Deadly 10: Party

1.2K 58 3
                                    

Alex's POV

It's already eight in the morning. Hindi na kami pumasok kahit Wednesday ngayon dahil ang alam namin, start na ng training ngayon for the activities for the upcoming Foundation Day. Nasa sala kami ngayon at tapos na kumain pero hanggang ngayon, nasa taas pa si Kiana at natutulog nang mahimbing.

Kahit kailan talaga ang babaeng iyon.

"Gisingin mo na nga si Kiana, Alex," biglang sabi ni Kaye kaya tumingin ako sa kanya.

"Bakit ako? Ikaw na lang. Tutal ikaw naman nakaisip."

Sinamaan niya ako ng tingin. Sinalubong ko naman ang tingin niya. Aba syempre, hindi ako papatinag.

"The two of you, go to her room and wake her up. Don't come back here without her or the three of you will not eat your lunch," biglang sabi ni Yumi habang nakatingin sa librong binabasa niya.

"Kami?" sabay pa naming tanong ni Kaye.

Yumi raised her head and glared at us. Tumayo na lang kami ni Kaye at napatango-tango.

"Sabi nga namin kami!"

Nagsabay ulit kami sa pagsasalita at umakyat na sa hagdan. Siniko naman ako nang mahina ni Kaye bago bumulong.

"Ikaw kasi."

"Anong ako? Makautos ka kasi."

Siniko ko din siya nang mahina. Nagsikuhan lang kami at nagsisihan habang papunta sa kwarto ni Kiana. Nagtataka nga ako kung paanong hindi kami nahulog sa hagdan kahit na wala doon ang atensyon namin.

Binuksan namin kaagad ang pinto ng kwarto ni Kiana at ang demonyita, mahimbing pa din ang tulog habang yakap ang isa sa mga unan niya. We walked towards her and Kaye nudged her right arm.

"Gising na."

Pero mukhang mahina pa iyon dahil hindi man lang nagising si Kiana. Nagkatinginan na lang kami ni Kaye at nagtanguan. Ayaw niyang gumising, ah? Mabingi siya ngayon.

I was about to yell at her when I noticed that she's saying something while still sleeping. Sinenyasan ko si Kaye na pakinggan namin at mukhang naintindihan naman din niya. Pareho naming nilapit ang tenga namin at pinakinggan ang sinasabi nito.

"Siomai... siomai... "

Nagpigil kami ng tawa ni Kaye dahil sa narinig namin. Siomai? Seriously? Hanggang panaginip ba naman pagkain pa din ang nasa utak nito?

"Halika dito... siomai... siomai.. "

Pareho kaming napatakip ng bibig sa kakapigil sa pagbulalas ng tawa dahil pangiti-ngiti pa si Kiana habang sinasabi iyon. Naghahampasan na din kami ni Kaye at halos mahirapan na kaming huminga.

I don't really know what kind of brain Kiana has. Minsan mautak, madalas abnormal. Tsk.

Pareho kaming huminga nang malalim ni Kaye at parehong pinigilan ang sarili na matawa bago sumigaw.

"Kiana!"

"Wahhh! Siomai!"

Kaagad itong napabalikwas sa kama at doon na kami tuluyang natawa ni Kaye. Binato naman kami ng unan ni Kiana pero nagawang iwasan ni Kaye samantalang sinalo ko naman. We didn't stop from laughing until we noticed that she was lying on the bed once again and it looks like she's going to continue her sleep.

"Hoy, bruha! Gumising ka na nga. Anong oras na oh!" sigaw ni Kaye sa kanya.

"Heh! Lumayas nga kayo dito. Ganda-ganda ng panaginip ko tapos e-extra kayo?"

I laughed. "Ayaw mo kasing gumising. Ang aga-aga na tapos sleeping demon ka pa din d'yan. Gaga, hindi mo bagay."

"Naman kasi eh! 'Yon na 'yun eh! Mahuhuli ko na sana 'yung mga siomai na tumatakbo ang kaso bigla kayong nanggising," sabi niya at nagpapadyak padyak pa sa kama.

4 Deadly Queens Where stories live. Discover now