Deadly 66: Draven Batchilla

650 45 13
                                    

Kaye's POV

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Alex sa Kings nang maabutan namin silang nakaupo sa sofa ng bahay namin.

Gabi na at kakauwi lang din namin. Napansin ko namang tatlo lang sila at wala si Black. Well, wala din naman si Kiana at hindi namin alam kung nasaan siya.

"Wala man lang bang hi d'yan, Asawa Ko?"

Nag-inarte si Stephen at humawak pa sa dibdib niya na tila ba nasasaktan kaya napairap na lang si Alex.

"We don't have time for your games, Kings. You can leave now," parang pagod na sabi ni Yumi.

May sinabi pa si Ethan at nag-usap pa sila sa sala pero hindi ko na pinakinggan pa. Nilagpasan ko na lang sila at umakyat sa taas. Wala ako sa mood para pakinggan ang ingay nila.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay kaagad akong humilata sa kama at binalot ang sarili ko ng comforter. Pumikit ako kaagad at naramdaman ko na naman ang pagpatak ng luha ko. Shet naman oh. Hindi pa din ba ako tapos sa pag-iyak?

"You abandoned me!"

Parang sirang radio na nagpapaulit-ulit sa loob ng utak ko ang mga sinabi ni Gwen. Naiintindihan ko ang dahilan niya pero bakit? Bakit siya naman ang hindi makaintindi sa amin? Sa akin?

I left them because the girls need me. Kiana needs me. Hindi ko siya pwedeng hayaang lumaban nang mag-isa. Hindi ko sila pwedeng hayaan na gawin ang mga plano nila nang wala ako. Galit si Kiana sa mga Montefalco at alam nila na ginawa namin ang lahat para mapauwi siya sa mansion, pero wala talaga eh.

Hindi din naman namin magawang magalit dahil alam naman naming malaki ang kasalanan namin sa kanya. Kaya kami ang umalis sa puder ng mga magulang namin. We became independent as we started to build a strong bond.

Pero bakit hindi iyon naintindihan ni Gwen?

Nakasama ko siya sa loob ng ilang taon. Bata pa lang ako, siya na ang kasama ko. Sabay kaming sinanay noong ten years old kami. Ang kaibahan nga lang, sinanay siya para maging isang assassin ng Gehenna. At ako naman ay para lang ipagtanggol ang sarili ko. Kahit nanggaling din siya sa isang simpleng pamilya, we still became best friends.

Pinunasan ko ang luha ko kahit na ayaw pa din magpaawat sa pagpatak.

Naalala ko naman bigla ang mga nangyari noong mga nakaraang araw. I can't help but to feel guilty nang maalala ko kung paano namin utos-utusan sila Gwen at Gelo na para bang tauhan lang ang tingin namin sa kanila. I can also remember kung paano ko siya sinigawan sa Montefalco Hospital noong araw na hinayaan nilang makaalis si Kiana papuntang Titanic resort.

Ngayon ko naisip, naging masyado ba akong harsh sa kanya? Naging masama ba ako masyado? Nakalimutan ko ba talaga na magkaibigan kami?

Kasi kung iisipin lahat ng pagtrato ko sa kanya simula ng dumami ang mga kailangan naming gawin, oo.

"A-ang tanga ko," I whispered.

Hindi ko naisip na dahil sa kagustuhan ko palang tulungan ang pinsan ko, marami na akong nasasaktan na tao. How come na hindi ko man lang 'yon napansin?

Kaagad akong tumalikod mula sa pinto nang marinig kong bumukas 'yon. Pinunasan ko ang luha ko.

"Kaye, gising ka pa ba?"

Natigilan ako nang marinig ang boses ni Giovanni. Anong ginagawa ng lalaking 'yan sa kwarto ko? At paano niya din nalaman na ito ang kwarto ko?

Hindi ako humarap sa kanya dahil siguradong mapapansin niyang namamaga ang mga mata ko. I didn't move nor speak. Mas okay na kung aakalain niyang tulog na ako.

4 Deadly Queens Where stories live. Discover now