Deadly 62: Agreed

604 41 7
                                    

Kaye's POV

Sinundan ko ng tingin si Kiana hanggang sa makapasok siya. Delikado ang plano niya dahil pwedeng mamatay ang tatlo sa amin. Ako, si Yumi at siya mismo. Okay lang kay Alex since kahit sa malayo siya babaril, aabot pa din naman iyon.

And I'm sure na hindi din ako mamamatay dito. Si Yumi naman ang magiging go signal namin kaya siguro, medyo ligtas din siya. Ang iniisip ko ay si Kiana. Risky ang gagawin ko pero gano'n din sa kanya. Paano kung maabutan siya?

"Hayaan mo siyang mamatay sa sarili niyang plano," nakangising sambit ni Alex habang sinusuri ang rifle na hawak niya.

"Punta na ako," sambit ko at tumango lang siya.

Pumasok ako sa kotse na pinaandar ni Kiana kanina at nakahinto malapit sa pinto ng bahay namin. I can still hear some gunshots from our house kasabay ng pag-start ko ng makina ng kotse. Tuluyan nang bumagsak ang second floor ng bahay namin pero nananatili pa ding nakatayo ang first floor. Sira-sira nga lang sa loob. Buti nga at nakababa ako kaagad pagkatapos kong magbato ng baril kay Kiana kanina. Kasi kung hindi, siguradong natusta na ako doon dahil bigla nilang pinasabog.

Binuksan ko ang pinto sa gilid ko para mas mabilis akong makalabas mamaya.

Pero shit. Alam kong mabubuhay ako pagkatapos nito. Ang iniisip ko lang ay paano kung hindi makalabas si Kiana? Paano kung umabot pa din kay Yumi?

I just shook my head. I will just trust her gaya ng palagi naming ginagawa. Lumingon ako sa shotgun seat at nakita ang isang malaking bato. Hindi naman gano'n kalaki. Triple lang siguro ng laki ng kamay.

I looked at the door when I heard a screech. Doon ko nakita si Yumi na dala-dala ang pana niya. Mukhang sinipa niya ang pinto para mas makita ko ang nasa loob.

Napatingin siya kaagad sa akin. We just nodded at each other bago siya tumakbo papunta kay Alex.

I looked at the side mirror. Nang makita kong nakalapit na si Yumi kay Alex, tumingin ako sa loob ng bahay. Then I saw Demon fighting alone. Wala siyang baril at hindi niya din gamit ang arnis niya. Pero mukhang kinukuha na lang niya ang mga sirang gamit namin sa loob at pinaghahahampas sila.

Binuhat ko ang bato sa gilid ko. "Tangina. Ang bigat neto ah!"

Napailing na lang ako. Knowing Kiana, baka sinadya niya ito na maging ganito kabigat. I looked at her again. Nagkatinginan kaming dalawa pagkatapos niyang sipain sa mukha iyong isang kalaban niya. Ngumiti siya nang malawak bago sinenyas ang ulo niya.

With a swift move, binagsak ko ang bato sa gas at tumalon palabas. Gumulong-gulong pa ako sa lupa. Nang muli akong tumayo, nasa pinaka-gilid na ako ng bahay namin. Tumingin ako sa kotseng dumire-diretso sa loob ng bahay.

Hindi ko nakitang binato ni Kiana ang granada dahil nasa loob siya. But when I looked at Alex and Yumi, they both released their shots. A bullet and an arrow. Nakangisi si Alex habang seryoso naman si Yumi.

We all heard a loud and high sound coming from a great explosion. Naitakip ko din sa mukha ko ang mga braso ko. Naramdaman ko kaagad ang init ng lugar at biglang pag-ihip ng malakas na hangin. Yumanig din ang lupa dahilan para mapaluhod ako.

Shit. I just hope nakalabas si Kiana on time.

Tapos na ang pagsabog pero mausok pa din. Ramdam ko ang hapdi ng ilang sugat ko sa katawan pero pinilit ko pa ding lumapit sa pwesto nila Yumi. When I got there, napakapit ako kaagad kay Alex dahil muntik na akong matumba.

"Ayos ka lang?" tanong ni Alex.

Tumango lang ako. Walang-wala naman ito sa mga natatamo naming sugat noon.

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon