Deadly 74: Yamashito Clan

607 40 10
                                    

Kaye's POV

Hindi ko maiwasang mapasulyap-sulyap kay Stephen habang chine-check ni Chino ang sugat ni Alex sa likuran niya. Napapangiti na lang ako sa tuwing nakikita ko ang pag-irap niya at para bang may binubulong-bulong sa hangin. Bakit kasi hindi pa umamin ang isang 'to?

Halata namang nahulog na ang puso niya para kay Alex eh. Hindi naman 'yon problema kasi nga fiance niya si Alex. Though, hindi ko naman alam kung gano'n din si Alex sa kanya.

Ang complicated ng lovelife nila. Pati sila Yumi, Draven at Ethan. Mga dakilang love triangle.

"Mukhang okay naman na. Siguro ilang araw na lang, hindi na 'to sasakit pa," sabi ni Chino

"Yeah. Thanks," tipid naman na sabi ni Alex habang tumatango-tango.

"Tapos na ba kayo? Baka gusto niyo pang magkwentuhan muna d'yan?" sarcastic na tanong ni Stephen.

Napatingin kami sa kanya. Napansin ko naman ang mga ngisi ng kasama namin at ang pagpipigil nila Kiana at Gelo sa pagtawa.

Alex smirked. "Okay. Sabi mo eh."

Atsaka siya bumaling kay Chino na biglang napalunok. Napaawang naman ang labi ni Stephen at halatang naiinis na. Basta talaga pagdating kay Alex, ang daling mainis nito.

"Aba't! Hoy! Doon kayo sa labas magkwentuhan!"

"Ikaw ang lumabas. Bahay namin 'to," bwelta naman ni Alex.

Tumingin naman ako kay Yumi when I heard her tsk-ed. As usual, nagbabasa na naman ang bruha. Pero base sa nakakunot niyang noo ay mukhang naiinis na siya dahil sa ingay nila.

"Tama na 'yan. Since Chino already said that Alex's wound is doing fine and looks like Kiana is already okay, pwede bang pag-usapan na natin kung anong susunod nating gagawin?"

Sumingit naman bigla si Ethan bago pa makapagsalita ulit si Stephen. Buti na lang. Kasi mukhang handa nang pumatay si Stephen dahil sa sobrang inis niya.

"I agree," pagsang-ayon naman ni Draven.

Sumulyap naman sa kanya si Ethan at umismid. Oh tignan niyo 'to. Sumang-ayon na nga 'yung tao pero mukhang nainis pa siya.

"Then what are you waiting for? Let's go upstairs."

For the first time yata ngayong araw, nagsalita na din si Yumi. Kaagad siyang tumayo at sumunod din naman kami. Hindi din naman nagtanong si Chino kung anong pag-uusapan namin o kung saan kami pupunta dahil nasabi naman na namin ang mga kailangan niyang malaman. At first, he was shocked to know na ang Generals ng Dark Organization ang kinakalaban namin. Pero nang malaman niyang nagawa naming mapabagsak ang dalawang Generals, mukha siyang nakahinga nang maluwag.

We entered the meeting room and sat on our seats. Dating seating arrangement din lang dahil mukhang inangkin na nga namin ang mga upuang inuupuan namin. Noong una, nag-aalangan pa si Chino kung uupo siya sa tabi ni Gelo pero ng sinenyasan siya ni Giovanni na umupo at ngumiti pa nang napakagwapo, kaagad siyang umupo.

I just smirked. Ano 'yon? Mabait na siya ngayon?

"Isang upuan na lang ang natitira, sino pa kayang dadating?" bigla namang sabi ni Kiana.

Kumunot naman ang noo ko nang bigla siyang sumulyap sa akin pagkatapos ay tumingin kay Black. Ngumiti naman siya nang malawak na para bang excited siya. Excited about what?

"Magsimula na tayo," nakasimangot naman na sabi ni Stephen kaya nabaling ang atensyon namin sa kanya.

"Problema mo?" natatawang tanong ni Alex na katabi lang ni Stephen.

4 Deadly Queens Where stories live. Discover now