naming malaman kung sino iyong mga gagong naghahari-harian kanina sa GCU. They should be thankful we are wasting our time just to know who they are. Aba, kami ang Queens tapos sasayangin namin ang oras namin para sa kanila?

Ang swerte naman nila. If we aren't curious enough, hindi din naman namin ito gagawin.

"Sige, tunganga pa."

Inirapan ako ni Kaye pero hindi ko na siya pinansin. Kanina pa 'yan. Masyado yatang excited malaman kung anong pangalan no'ng matangkad kanina. Tsk.

Using my laptop, I searched through the sites of GCU. Una akong napunta sa school page kung saan pwedeng mag-post ang sinumang estudyante at kung saan din nagpo-post ng announcements ang faculty. I browsed for a while then infiltrated the university's private site. I found a way to enter the student records and have my hands on GCU's private files.

Napangisi na lang ako at hinanap ang records ng apat na 'yon. I really can't believe I'll use my skills just to know those assholes. At itong tatlong 'to, 'di man lang ako tinutulungan. What do I expect anyway?

Si Yumi lang naman ang maaasahan ko sa mga ganitong bagay minsan. Si Kaye naman, mas pipiliin pa no'n ang mag-cellphone kaysa matuto. Habang si Kiana, pagkain lang ang alam. 

"Done?" Yumi asked.

"Almost."

Since GCU have hundreds of students, medyo nahirapan din akong mahanap ang records ng apat na 'yon. But I got it anyway. I just copied the important details about them and left the private site without leaving any trace. I seek more informations until I gathered enough.

I stood up and printed the files. Pagkatapos, nilapag ko ang mga files sa center table.

"Done."

Kinuha naman iyon ni Yumi habang napatingin ako doon sa magpinsan. Mukhang malalim ang iniisip ni Kiana habang nakakunot noong nakatingin sa kanya si Kaye.

"Hoy, 'Insan! Okay ka lang?" Kaye asked but Kiana didn't answer. "Sabihin mo lang kung isusugod ka na namin sa hospital, ha? Teka, hospital ba o mental?"

Natawa naman ako. Nagawa pa talagang mang-asar ng babaeng 'to.

"Ngayon mo lang naisip 'yan? Dapat noon pa pinadala mo na 'yan," pagsakay ko sa trip niya.

Kaye and I chuckled. But honestly, nagtataka din ako at nag-aalala kung bakit ganyan si Kiana. There is obviously something bothering her.

Kiana glared at us. "Shut up nga kayong dalawa. Kung hindi kayo ang sisipain ko papuntang mental."

"Kabayo ka na pala ngayon?"

"Dapat kabaya dahil babae ako."

Nagtawanan iyong magpinsan at hindi ko din mapigilang mapangisi dahil sa kanila. I guess what's bothering our Amazon isn't something serious. Sana lang hindi talaga.

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon