Chapter 104

329 33 0
                                    

Yves's POV

Sabay sabay kaming apat na umatake mula sa itaas. Nagpaulan ako ng matutulis na tubig habang nagpaulan rin ng maraming Fireball si Fyro. Umatake rin si Cris gamit ang Jupiter at nagpakawala ng isang malakas na kidlat si Thor. Ipinatama namin ito sa isang lalakeng nakatayo sa harap ng palasyo. Ng tumama ito sa kinaroroonan niya ay nagkaroon ito ng malakas na pagsabog. Agad kaming lumapag sa lupa at linapitan kaagad si Frost.

"Ikaw ng bahala sa mga bihag." baling ko ng atensiyon kay Drake. "Kami ng bahala sa kanya." agad naman itong sumang-ayon.

"Ayos ka lang?" tanong ko kay Frost. Tumango na lang ito. Hinarap namin ang Hari ng UnderWorld. Nakatayo pa rin ito kung saan ito naroroon kanina. Wala man lang siyang natamong sugat. Seryoso itong nakatingin sa amin. Halata at mararamdaman mo talaga kung gaano kalakas ang majika na nagmumula sa kanya. Nag-iisa lamang ito pero hindi ako sigurado kung mapapatumba namin siya. Ikinuyom ang palad ko at inihanda ang sarili ko. Una ng umatake si Cris at Fyro. Habang naghahanda na ring umatake si Frost. Lumipat ito ng pwesto kaya nagpaulan bigla ng mga kidlat si Thor kung saan ito lumitaw pero bigla ulit itong nawala. Agad akong nagsuot ng Light Drive ko at agad itong inatake ng lumitaw ito. Pero naging itim na usok ito ng tamaan siya ng espada ko. Napadaing na lang ako ng may tumamang malakas na pwersa sa likod ko. Tumilapon ako paharap pero agad akong nawala at lumitaw sa harap nito. Aatake na sana ako ng bigla itong palibutan ng itim na usok. Dumistansiya ako sa kanya. Napansin kong namamatay lahat ng damo kung saan naroroon ang usok na nanggagaling sa kanya.

"Dumistansiya kayo sa kanya." narinig kong sabi ni Frost mula sa device. Umatake siya gamit ang isang Ice Spell. May matutulis na gawa sa yelo ang lumitaw sa harap niya at mabilis na umatake sa Hari. Pero, bago pa man ito makalapit sa kanya ay natunaw ang atake niya dahil sa usok na pumapalibot sa kanya.

Agad akong nagcast ng isang Light Spell. "Rain of Light." may mga matutulis na nagliliwanag ang bumulusok paatake sa kanya na nanggaling sa mga ulap. Agad niya itong iniwasan habang mayroon pa ring usok sa paligid niya. Nagpaulan rin ng maraming kidlat si Thor at sinusubukan niya rin itong patamaan.

"Ice Bind Magic." pagcast naman ni Frost. "Rose Crystal." Unti unting nagbagsakan ang mga yelo mula sa kalangitan na parang petal ito ng mga rosas. Nagkakaroon ng bulaklak na gawa sa yelo kung saan ito didikit.

"Black Out." si Cris. Biglang napatigil sa paggalaw ang Hari. Dahilan yun para madikitan siya ng atake ni Frost. May mga lumilitaw na bulaklak na sa kanya hanggang sa balutin na ito ng buo niyang katawan.

Agad akong nagsummon ng isang bow na parang cross. "Holy Cross." inihanda ko na ang sarili ko. Hinila ko na ito hanggang sa unti unting nabubuo ang arrow nito. "Holy Light." ipinatama ko na ito sa kanya. Mabilis itong bumulusok patungo sa kinaroroonan niya. Lumampas ang atake ko sa yelong bumabalot sa kanya at diretsiyong tumama sa dibdib niya. Biglang nagliwanag ang paligid at maririnig mo na lang ang pagsigaw niya. Ng humupa na ang liwanag ay wala na ito.

"Prince.." napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Aria. Kasama niya si Cyclone. Nandito na rin si Aries, Warren at Jack. Rain at Rock. Hindi nagtagal ay nandito na rin ang kambal habang may pabilog na gawa sa buhangin ang nasa pagitan nila.

"Hindi namin siya pwedeng patayin." sabi ni Walden. "Kahit papano ay kalahi pa rin natin siya." sabat naman ni Alden. Napansin kong ang nasa loob ng pabilog na ito ay ang Metal Dragon na walang malay.

"Kailangan na nating umalis dito." napatingin kami kay Drake. Sumang-ayon naman ang mga kasama namin. "Divine Gate." pagcast niya ng spell. Pagmulat ko ng mga mata ko ay nasa harap na kami ng palasyo namin.

"Ayos ka lang?" narinig kong sabi ni Cris sa akin kaya tumingin ako sa kanya.

"Ayos lang ako." sagot ko tsaka ngumiti. Pero, muntik na akong natumba. Mabuti na lang at nasalo ako ni Cris.

Tinignan niya ako ng nagtataka. "Magpahinga na tayo." nag-aalalang sabi niya.

"Mukhang nasobrahan mo kanina.." nabigla ako ng may nagsalita sa isipan ko. Napatingin ako sa kanya. Sakto namang nakatingin si Thor sa akin. "Be careful next time." sabi niya. Tumalikod na ito dahil tinawag na siya ni Frost.

Tinungo namin ang kwarto namin ni Cris. Nagpumilit pa akong tignan muna namin ang mga iniligtas namin kanina pero sinigawan niya lang ako dahil kailangan ko daw munang magpahinga at huwag ko na daw ipilit ang gusto ko dahil hindi raw niya ako papayagan. Hindi na ako kumibo hanggang sa makapasok na kami sa kwarto at tinungo ko agad ang kama para humiga dito. Tumalikod ako kung nasaan siya.

Naramdaman kong humiga na rin siya at yinakap ako sa bandang tiyan ko. "hey babe... nag-aalala lang ako sa'yo." bulong niya sa batok ko. "Magpahinga na muna tayo." Hindi na ako sumagot at sinubukan ko na lang matulog.

Nagising ako na nakaharap sa kanya habang nakaunan ako sa braso niya. Yinakap ko siya sa bandang tiyan niya habang pinagmamasdan ko ang mukha niya. Lumapit ako sa kanya tsaka ko isinubsob ang mukha ko sa leeg niya. "I love you." mahinang bulong ko tsaka ko siya hinalikan sa leeg niya. Inilayo ko ang mukha ko sa kanya ng mapansin kong magigising na ito. 

Lumingon ito sa akin tsaka siya ngumiti. "I love you too." sabi niya. Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya para halikan ako sa labi. "I'm sorry.. about last night." sabi niya ng humiwalay na ito.

Ngumiti ako sa kanya. "I understand... No worries." Dinampihan ko na lang ulit siya ng halik bago kami tuluyang bumangon.

"Si Dale?? Nasaan siya?" tanong ko kay Cris habang naglalakad kami.


"Nasa parents mo." sagot niya.

"Oo nga pala... Yung parents mo? Kamusta sila?" -ako.

"Maayos naman sila." sagot niya. Hindi na ako nagtanong dahil nandito na kami sa kusina para kumain.

"Umupo na lamang po kayo dun, mahal na prinsipe at kami na lang pong bahalang maghanda ng inyong makakain." sabi sa amin ng isang matandang babae.

Ngumiti ako sa kanya. "Huwag niyo na po kaming intindihin dito. Ituloy niyo na lamang po ang ginagawa niyo." sabi ko. "Kaya na po namin ito." Agad naman niya itong sinunod kaya sinimulan na naming maghanda ng pwede naming kainin. Simpleng breakfast lang ang inihanda namin.



"Yung Metal Dragon nga pala.. Nasaan na?" tanong ko sa kanya habang kumakain.


"Si Frost na ang bahala... Nasa dungeon." tinignan niya ako ng nagtataka. "Huwag mong sabihing?.. titignan mo ang isang yun?"


"Magpapasama sana ako sa'yo." Huminga ito ng malalim bago pumayag. "Gusto ko lang malaman... ang tungkol sa mga Magic Stones na nakuha ni Thor sa apat."



"Naramdaman ko ang malakas na majikang nanggagaling sa mga yun." sagot niya. "Katulad ng sa inyo... Nakakasiguro akong galing sa mga Dragon ang mga kapangyarihang yun."


Ngumiti ako ng pilit. "Kung hindi ako nagkakamali ay..." huminga ako ng malalim tsaka yumuko. "Maaaring buhay pa ang apat na Elemental Dragon."



"Kung sakaling buhay pa sila.." iniangat ko ang ulo ko para makita siya. "Ano ang gagawin mo?"



Umiling ako. "Hindi ko alam.." ngumiti na lang ako sa kanya.



------------
A/N: Keep reading. Please... Follow me guys...



(Magulo ba? Pasensiya na...)

The Dragon PrinceWhere stories live. Discover now