Chapter 41

1.3K 80 0
                                    

Yves's POV

Kasalukuyan akong nakatayo at nakasandal sa isang puno habang pinapanood ang pagsasanay ng mga kasama kong beginners. Sinasanay sila ng mga Elites. Kung titignan ay parang normal lang ang lahat. Hindi lang ako sigurado at kung bakit isa sa kanila ang traydor. At kung sino ang isang yun?

Tinignan ko ang buong paligid. Wala si Cris dito. Saan naman kaya yun pumunta?

"Mabuti naman at naisipan mong bumalik." may nagsalita sa likod ko. Si Warren. Ngumiti lang ako sa kanya.

"May hinahanap ka?" sabi niya.

Ngumiti ako. Ganun na ba ako kahalata? Huminga muna ako ng malalim bago ko siya sinagot. "Si Cris. Nasaan siya?" sabi ko.

"Ah... Siya. Bumalik na siya sa dorm namin. Kasama niya si Mint." sabi niya. "Sumama ako kanina sa kanila pabalik kaso agad din akong bumalik dito para bantayan sila."

"Mint?" nagtatakang sabi ko.

"Hindi mo ba kilala yun?" Umiling ako. "Beginner din siya. Siya yung nasa tabi ni Cris kahapon." sabi niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Nalungkot ako sa narinig ko. So, Mint pala ang pangalan ng sinasabi nilang girlfriend niya. Pero, bakit papunta sila sa dorm ni Cris gayong beginner din siya?. Yumuko ako. Shit. Andaming pumapasok sa isip ko. Napahilamos na lang ako sa mukha ko.

"Pwede bang magtanong?" sabi niya. Tinignan ko ito. Ngumiti na lang ako tsaka tumango.

"Yung kasama mo kanina. Si Drake... Boyfriend mo ba yun?" nag-aalangang tanong niya.

Nabigla ako sa tanong niya. Agad akong umiling. "Hindi... Hindi kami." depensa ko.

"Pero sa nakita ko kanina parang kayo." sabi niya.

"Hindi... Actually, nagtapat siya kanina lang." sabi ko.

"So?"

"Tumanggi ako." sabi ko.

"Bakit naman? Buong akala ko ay kayo na." natatawang sabi niya.

"Hindi ko siya gusto, ok." -ako.

"So? may gusto ka sa ngayon?" sabi niya. I caught off guard. Sumimangot ako. Kailangan ko ba talagang sagutin ang tanong na yan. Huminga ako ng malalim.

Tinignan ko siya. "Oo. Meron nga. Kaso..." iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Mukhang may gusto na siyang iba." sabi ko.

"Maari bang malaman ang pangalan niya?" tanong niya. Kailan ba kami naging close ng isang to?

"Like hell I'm gonna tell you. Baka nga sabihin mo sa kanya kapag nalaman mo." maktol ko sa kanya.

Ngumisi ito. "Sa sinabi mong yan. Napaisip ako. Baka isa sa aming mga Elites ang nagugustuhan mo. Sino kaya sa amin?" nakakalokong sabi niya.

Tumawa ako. "Bahala kang mag-isip diyan." patuloy lang ako sa pagtawa ko. "Hindi ka pa ba babalik dun? Mukhang kailangan nila ang tulong mo." sabi ko.

"Mukha nga." ngumiti ito. "Balik na ako dun." Tumango lang ako. "You're nice." sabi pa niya bago ako tinalikuran. Napangiti na lang ako.

Hindi ko lang maisip kung paano at sino sa kanila ang may lakas ng loob na magtraydor sa academy? Ano bang pakay nila dito?

Agad akong nagsummon ng Leaf Sword sa right hand ko at agad akong umikot para harapin ang nasa likod ko.

"Whoah. Teka lang... Teka lang..." nag-aalalang sabi niya. Sakto kasi ang dulo ng espada ko sa leeg nito. Si Aries. "Bilib na talaga ako sa refelexes mo." kinakabahang sabi niya. Nakataas na din ang dalawang kamay niya na parang sumusuko na. Pinawala ko sa kamay ko ang espada ko.

"Hindi ko na ito kasalanan pa. Basta basta ka na lang kasi lumilitaw sa likod ko." sabi ko.

"Ok ok. Sorry na. Hindi na ito mauulit." sabi niya.

"Narinig ko ang pinag-usapan niyo kanina ni Frost." seryosong sabi niya.

Agad akong nag-summon ng Leaf Sword sa left hand ko. Kinwelyuhan ko siya gamit ang right hand ko. Ibinalibag ko siya sa punong kinasasandalan ko kanina habang nakatutok ang espada ko sa leeg nito. Hindi pwedeng may makaalam na iba. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi magandang may makaalam ng sikreto mo..." ngumisi ito. "Dragon Prince." sabi niya. Nabigla ako. Paanong? Sa pagkakaalam ko ay hindi ko nabanggit kanina kay Frost ang tungkol diyan. Tanging ang tungkol lang sa kambal kanina ang napag-usapan namin. Hindi ako makapag-isip ng maayos.

"Huwag kang mag-alala. Hindi yun malalaman ng iba." hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak ng espada. "Hindi ko lang maisip na hindi mo ito nasabi sa akin. Hindi mo ba ako mapagkakatiwalaan sa bagay na yan?" malumanay na sabi niya.

Nawala na ang espadang hawak ko. Binitawan ko na rin ang kwelyo niya. Nakahawak na ako sa dibdib niya habang hawak niya ang isa kong kamay. "Hindi naman sa ganun. Hindi lang ako sigurado kung sino ang mapagkakatiwalaan ko sa ngayon." sabi ko. Iniwas ko ang tingin ko. Binitawan niya na rin ako. Umalis ako sa harap niya. "Alam mo naman kung anong nangyari sa angkan ko di ba?.. Hindi ko alam kung may natitira pa sa kanila o kung patay na sila." tinignan ko siya. "Natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag nalaman nila ang tungkol sa akin." sabi ko.

"Hindi ako sigurado. Pero, sa nalalaman ko ay ang kaharian niyo ay lumubog sa dagat pagkatapos mag-cast ng spell ang Reyna dahil sa gyerang naganap laban sa mga taga-Underworld noon. Ganun, ang nakasulat sa librong nabasa ko." sabi niya. Tinignan ko lamang siya. Ganun din ang alam ko. Kaya ang dapat kong malaman ngayon ay kung ano talagang nangyari sa kaharian namin pagkatapos lumubog ito. Kung nasaan ang eksaktong lugar nito. "Mapagkakatiwalaan mo ako sa bagay na ito, Yves. Pangako." sabi niya.

Ngumiti ako. "Talagang inalam mo ang buong pagkatao ko hah." sabi ko.

Tumawa ito. "Nag-imbestiga talaga ako."

"Alam mo na kaya wala na akong magagawa." sabi ko.

Itinuon ko na ang atensyon ko sa mga nagsasanay.

"May misyon ako." sabi niya. Hindi ko na siya nilingon. "Sa isang village malapit sa dagat." Napalingon ako sa kanya. "Pwede kitang isama kung gusto mo."

Ngumiti ako. "Oo naman." masayang sabi ko. Agad akong sumang-ayon kahit hindi ko pa naririnig ang tungkol sa misyon niya. Hindi ko pa nga inalam kung ano ang gagawin namin dun. Basta ang importante ay magkakaroon ako ng pagkakataon para maghanap ng pwedeng magtuturo sa akin kung nasaan ang kaharian namin.

"It's settled then. Pwede na tayong umalis mamayang gabi para nandun na tayo kinabukasan." sabi niya. Tumango lang ako. "Kita na lang tayo sa harap ng academy mamaya." Pagkasabi niya ay umalis na siya. Itinuon ko na muli ang atensyon ko sa mga nagsasanay. Mukhang kaya na ng mga Elites na bantayan ang mga ito. Tumalikod na ako at aalis na sana ng may pumigil sa akin.

"Sandali.." sabi niya. Liningon ko ito. Si Warren. "Saan ka pupunta?"

"May pupuntahan kami ni Aries mamaya." sabi ko.

"Misyon?" nagtatakang sabi niya.

Tumango lang ako.

"Pero, nalalapit na ang Festival." pagpigil niya.

"Sandali lang kami dun." pagsisinungaling ko. Pero hindi ako sigurado kung ilang araw ang itatagal ng misyon naming ito.

"Sige. Mag-iingat na lang kayo." sabi niya. Ngumiti na lang ako.

Sana naman sa gagawin namin ngayon ay may mahanap na ako. Lalong tumatagal ay mas lalong nagiging delikado ang pamamalagi ko dito. Hindi ko alam kung kailan at saan aatake ang mga kalaban. Sa lagay ko ngayon ay hindi pa ako sigurado kung kaya kong pigilan ang mga ito. Hindi ako nakakasiguro kung sapat na ang kapangyarihang meron ako para talunin ang mga taga-Underworld.

Kailangan ko silang mahanap sa lalong madaling panahon.

------------
Keep reading..

The Dragon PrinceΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα