Chapter 105

426 38 2
                                    

Yves's POV

Kasalukuyan kaming nandito sa dungeon kung nasaan nakakulong ang Metal Dragon. Kasama kong nandito si Frost, ang kambal na sina Walden at Alden at si Cris.

Nakatayo kami dito sa harap ng kulungan niya habang nakagapos ang dalawang kamay niya ng mga Magic Handcuffs na nakadikit sa pader at mayroon din ang mga paa nito. Pinipigilan nito ang majika niya para hindi niya ito magamit. Unti unti itong nagkamalay. Sinamaan niya kami ng tingin ng mapansin niya kami.

"Ano ang gagawin natin sa kanya?" narinig kong sabi ni Walden.

"Buksan niyo ang kulungan niya." utos ni Frost sa kanila. Na agad naman nilang sinunod. Naunang pumasok si Frost at sumunod naman ang kambal.

"Wala tayong mapapala sa kanya kahit magtanong pa tayo." sabi ni Frost. "Kakailanganin natin ng isang Mind Reader."

"Mayroon ang Aragon." sagot ni Cris. Tuluyan na itong pumasok kaya sumunod ako sa kanya.

"Dalhin mo siya dito." seryosong sabi ni Frost sa kanya.

"Inuutusan mo siya?" hindi makapaniwalang sabi ko.

Tinignan niya ako. "Hindi.." depensa niya. "Sila ang inuutusan ko." tukoy niya sa kambal.

Nagkatinginan ang kambal. "Hindi namin ito kilala." depensa nila. Napailing na lang ako.

"Sige. Ako na." sabat ni Cris. "Dadalhin ko siya dito." Akmang aalis na ito pero pinigilan ko.

"Stay... Dito ka lang." seryosong sabi ko. "Puntahan niyo na siya at dalhin siya dito." utos ko sa kambal. Wala na silang nagawa kundi ang sundin ako. Yumuko sila sa akin bago sila umalis.

Sinamaan ko ng tingin si Frost ng tumawa ito. "Iba ka talaga." natatawang sabi niya.

"Mabuti nga at hindi ikaw ang inutusan ko." biro ko sa kanya dahilan yun para tumigil siya sa pagtawa.

"Nagkamali kayo ng pinapasok dito sa kaharian niyo." malademonyong sabi ng bihag namin.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang sabi ni Frost. Hindi ito sumagot bagkus tumawa ito ng malakas.

Lalapit na sana ako ng biglang may magsalita sa isip ko. "Kaizer..." halata sa boses nito na nahihirapan siya.

"Mom?." sagot ko sa kanya. Biglang yumanig ang lupa dahil sa isang malakas na pagsabog.

"Prince.." si Aria. "Si Dale.." Naalarma ako sa narinig ko. Agad akong tumakbo palabas ng dungeon. Sumunod lang ang dalawa sa akin.

"Aria... Anong nangyayari?" tanong ko sa kanya sa isipan ko.

"Kinuha niya si Dale." nahihirapang sabi niya. Narating namin ang kwarto ng mga magulang ko. Naabutan namin ang Ina ko na nakahandusay sa sahig habang nasa gilid sina Rain at Aria na walang malay. Agad kong linapitan ang Ina ko at sinubukan siyang pagalingin. Linapitan ni Cris si Aria habang si Frost kay Rain.

"Kai...zer.." nahihirapang sabi niya. "Si Dale..." umiling ako para pigilan siyang magsalita. "Kinuha.. niya si Dale." Biglang nagdatingan ang mga kawal ng kaharian. Nandito na rin ang Ama ko at agad na inalalayan ang Ina ko.

"Kayo ng bahala sa kanya." utos ko sa kanila. Binigay na rin ng dalawa sina Rain at Aria sa mga ito bago kami lumipad paitaas. Wasak na kasi ang kalahati ng kwarto. Mula sa itaas ay nakita namin ang kambal na nakalutang habang may kaharap silang lalake na may karga kargang bata. Nandito na rin sila Rock at Fyro na pinapalibutan ng kanilang sariling mga elemento.

"Dale.!" sigaw ni Cris dahilan yun para mapansin kami. Agad na lumipad ito palapit sa kanila pero sinenyasan siya na huwag siyang lalapit.

"Thor?" hindi makapaniwalang sabi ko. Lumapit ako kay Cris para pigilan siya. Halata na sa kanya na nagpipigil na ito ng galit.

The Dragon PrinceOnde as histórias ganham vida. Descobre agora