Deadly 16: Black Lions

863 55 1
                                    

Kiana's POV

"Oo, merong mabaho. Ikaw."

I glared at Alex when she said that but she just smirked. Napairap na lang ako at doon ko napansing parang takot ang mga itsura ng mga customers dito at pati mga waiters. Madilim naman ang aura ni Kaye.

Napakunot noo ako. Ano bang nangyayari?

"Some gangsters want to come in. But we all know that we can't let them because a bigger chaos might start here inside, the fact that they are already smashing the vehicles outside," sabi ni Yumi.

Nanlaki ang mga mata ko.

"What?! Pati ba kotse ko nadamay?" I said, panicking.

Mabilis naman akong nakatanggap ng malakas na batok mula kay Kaye habang tinaasan ako ng kilay no'ng dalawa.

"Aray ko! Masakit 'yun ha!"

"Kotse pa talaga inalala mo?" pairap na tanong ni Kaye.

Natawa naman ako nang bahagya pero tinikom din kaagad ang bibig ng sinamaan na niya ako ng tingin. She's really scary when she's like that. Pero hindi naman ako natatakot d'yan. Slight lang siguro?

Nabaling naman sa labas ang paningin namin nang makarinig ng ingay. My smile quickly faded when I saw those gangsters beating up the innocent guards and waiters outside. They are punching them to death and my fists clenched.

Kaagad ko namang niluwagan ang pagkakakuyom ko ng mga kamao nang mapansing nakatingin sa mga kamay ko si Yumi. Nag-iwas ako ng tingin habang humihinga nang malalim.

Hayst, Kiana. Get hold of yourself.

"Tumawag na ba kayo ng pulis?!" galit na tanong ni Kaye.

Kaagad namang tumango iyong waitress. She's obviously scared because of what's happening but more scared of Kaye.

"O-opo. Pero matatagalan daw po s-sila kasi may a-aksidente daw pong nangyari—"

"Call them again! Sabihin mong bilisan nila o baka gusto nilang sunduin pa namin sila?"

Kaagad na tumango ang waitress sa sinabi ni Kaye habang binalik nila ang tingin sa labas. As Queens, we protect innocents and do everything to punish those UC members who tamper them.

But today's case, this is a responsibility of the police. Hindi kami makikialam hangga't alam naming kaya silang pigilan ng mga pulis. They are in a public place after all.

But for those gangsters to do this in a public place, siguradong may dahilan sila. Sigurado akong alam nilang pagbabayarin sila ng Queens sa oras na gawin nila ito. But they are still doing it.

Why? What's their reason?

"Nalason iyong kapatid ng leader nila dito sa Monte Corone," biglang sabi ni Alex. "At mukhang iyon ang dahilan kung bakit sila nandito. The staffs aren't letting them in so they are beating them up."

"This is revenge, obviously," Yumi said.

Hindi ako nakaimik at muling tumingin sa labas. So that's their reason, huh?

"What are we going to do? Are we going to interfere or not?" Yumi asked while intently looking at me. "If you'll think about it, they have a justifiable reason."

"Naging pabaya sila, oo. Pero hindi din naman natin pwedeng hayaan ang mga lalaking 'yun," Kaye said.

"But Kaye, Monte Corone deserves this chaos," sambit ni Yumi. "It's their fault to begin with anyway. Let them get the punishment they deserve."

4 Deadly Queens Where stories live. Discover now