Deadly 41: New Ally

762 51 4
                                    

Kiana's POV (Part 2)

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga. Naligo muna ako at nagpalit. Kinuha ko ang phone at wallet ko bago lumabas ng hotel room ko.

I went to the restaurant near the hotel for my breakfast. Hindi din naman ako nahirapan dahil may English translation ang mga pagkain sa baba at marunong ding mag-english ang mga crew dito.

Hindi naman kasi ako marunong mag-Japanese. Sa aming apat, si Yumi lang ang marunong at kaya ding magsalita ng Chinese at Spanish, while Kaye can speak both Chinese and Korean. Si Alex naman, kaya niyang magsalita ng German. At ako? Italian at French.

Nagsimula ako kaagad na kumain nang dumating ang order ko. Hindi ko naman problema ang pambayad dahil suportado ako ni Tanda. Dapat lang, dahil hindi naman siya yayaman lalo kung hindi dahil kay mama.

Napabuntong hininga naman ako nang pumasok sa isipan ko sila Kaye. Kamusta na kaya sila?

I know they are okay but I can't help but to worry. At natutuwa din ako dahil nakumpirma kong hindi nga sila tumigil. Natanggap ko ang isang e-mail kahapon mula kay Kaye na tungkol sa Agallan na 'yon. They got a lead and that was quite fast.

Natigilan naman ako sa pagsubo nang may maramdamang kakaiba. I can feel someone staring at me so I intentionally dropped my spoon. Nakatawag pansin iyon dahil gumawa iyon ng ingay nang bumagsak.

Ngumiti na lang ako sa mga customers din at pinulot ang kutsara. Pero bago tuluyang umayos ng umupo, pasimple akong sumulyap sa likuran ko. And I saw a man wearing a cap while looking at my direction.

Umayos din naman ako ng upo. Sino kaya 'yun?

Nagpatuloy ako sa pagkain at hindi pinansin ang lalaki sa likuran ko na ramdam ko ang titig sa akin. Is he a part of MR? Baka naman Secret Society? Or better, baka DO?

I called the waiter for the bill. When he gave it to me, I also felt that man behind me standing up. Sinadya kong hinulong ang papel sa sahig at nakipag-unahan sa waiter na pulutin iyon.

Habang pinupulot iyon, lumingon ako sa lalaki at nakita ang mukha niya. Nagulat ako habang bigla siyang tumalikod at tumakbo palabas.

"Hoy, teka!"

Hahabulin ko pa sana siya ang kaso, pinigilan ako ng waiter. I immediately gave him my payment and ran outside.

Nagpalinga-linga ako pagkalabas ko ng restaurant pero hindi ko na siya nakita. Napabuntong hininga ako habang sobrang nagtataka.

Anong ginagawa ni Kenzo dito?

I'm sure it was him. Nakita ko ang mukha niya habang pinupulot ang bill. Bakit siya nandito? Bakit pakiramdam ko sinusundan niya ako? Bakit siya biglang tumakbo? Kung dahil iyon sa pagbisita ko sa kanya kahapon, ang bilis naman yata niyang magdesisyon.

Napabuntong hininga na lang ako at bumalik na ng hotel. I went back to my room and called Gelo to send everything I need today.

"I already sent them this morning."

"Good. May silbi ka din naman pala," sabi ko.

Mukhang aangal pa sana siya pero in-end ko na ang tawag. Binuksan ko na ang dala kong laptop at napangiti na lang. I studied what I need to know. It took me almost two hours in making a plan for tonight.

Kumain muna ako ng lunch at bumalik ulit sa harap ng laptop. This time, binasa ko naman ang mga info's tungkol kay Xavier Agallan na ini-email sa akin ni Kaye.

"October 1?"

My brows furrowed and I rested my back against the chair. October 1? So it means, may ilang araw pa bago ang kaarawan ng Vera Agallan na iyon. Sa tingin ko gumagawa na ngayon ng plano si Yumi at hihintayin ko na lang nai-send din nila sa akin iyon.

4 Deadly Queens Where stories live. Discover now