Chapter 28

1.4K 90 2
                                    

Cris's POV

Babalik na sana ako sa academy ng matanaw kong nakabalik na sina Yves  sa loob ng barrier. Kasama ang Aries na yun. Alam kong gusto niya rin si Yves pero hindi ako makakapayag na maunahan niya ako. Nasaksihan ko ang ginawa nila kanina. Sayang nga lang at hindi ko narinig ang pinag-usapan nila dahil may kalayuan ang punong pinagtaguan ko pero tanaw na tanaw ko at kitang kita ko kung ano ang ginawa nila.

Napatigil ako sa paglalakad ko ng may maramdaman akong kapangyarihan sa paligid. Lumingon lingon ako sa paligid. May kadiliman na rin kaya wala akong masyadong makita. Tumalon ako sa isang sanga ng puno para magtago. Hindi ko gaanong masabi ang eksaktong lugar kung nasaan ito dahil palipat lipat ito.

Napangiti ako ng tumigil ito. Lumipat ako ng pwesto at pinaikutan ito. Ng makita ko na ito ay nakasuot ito ng puting armor. Napatigil ako. Nasa likod niya ako. Lumipat ulit ako ng pwesto para makita siya. Nagtago ako sa isang puno at tinignan siya.

Nagulat ako sa nakita ko. "Air Drive." mahinang sabi ko. Isa itong spell kung saan binabalot ang buo niyang katawan ng armor na gawa sa hangin. Alam kong hindi ito si Cyclone kahit naka-mask ito. At kailangan ko itong alamin kung sino ang nasa likod ng maskarang yan.

Nag-summon ako ng isang Dark Sword. Napansin kong tatalon na sana siya papunta sa isang puno, kaya agad akong umatake sa likod nito. Nasalag niya ito gamit ng isang espada. Sa bilis ng reaksyon niya ay masasabi kong bihasa siya sa pakikipaglaban.

Napalingon ako sa bandang kanan ko ng may maramdaman akong itim na kapangyarihan. At may aatake sa amin sa kinatatayuan namin. Itinulak niya ako ng bahagya dahilan yun para mabitawan ko ang hawak kong espada. Agad akong humarap sa kanan ko para makahanda sa paparating na atake sa akin. Pero nabigla ako ng pumunta ang kaharap ko kanina sa harap ko at hinarap ang kalaban.

---------------
Yves's POV

Nakakasiguro ako na hindi si Cris ang naramdaman ko kanina. May iba. May ibang tao na nasa paligid.

Pumwesto ako sa harap ni Cris. Agad akong gumawa ng Air Barrier sa harap namin ni Cris na may bumulusok na mga itim na parang mga kidlat papunta sa amin. Nasalag ng barrier ko ang iba. Pero nabigla ako ng may mga iba na lumagpas dito at paparating na sa akin. Agad akong nag summon ng isa pang sword at pinag cross na harap ko para salagin ang mga ito. Sumabog ang mga ito ng matamaan ang espada ko. Kaya tumilapon ako. Bumangga ako kay Cris dahilan yun para maisama siya sa pagtilapon ko. Nakahawak siya sa balikat ko.

"Yves?" mahinang sambit niya. Huli na ng mapansin kong wala na ang mask ko. Tinignan ko ito. Nakahawak pa rin ito sa akin. Nakadikit ang likod ko sa dibdib nito.

Napatingin ako sa harap ng marinig ko itong magsalita, "Sa wakas nakaharap din kita, Fallen Prince." sabi ng kaharap namin. Naglakad ito at tumigil sa may di kalayuan sa amin. Ngumisi ito. "Ikaw lang pala ang hinahanap namin." dagdag pa nito.

Sinamaan ko siya ng tingin. "I guess, wala na akong rason para buhayin kita." sarkastiko kong sagot sa kanya.

"Tignan natin kung anong kaya mong gawin." sabi niya. Naghanda na ito. Ngumisi ako. Kailangan ko siyang patayin para wala ng ibang makaalam ng pagkatao ko.

Aatake na sana ako ng pigilan ako ni Cris. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin ito sa akin. "Magpapaliwanag ako. Mamaya." sabi ko sa kanya. Tumango lang ito. "Kailangan ko muna siyang harapin. Bumalik ka na sa academy. Susunod ako." sabi ko.

Umiling ito. "Hindi kita iiwan." seryoso niyang sabi. Pumwesto ito sa tabi ko. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Huwag na huwag kang magugulat sa makikita mo. Iba ang kalaban natin kaya gagamitin ko ang totoong kapangyarihan ko." -ako.

Tumingin siya sa akin. "Kailangan ko ng paliwanag." Tumango ako. Tsaka kami tumingin sa kalaban.

Napatingin ako ulit sa katabi ko ng umilaw ang buo niyang katawan. Naka-armor na ito. Ang gwapo niya tignan sa suot niya. Napangiti ako.

Tumingin na ako sa harap. Nagconcentrate ako at pinalitan ang Air Drive ko ng Earth Drive. Nagsummon ako ng PoleArm. Agad akong umatake sa kalaban. Pinatamaan niya ako ng mga kidlat pero nailagan ko ang mga ito. Kasabay ng pagtakbo ko papalapit sa kanya ay pinatataman ko rin siya ng mga Leaf Sword. Naiilagan niya rin ang mga ito. Mga mga itim na bagay na matutulis rin ang umaatake sa kanya at kagagawan yun ni Cris.

Pumunta ako sa likod ng kalaban at hahampasin ko na sana siya gamit ang PoleArm ko ng bigla itong mawala sa harap ko. Lumingon ako sa paligid. Nagbackflip ako ng tatlong beses ng sunod sunod niya akong atakihin mula sa itaas. Nasa taas siya. Agad kong pinalitan ang PoleArm ko ng Bow and Arrow pagkalanding. "Nature Sprung!" malakas kong sigaw at agad itong inatake. May sumabog sa itaas pero alam kong hindi ito tinamaan.

Napasigaw na lang ako sa sakit. Natamaan ako ng mga kidlat mula sa kanya. Napaluhod na ako. May epekto pa rin ito sa katawan ko at parang kinukuryente ako.

Napatingin ako kay Cris na kasalukuyan niyang itong inaatake. Bihasa ito sa pakikipaglaban ganun din ang kaharap namin ngayon. Tumayo ako. Mabilis ang kilos nito gaya ng kidlat. May parteng sira na ang armor ko. Kailangan ko ng malakas na depensa para sa katawan ko kaya Earth Drive ang napili ko.

Itinapat ko ang palad ko sa kinaroroonan ng kalaban. Agad ko itong inatake gamit ang mga ugat ng puno. Naiilagan niya lang ang mga ito. Ipinadyak ko ang isa kong kanang paa ko. May umangat na lupa sa harap ko tsaka umikot ako at sumipa ako gamit ang kaliwang paa ko. Agad na bumulusok ang lupa papunta sa kalaban. Pinatamaan niya lang ito ng kidlat dahilan yun para mawasak ito.

Agad akong umatake sa kanya. Nag-summon ako ng dalawang espada. Hindi ko ito mapatamaan. Sabay na kami ni Cris sa pag-atake. Pero, hindi pa rin ito umobra. Hindi ko inaasahan ang pagsipa niya sa akin sa bandang tiyan ko kaya tumilapon ako at tuluyan na akong bumagsak sa lupa. Napakalakas niya. Agad akong tumayo tsaka tumambling patalikod ng patamaan niya ulit ako ng mga kidlat. Tumilapon na rin si Cris sa may kalayuan.

May lumitaw na magic circle sa kinatatayuan nito. Alam kong nagcacast ito ng isang malakas na magic spell. Agad akong nawala sa kinatatayuan ko at lumitaw bigla ako sa likod nito. Nakasuot na ako ngayon ng Water Drive ko. Idinipa ko ang kamay ko. May lumitaw na magic circle sa kinatatayuan nito pero mas malaki ito kesa sa ginagawa nito. Ikinulong ko siya sa isang malaking water bubble. Pero sa loob nito ay may ginawa rin akong mga bola na gawa sa tubig na mayroong mga water blades sa loob nito na sa tuwing magkakaroon ng pressure ang mga ito ay kusa itong sasabog. Sakto lang dahil nagawa ko ito bago siya makapagcast ng spell niya.

Hindi niya pwedeng i-cancel ang nasimulan niyang spell dahil magkakaroon ito ng pagsabog. Kaya nawala ako sa kinatatayuan ko at lumitaw bigla ako sa tabi ni Cris. Inalalayan ko itong tumayo. May mga galos na rin ito.

Hindi rin nagtagal ay sumabog ito. Gumawa ako ng Water Shield palibot sa amin ni Cris. Malakas ang naging pagsabog nito. Pero, napangisi ako ng maaninag ko na nakatayo pa rin ito. Pero, sa hindi ko inaasahan ay isa pala itong tao na gawa sa metal. Isa itong mechanical robot. Kita ko na ang ibang parte ng katawan nito. Litaw na litaw na gawa ito sa metal.

Mukhang alam ko na ang dapat kong gawin.


-------------
How's the update??
Ok lang??

Keep voting..

The Dragon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon