Chapter 101

373 34 0
                                    

Yves's POV


Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Pagkabangon ko ay tinignan ko ang buong kwarto. Wala si Dale dito maging si Cris. Tinignan ko ang balcony ng kwarto. Maggagabi na pala. Tumayo ako at tinungo ang pinto para lumabas.

"Magandang gabi po, mahal na prinsipe.." bati sa akin ng isang lalakeng nakasalubong ko dito sa hallway ng palasyo.

Ngumiti ako. "Magandang gabi din... Uhm... Nakita mo ba si Cris?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti ito. "Nasa training ground po, mahal na prinsipe.." sagot niya. Nagsimula na akong maglakad patungo sa training ground. Dahan dahan kong binuksan ang pinto nito pagkarating ko. Pero, napatingin pa rin ang ibang malapit sa pinto pagpasok ko. Napangiti na lang ako ng pilit. Ilinibot ko ang paningin ko para hanapin siya. Kumunot ang noo ko ng makita ko siyang nakikipag-usap kay Kagura. 

Napatingin ako sa isang matandang babae ng lumapit ito sa akin. "Mahal na prinsipe... Maraming salamat po." sabi niya. Pinigilan ko ito ng balak niyang lumuhod sa harap ko. Iniangat niya ang ulo niya para tignan ako kaya umiling ako habang nakangiti. Sinenyasan ko ang dalagang kasama niya kanina para lumapit sa amin.

"Kung may kailangan pa kayo... Huwag kayong mahihiyang magsabi." sabi ko sa dalaga. Yumuko ito bago niya alalayan ang matanda. "Kumain na ba kayo?" tanong ko ulit.

"Opo, mahal na prinsipe." narinig kong sagot niya. Inilibot ko na ulit ang paningin ko. Nagpaalam na muna ako sa kanila bago ako lumapit kay Frost dahil nandito rin siya kasama si Rain.

"Frost..." pagtawag ko ng atensiyon niya.

Lumingon ito. "Anong ginagawa mo dito?.." nagtatakang tanong niya. "Magpahinga ka na muna... Kami ng bahala dito."

"Hindi pa ba naaayos ang kwarto nila?" pag-iiba ko ng usapan.

Umiling ito. "Baka bukas na ito maaayos."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit bukas pa?!" sigaw ko sa kanya kaya sinamaan niya rin ako ng tingin. "Hindi mo ba nakikita ang kalagayan nila dito?!" hindi makapaniwalang sabi ko. Umiling ako tsaka ako tumalikod para lisanin ang lugar.

"Ipinatatawag ko ang lahat ng babaeng Dragon dito sa kaharian... Pumunta kayo dito sa kanang bahagi ng kaharian... Ngayon na."  sabi ko sa Link bago ko tinungo ang hallway patungo sa isang building dito sa kanang bahagi ng kaharian. Mataas ito at maraming palapag. Tumayo ako sa malaking pinto ng building na ito. Pagkaraan ng ilang sandali ay nagsidatingan na sila. Nasa higit isang daan siguro sila.


"Gusto kong ayusin at linisin niyo ang building na ito para sa mga taga-Aragon." panimula ko. "Gusto kong matapos niyo ito ngayong gabi.." inilibot ang paningin ko sa kanila. "Pasensiya niya kung minamadali ko kayo..." Bahagya akong yumuko sa harap nila. "Pero, gusto ko lang silang bigyan ng maayos na pamamalagian." Iniangat ko ang ulo ko para tignan sila. Nabigla ako ng lahat sila ay nakaluhod na parang pang knight sa harap ko.

"Masusunod po, mahal na prinsipe." sabay sabay nilang sabi.

Ngumiti ako. "Maraming salamat... Magsimula na tayo." Sunod sunod silang pumasok sa building. Papasok na rin sana ako ng may nagsalita sa likod ko.

"Tutulong na rin kami." lumingon ako. Si Ian, Drake, Elle, Ram, Aries, At ibang mga Guardian. May mga Warriors din maging mga Beginners. Si Warren at Jack lang ang nanditong mga Elites.

Ngumiti ako sa kanila tsaka tumango. "Mas madali kung mas marami tayo." nakangiting sabi ni Ian ng makalapit na ito sa akin. Yinakap ko siya. "Salamat." mahinang sabi niya kaya humiwalay ako sa pagkakayakap. Pumasok na kami sa building. Ang iba ay tinungo ang hagdan para pumunta sa itaas dahil may mga nadatnan na kaming nag-aayos dito. Pumasok ako sa isang kwarto.

"Tulungan na kita." napatingin ako sa nagsalita. Si Aries. Hindi ko na siya pinansin at lumapit na lang ako sa isang cabinet dito para kumuha ng bedsheet at mga unan. Ang bawat kwarto kasi dito ay mayroon nito. Lumapit ako sa kama para ayusin ito.

"Nag-usap na kayo?" narinig kong sabi niya. Pumunta ito sa kabila ng kama para tulungan ako.

Tinignan ko siya. "Mayroon pa ba kaming pag-uusapan?"

Tinignan niya ako ng nagtataka. "Anong ibig mong sabihin?"

Ngumiti ako ng pilit. "Kung gusto niya kaming magkaayos... Hindi ba dapat nandito siya para kausapin ako?" sabi ko. "Pwede bang huwag na muna natin siyang pag-usapan?" Tumango na lamang siya. "Pasensiya na kung ito lang ang kaya naming ibigay. Kung saan kayo mamamalagi."

Ngumiti ito. "Malaking tulong na ito sa amin... Kami nga dapat ang mahiya sa inyo..." natatawang sabi niya. "Salamat, your Highness." bahagya itong lumuhod sa harap ko. 

"Tumayo ka nga diyan." suway ko sa kanya. "Tara na." yaya ko. Dahil tapos na kami sa pag-aayos. Maghahating gabi na ng matapos kami.

"Maraming salamat sa inyo.." sabi ko sa kanilang lahat. Nandito na kami sa harap ng building. "Magpahinga na kayo." utos ko sa mga kalahi ko. Isa isa silang nagsialisan.


"Frost.." pagtawag ko ng atensiyon niya pagpasok namin sa training ground. Kasama kong pumunta dito ang mga tumulong kanina sa pag-aayos ng matitirhan nila. "Maayos na.." tipid na sagot ko. Humikab ako dahil inaantok na ako.

"Matulog ka na... Ako ng bahala sa paglilipat sa kanila." ginulo niya ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lamang ito. Inilibot ko ang paningin ko. Nag-uusap pa rin si Cris at Kagura. Kaasar. Narinig kong sinabihan niya ang mga nandito na lilipat na sila kaya nagsitayuan na sila.

"Hmmm.. Frost." Lumingon ulit ito sa akin. "Yung kambal... Nasaan sila?" taka kong tanong. May itinuro siya kaya tumingin ako dito.

"Magpahinga ka na... Kaya na namin ito." umiling ako. "Stubborn." narinig kong sabi niya bago niya ako talikuran. Pinangunahan niya ang mga taga-Aragon papunta sa tutuluyan nila. Linapitan ko ang kambal. Ngumiti sila ng makita nila ako. Pumwesto ako sa gitna nila habang naglalakad. Naghikab ulit ako kaya napatingin sila sa akin.

"Magpahinga na po kayo... Kami na pong bahala dito." sabi ni Walden. Napatingin ako kay Alden ng magpaalam ito sa amin dahil may tutulungan daw siya. Umupo ako sa balaster ng hallway ng marating namin ang harap ng building at umupo rin siya sa tabi ko. Hindi ito nakatingin sa akin kaya tinignan ko kung saan ito nakatingin. Magkasabay sa paglalakad si Cris at Kagura habang nag-uusap palapit sa amin. Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kanila. Isinandal ko na lamang ang ulo ko sa balikat ni Walden at hinayaan niya na lamang ako.

"Hatid na kita... para makapagpahinga ka na." mahinang sabi niya. Hindi ko siya sinagot. Pero nabigla ako ng may humila sa braso ko. Nakatingin ito ng masama sa kay Walden. Sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin.

"Nasasaktan na ko." mahinang sabi ko sa kanya dahil humihigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"Bitawan niyo na po siya... Nasasaktan po siya..." sabi ni Walden. Lumapit ito tsaka niya hinawakan ang isang braso ko. Linapitan niya ito tsaka kinuwelyuhan. Agad ko silang inawat.

"Ano ba?!" sigaw ko sa pagitan nila. "Pwede bang huwag kayong mag-away?!" pakiusap ko sa kanila. "Nakakahiya.." nanatiling nakatingin ito ng seryoso sa akin.

"Pasensiya na po, mahal na prinsipe.. wala po akong intensiyong makipag-away." liningon ko sa likod ko si Walden. Nakayuko ito.

"Tsk... Pabida." napatingin ako sa harap ko ng magsalita si Cris. Huminga muna ako ng malalim bago ko siya hilain palayo sa kanila.




---------
A/N: Follow me... please..




(stay home.. and stay safe..)

The Dragon PrinceWhere stories live. Discover now