Deadly 45: Kings and Queens

838 52 4
                                    

Kiana's POV

Napasandal ako sa driver's seat ng kotse at hinihintay na may magsalita sa kanila sa earpiece. I need a signal from Gelo to know if I should start giving orders.

"Gelo speaking, the clowns are knocked out."

Napangisi ako nang marinig na ang boses ni Gelo.

"Demon speaking, are you guys ready?" I asked and they immediately responded.

Hindi nga lang lahat sila dahil maaaring magduda ang ilang tao sa loob kapag napansin nilang nagsasalita sila nang mag-isa.

Napatingin ako sa mansion na 'di kalayuan kung saan naka-park ang kotse ko. Agallan Mansion. Isa sa mga pagkakamali ni Xavier Agallan ay ang pagdedesisyon na sa bahay nila mismo ganapin ang birthday party. Because we will use it for our own benefit.

Madami ng kotseng nakaparada sa harap ng mansion. It means, madami ng bisita. Maya-maya pa, nakita ko na ang isang van na may tatak na 'PinkyKitty' na pumasok sa gate.

I smirked. I'm sure that Fear, Queenie, and Danger or Stephen are already inside that van while wearing their costumes. Cat is the party's theme since Vera Agallan is a cat lover.

"Fear speaking, nasa loob na kami."

"Blood, Queenie, Pain, Brutal and Death, are you guys on position?" 

"Yes."

Natawa pa ako nang bahagya nang sumagot sila nang sabay-sabay at pare-pareho pang English. Natigil lang ako nang makarinig ng pagtikhim sa earpiece na mukhang si Queenie. Ang KJ talaga no'n. Para tumatawa lang eh.

Naghintay pa ako ng ilang minuto. Ilang kotse pa ang nakita kong dumadating at bumababa mula doon ang mga taong tindig pa lang, halata ng mayayaman. I wonder, is it possible that one of their visitors is a General? Hmm.

Tumingin ako sa relo ko at nakitang 4:58 na ng hapon. 5:00 ang umpisa ng party, so it means, malapit nang magsimula.

"Get ready."

I opened the laptop that Blood gave me. Bumungad sa akin ang blueprint ng Agallan Mansion. Nakalagay dito ang mga kwarto at buong structure ng bahay. Ang kaso, hindi namin alam kung alin dito ang kailangan naming hanapin.

There are three floors. Sa first floor, may tatlong kwarto na sa tingin ko, para lamang sa mga maids. In second floor, may apat na kwarto. Pero sa tingin ko ang tatlo doon, para sa pamilya habang CR ang isa. Sa third floor, may tatlong kwarto din. And I think, nasa third floor ang hinahanap namin. Malalaki ang sukat ng bawat room at kayang angkinin ang isang buong floor. Ang kaso lang, alam nga namin ang positions ng rooms, pero hindi naman namin alam kung ano ang mga rooms na iyon.

"Blood speaking, nagsimula na."

Napailing na lang ako dahil hindi ko naman nakikita ang nangyayari sa loob ngayon. Blood can't hack the CCTV cameras inside the house because it's very secured so Queenie made a plan for Blood to get her hands over the security system. We just need to find the control room where the cameras are being monitored.

"Pain speaking, lumabas na sila."

Napaismid naman ako sa sinabi ni Pain or Gio. Tinutukoy niya siguro sila Fear at Stephen. I laughed. Sa plano kasi ni Queenie, Fear and Danger will act as the clowns. Pero syempre, naka-cat costumes. Actually, dapat si Fear at Gelo 'yun, ang kaso, biglang nagpresinta ang Kings. Edi gawin nila. Ginusto nila 'yan, 'di ba?

The two of them will entertain the guest to the point the guests can no longer notice what's happening around them. Nagpigil na ako sa pagtawa nang marinig ko ang isang pagtikhim sa earpiece. But this time, it was Pain.

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon