Chapter 51

1.1K 72 0
                                    

Yves's POV

Umupo muna ako sa isang gilid habang hinihintay si Cris. Wala pa kasi siya dito. Bumalik na rin si Warren sa mga kumpulan ng mga beginner na nagsasanay. Mag-iisang oras na akong naghihintay pero hindi pa rin siya dumarating. Natapos na rin ang training nila dahil magtatanghali na. Yumuko ako. Akala ko ba sabay kaming kakain?

"Yves..." pagtawag sa akin. Tumingala ako para makita ito. Si Warren.

"Kain na muna tayo." pag-aya ni Jack sa akin. Nasa tabi ito ni Warren habang nakaakbay ito.

Tinignan ko ito na parang sinasabing may hinihintay ako.

Ngumiti ito. "Sige... Samahan ka muna naming maghintay sa kanya." napatingin ako ng magsalita si Warren.

"Ahhhh.. Hindi na.. Ako na lang... Mauna na kayo.." sabi ko sa kanila.

Pero hindi na ito sumagot. Umupo siya sa tabi ko at umupo naman sa tabi niya si Jack.

Pagkaraan ng ilang sandali ay nagsalita si Warren. "Alam ba niyang hinihintay mo siya?" tanong niya. Tinignan ko siya tsaka dahan dahang tumango. "Ako ang nagsabing sabay kaming kakain ngayon... Pumayag naman siya." mahinang sabi ko. Hindi na ito nagsalita pa. Isang oras ulit ang lumipas pero wala talaga siya. Hindi na ito dumating.

Tumayo ako. "Tara na." yaya ko sa kanila.

"Hindi mo na siya hihintayin?" -si Warren. Pero tumayo na rin ito ganun din si Jack. Umiling ako. Naglakad na ako patungo sa cafeteria.


Napatigil ako sa paglalakad ko ng nasa pinto na kami ng cafeteria. Mula sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko si Cris. Kasama si Mint habang kumakain. Mukhang masaya sila habang nag-uusap.

"May problema ba?" si Warren. Nasa tabi ko na pala. Hindi ko na siya liningon. Nakatingin lang ako sa kinaroroonan nila Cris.

"Naghintay ka ng matagal sa kanya.. Nandito lang pala siya.. At may kasamang iba?." Hindi makapaniwalang sabi ni Jack. Nasa pagitan ako ng dalawang ito.


Tumalikod na ako at linisan ang lugar. "Hindi ka na kakain?" sigaw ni Warren sa akin.

Tumigil ako sa paglalakad ko.. "Wala akong gana." sabi ko sa kanya. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko. Narinig ko pang tinatawag nila ako pero mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko.

Sinusubukan kong pigilan ang pagpatak ng luha ko pero nakakainis lang dahil hindi nakikiisa ang puso ko ngayon. Naninikip ang dibdib ko. Ang sakit lang dahil naniwala ako sa kanya. Naniwala ako sa lahat ng sinabi niya. Umiwas na nga ako pero siya na mismo ang lumapit. Kaasar.

Tumalon ako sa isang sanga ng puno kung saan ang pinakamalapit sa akin. Agad kong tinungo ang barrier ng academy. Palipat lipat lang ako sa sanga ng mga puno. Tumigil ako sa isang puno ng makalabas na ako ng barrier ng academy. Bumaba ako sa lupa. Naglakad ako. Tumigil ako sa isang puno. Sumandal ako dito tsaka ako umupo habang nakasandal ako dito. Nandito ako ngayon kung saan ako dinala noon ni Aries. Sa isang malawak na kapatagan na may iba't ibang uri ng mga bulaklak sa paligid. Yinakap ko ang tuhod ko tsaka ko isinubsob ang mukha ko. Napahagulgol na lang ako.

Umasa ako... Umasa ako... sabi ko sa sarili ko... Akala ko seryoso siya... Hindi pala... Napakatanga ko... Para maniwala sa kanya...




---------------

Cris's POV


Nandito ngayon ako sa cafeteria. Kasama kong kumakain si Mint. Papunta na sana ako sa training ground ng makasalubong ko siya. Sinabi niya na kung pwede ay sumama akong kumain sa kanya dahil kung hindi daw ay hindi na niya gagawin ang pinapagawa namin sa kanya. Nabigla ako sa sinabi niya. Malaki ang maitutulong niya sa amin kaya wala na akong nagawa at umoo na lang sa kanya.

The Dragon PrinceWhere stories live. Discover now