Deadly 30: Stealing

803 53 2
                                    

Alex's POV

"Ang sakit talaga ng puson ko," atungal ni Kaye habang nakahawak sa tiyan niya.

"Tinanong namin?" tanong ko sabay ngisi.

She rolled her eyes. "Share ko lang."

"Take a medicine. Pain killer can help you," Yumi suggested.

Tumango naman si Kaye habang nagkibit balikat ako. Lumapit siya sa isang drawer dito sa kusina at kinuha ang medicine box namin.

Red days niya kasi ngayon. Nalaman niya lang kagabi at kagabi pa siya nagre-reklamo dahil sa sakit ng puson niya. She's the one who mostly experiences dysmenorrhea. Ako naman kapag meron, nagiging hyper. Nagiging energetic at palangiti gano'n. Si Yumi naman, ay puta. Kapag meron 'yan, para kang nasa Antarctica sa sobrang cold. Hindi mo 'yan makakausap at isang beses lang sigurong magsasalita sa isang buong araw. Gano'n ka-cold.

Iinumin na dapat ni Kaye 'yung pain killer nang biglang dumating si Kiana dito sa kusina. She frowned while looking at her cousin.

"Ano 'yan?"

"Pain killer. Ang sakit ng puson ko eh," sagot ni Kaye.

Bigla namang inagaw ni Kiana ang gamot na bahagya pa naming kinagulat.

"As far as I can remember, nag-take ka din nito kagabi. Huwag ka nang mag-take ngayon. Kapag nasanay ang katawan mo sa pain killers, hahanap-hanapin ito ng katawan mo," sabi niya at tinapon na ang gamot sa trash bin. "Uminom ka na lang ng mainit na tubig. That can help you."

Mabilis siyang umupo at nagsimulang kumain ng breakfast. Nagsimula namang magpa-init ng tubig si Kaye habang ngumisi si Yumi.

"It looks like you're properly using your brain now."

Kiana chuckled. "Hindi kasi ako tinatamad."

"Hindi ka tinatamad? Sige, ikaw maghugas ng ping—"

"Tinatamad pala ako."

Natawa na lang kami nang hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita. Kaye also sat down while holding a mug of water. We started to eat and talked about random things not until Kaye suddenly changed the topic.

"Kiana... "

"Oh?"

"Saan ka nagpunta?"

And by that, the atmosphere quickly changed. Parang may anghel na dumaan dahil natahimik kaming apat at napatingin na lang kay Kiana na napatigil sa pagkain pero nanatiling nakatingin dito.

"S-sa isang lugar," sabi niya na kinakunot ng noo ko.

"I want to know the truth. I hope you'll answer us serious—"

"Sa isang lugar na tahimik. Kung saan ako pwedeng mag-isip isip at magplano."

Nagkatinginan kami kaagad nang hindi din pinatapos ni Kiana si Yumi sa pagsasalita. Oh right. She's no longer the Kiana who will suddenly joke around. She' still bubbly and abnormal though. Nabawasan nga lang.

"Magplano?" sabay naming tanong ni Kaye.

"Magplano kung paano sila huhulihin, pababagsakin, at papatayin."

May diin ang bawat pagbigkas ni Kiana pero parang natural na lang iyon sa kanya. Iniisip pa din namin kung nasaan siya sa nakaraang apat na araw pero hindi na iyon importante. Dahil ang mahalaga, nandito na siya at bumalik siya.

"So, what's your plan?" tanong ni Yumi at ngumisi bigla.

Base from Yumi's smirk, I'm sure she'll go full blast this time. Napangisi na lang din ako.

4 Deadly Queens Donde viven las historias. Descúbrelo ahora