Deadly 59: Suicide Fraud

654 44 5
                                    

Alex's POV

"Ugh! Bwiset."

Napalingon ako kay Kaye nang marinig ko ang daing niya. Nakita kong dumudugo ang balikat niya. Anong nangyari sa babaeng 'to?

Sinipa ko sa tiyan ang kalaban ko. Nang mapaluhod ito, tinuhod ko kaagad ang mukha niya sapat na para mawalan siya ng malay. After that, nilapitan ko si Kaye.

"Uy! Ayos ka lang?" natatawa kong tanong.

Inirapan niya ako. "Pasalamat ka at masakit balikat ko."

Rinawanan ko lang siya sa sinabi niya. Bumalik kami kaagad sa pakikipaglaban gaya nila Yumi and Kiana.

Dalawa kaagad ang lumapit sa akin nang maghiwalay kami ni Kaye. One of them is holding a swiss knife while the other one is holding a gun. Nang sumugod iyong lalaking may hawak na swiss knife at sasaksakin sana ako sa tagiliran, tinagilid ko ang katawan ko at siniko ang leeg niya.

He lost his balance but before he fall to the ground, hinila ko ang braso niya at tinabig ang kamay niyang hawak ang swiss knife. Inagaw ko iyon sa kanya at binato sa likod ko kung saan may naramdaman akong susugod sa akin. This man I was holding froze on his spot. Lumingon ako at nakitang nakahandusay na sa sahig iyong isa na may baril.

"Galing ko, ano?" Natawa ako nang tumango siya. "Thank you."

Atsaka ko mabilis na hinugot ang baril ko mula sa hita ko at binaril siya sa ulo. Napangiti na lang ako nang maramdaman ang dugo niyang tumalsik sa damit ko at ang ilan sa mukha ko. Nagpunas ako saglit. Shit. Na-miss ko din ang ganito.

"Damn you motherfuckers!"

I became alert when I heard Yumi's cuss. Nang tignan ko siya, nakita kong mga nasa anim ang nakapalibot sa kanya. Doon ko napansing putok ang labi niya. Whoa. Huwag mong sabihing nasuntok 'to sa mukha? Kaya naman pala nakapagmura nang malutong.

"Kill them!"

Lumingon ako kay Magda na nakatayo lang sa gilid ng isa sa mga van. Nakahawak siya ng baril pero hindi naman niya maipaputok. Tanginang babaeng 'to.

I tightly held my gun and aimed at Magda's head. I will kill that fucking woman. Saglit akong napasulyap kay Yumi at nakitang kayang-kaya niya lahat ng kalaban niya. Gano'n din si Kiana na purong lakas lang ang ginagamit. Napa-whoa pa nga ako dahil isang suntok lang, tulog kaagad sila.

I returned my gaze to Magda. Ngumisi na lang ako at hihilahin na sana ang trigger nang may humawak sa kamay kong nakahawak sa baril. I looked at Kaye who suddenly showed up beside me. Dumudugo pa din ang balikat niya pero mukhang wala naman siyang pakialam.

"What?"

Imbes na sumagot, ngumuso lang siya. Tumingin ako sa direksiyon na nginunguso niya at nakita ko si Kiana sa 'di kalayuan na nakatingin sa amin habang nakatingin naman sa kanya si Yumi. Lahat ng kalaban nila, bagsak na.

I frowned when I saw Kiana shook her head. Wait, ayaw niya bang patayin ko si Magda?

"Siguradong may plano siya," bulong ni Kaye.

Tumango na lang ako at binaba ang baril ko. Whatever her plan is, I will just trust her. Sana lang at makapagpigil akong huwag patayin ang babaeng iyan ngayong gabi.

Tinaas ko ulit ang baril ko at pinaputukan ang gulong ng van na sasakyan sana ni Magda. Kaagad siyang tumingin sa akin kaya ngumisi ako.

"Tatakas ka pa, ha?"

"Damn you!" mura niya at tinaas ang baril niya.

Before she can pull the trigger, isang swiss knife ang bumulusok papunta sa kanya. It hit her hand that's why her gun fell on the ground. Dumugo ito kaagad at narinig namin ang sigaw niya.

4 Deadly Queens Where stories live. Discover now