Chapter 74

903 71 4
                                    

Yves's POV

Maggagabi na ng magising ako. Nasa iisang kama kami natulog pero may distansiya sa pagitan namin. Nakasuot na ako ng casual na puting damit at ganun din ang pang-ibaba ko na ang Ina ko mismo ang naghanda nito. May mga gintong burda nito. At talagang bagay at napakaganda ng disenyo nito.

Habang naglalakad ako sa hallway ay may nakasalubong ako. "Magandang gabi po mahal na prinsipe." bati niya tsaka ito yumuko sa harapan ko. Tumayo ito at ngumiti sa akin. Tinignan ko siya ng nagtataka. "Dominic po."

Napangiti ako. "Maaari bang samahan mo muna ako.." sabi ko. "Hindi pa kasi ako gaanong pamilyar dito." nahihiyang bigkas ko.

Tumango na lang ito. Ilang minuto din kaming nag-ikot ikot dito sa palasyo. Tumawa na lang ito ng sabihin kong nagugutom ako at kung pwede bang kumain na muna kami. Agad niya itong sinang-ayunan at kasabay nun ay tinanong niya kung bakit hindi ko daw ito sinabi kanina bago kami nag-ikot ikot. Napakamot na lang ako ng ulo ko dahil sa sobrang hiya ko sa kanya.

Naabutan namin ang tatlong babaeng naghahanda sa may kusina. Agad nila akong binati ng makita nila ako. Ngumiti na lang ako sa kanila. Lumapit ako sa may counter dito para tignan ang pwedeng lutuin. Kukuha na sana ako sa mga gagamitin ko ng bigla akong pigilan ng isa sa kanila.

"Kami na pong maghahanda ng kakainin niyo mahal na prinsipe." pagpigil ng isa sa kanila.

Ngumiti ako. "Ipagpatuloy niyo na lang po ang ginagawa niyo.. Huwag niyo na po akong intindihin." sagot ko sa kanya.

"Pero mahal na prinsipe..." pag-alinlangan niya.

"Yves na lang po ang itawag niyo sa akin... hindi po kasi ako komportable kung paano niyo ako tawagin." mahinang sabi ko.

"Umupo ka na lang diyan... Sila ng bahala." sabi ni Dominic sa akin. Hinila niya ako para ilapit sa isang upuan dito. "Sabihin mo nalang kung anong gusto mong kainin at sila ng maghahanda."

"Pero, nakakahiya naman sa kanila..." sabi ko. Tinignan ko sa kanila pero nakatingin din sila sa akin.

"Trabaho naming pagsilbihan ka.." napatingin ako kay Dominic.

"Pero,..." naputol ang sasabihin ko ng magsalita ulit ito.

"Ok lang... huwag mo ng intindihin yun." sabi niya.

Ngumiti ako ng pilit. "Sige.. kung ano na lang ang nandiyan... Yun na lang ang kakainin ko." sabi ko.

"Sigurado po kayo?" nagtatakang tanong ng isang babae. Ngumiti ako tsaka tumango. "Sige po, sandali lang po at ihahanda na po namin." Agad silang nagbalikan sa kanilang ginagawa.

"Hindi talaga ako sanay sa ganito." mahinang sabi ko. Isinalampak ko ang ulo ko sa lamesang nasa harap ko tsaka ako pumikit.

Napaangat ako ng ulo ko bigla ng marinig kong tumawa si Dominic. "Masasanay din po kayo." sabi niya habang tumatawa.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Umupo ka na nga." suway ko sa kanya.

Umiling ito. "Hindi po magandang ideya yan." sabi niya.

"Hah??.. Bakit naman??" nagtatakang tanong ko dito.

"Hindi po magandang tignan na nasa iisang lamesa ang isang prinsipe at isang Royal Guard." sabi niya. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Magsasalita pa sana ako ng ihanda na nila ang mga pagkain sa harap ko isa isa. Tinignan ko ito. Sobrang dami nito.

"Hindi ko ito mauubos." sabi ko kay Dominic.

"Ayos lang... Basta mabusog ka... hindi mo naman kailangan ubusin ang lahat ng yan." nakangiting sabi niya. Hinawakan niya ang ulo ko.

"Samahan mo na ako.." mahinang sabi ko. Pero, napangiti ako. "Let's eat." pagtawag ko ng atensiyon ng mga nandito. "That's an order." nakangiting sabi ko. Halata sa kanila ang pag-alinlangan.

"That's an order." pag-ulit ko sa sinabi ko. Isa-isa silang lumapit sa kinaroroonan ko at umupo na rin sila. Tinignan ko si Dominic. Ngumiti ito bago umupo.

Naging masaya ang pag-uusap namin habang kumakain. Hindi nagtagal ay may dumating na isang lalake. "Pasensiya na po sa istorbo.. Pero, hinahanap po kayo ng Mahal na Reyna." sabi niya habang nakayuko. Huminga ako ng malalim bago tumayo. Nagpaalam ko sa kanila bago lumabas ng kusina.

"Kanina pa kita hinahanap.." pagsalubong sa akin ni Cris. "Saan ka ba pumunta?" Napansin kong nakasuot kami ng parehong damit.

"Tawagin niyo na lamang po ako kapag may kailangan po kayo." napatingin ako kay Dominic. Nakayuko ito.

"Thank you." mahinang sabi ko.

"No need... I can take care of my boyfriend..." seryosong sabi ni Cris sa kanya. Ngumiti si Dominic bago umalis.

"Jealous?" mahinang sabi ko sa kanya ng makalayo na ang Royal Guard.

Sinamaan niya ako ng tingin. "What if I say yes?." seryoso niyang sabi.

"Akala ko ba papatayin mo lahat ng lalapit sa akin?" paghahamon ko sa kanya.

"Gusto mo bang patayin ko siya?!" hindi makapaniwalang sabi niya.

Tumawa ako. "No... I'm just kidding.." sabi ko pero nanatili itong nakatingin ng masama sa akin. "Tara na..." pagyaya ko sa kanya. Pero nanatili pa rin itong nakatayo.

Argh... "Fine... kung ayaw mo akong samahan... bahala ka diyan." sabi ko bago ako tumalikod sa kanya.

Pero, napatigil ako sa paglalakad ko ng may humawak sa beywang ko at nasa tabi ko na ito. "What now?" tanong ko sa kanya.

Nakangiti na ito. "Papatayin ko pa rin ang sinumang lalapit sa'yo." natatawang sabi niya. Siniko ko siya sa tagiliran niya dahilan yun para mas lalong lumakas ang tawa nito.

Magkatabi kaming naglakad palabas sa isang malaking pinto sa likod ng palasyo namin kung saan ginaganap ang naturang pagdiriwang. Napadako ang tingin nila sa amin ng bumukas ang pinto. Napakapit ako sa braso ni Cris ng makaramdam ako ng kaba. Hindi ako sanay na sa akin nakatuon ang ganitong atensiyon.

"It's alright...  nasa tabi mo lang ako." bulong ni Cris sa akin at naramdaman kong hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa kanya.

Tinignan ko siya at nginitian. "Don't leave me." mahinang sagot ko sa kanya.

"I won't... I promise.." paninigurado niya. Ngumiti ako ng kumakalma na ang sarili ko.

Nakangiting naglakad ako palapit sa mga magulang ko. Una kong yinakap ang Ina ko ng makalapit ako sa kanila samantalang hinawakan lang ang Ama ko ang ulo ko habang nakayakap sa Ina ko. Inayos ko ang tayo ko ng magsimulang ipakilala ako ng Ama ko sa mga kalahi ko. Inilibot ko ang paningin ko sa kanila. Napangiti ako dahil marami pa rin pala ang mga katulad ko. Tumayo ako sa tabi ng Ama ko ng tawagin niya ako sa totoong pangalan ko.

Sinenyasan ako ng Ama ko para magsalita kahit na konti lang. Ngumiti ako sa kanya tsaka huminga ako ng malalim bago magsalita. Nanatili silang nakatingin at nakikinig sa mga sinasabi ko. Inilahad ko at sinabi ko sa kanila ang lahat ng pinagdaanan ko. At ipinangako kong proprotektahan ko ang kaharian at ang angkan ko sa abot ng makakaya ko dahilan yun para maghiyawan ang mga nasasakupan ko.

"Mabuhay ang prinsipe.!" sigaw ng isa sa kanila.

"Mabuhay!" sabay sabay nilang sigaw. At inulit ulit nila ito. Napangiti na lang ako.

Matapos akong magsalita ay sinabi na ng Ama ko na magsisimula na ang pagdiriwang. Naging masaya ang lahat. May mga bumabati sa akin at nginingitian ko na lamang ang mga ito.

------------
A/N: hit the vote button. Thanks.

The Dragon PrinceWhere stories live. Discover now