Chapter 66

1K 89 1
                                    

Yves's POV

Agad naming tinungo ang malaking building sa gitna ng Dimension Arena. Mula sa kinaroroonan namin ay natatanaw ko kung gaano ito kalaki. Naalarma kami ng sabihin nila Ram mula sa device na nasa gitna ng building na yun ang siyam na estudyanteng kasama namin. At nandun din ang dalawang natitirang kalaban. Agad kaming sinalubong nila Drake at Aries ng makita nila kami. Nasa malapit na kami ng building. Anim na lang kami. Ako, si Cris, Aries, Warren, Drake at may isang estudyante kaming kasama na galing sa ibang academy.

"Nasa pinakagitna ng building na yan ang iba." si Ram mula sa device. "Nandun din ang High Enchanter. At yung kasama niya ay hindi namin masabi kung nasaan."

"Malamang nasa paligid lang ito.. Don't let your guard down.. Aatake yun kapag may pagkakataon." si Frost. "Sa ngayon, hindi pa namin mapasok ang Dimension Arena. Gumagawa na kami ng paraan para mailabas kayo diyan."

"Hindi ko din kayang mag-cast ng Divine Gate.. May pumipigil sa akin. Hindi ko kayo mailalabas dito. Pasensiya na." mahinang sabi ni Drake. Napatingin kami sa kanya pero nakayuko ito.

Tinapik ni Cris ang balikat nito. "Gawin na lang natin ang lahat matalo lang sila.. Walang hihiwalay sa grupo." sabi ni Cris sa iba. Sinang-ayunan naman namin ito. Nasa balikat niya si Fyro. Na kay Warren naman si Rain at nasa akin din si Aria.

Agad naming tinungo ang building para pumasok. Nagcast ng Revamped spell si Drake sa aming lahat. May mga halimaw sa daraanan namin pero kinaya na namin silang patayin sa bilis ng aming makakaya. Tumigil kami ng marating namin ang gitna nito. Malawak ito. Pero nabigla ako ng makita ko ang mga estudyante na nakapalibot sa amin sa kinaroroonan namin. Nasa gilid sila pero nasa loob sila ng mga crystal na walang malay. Lalapitan ko na sana ang isa ng biglang may tumawa. Napatingin ako sa pinanggalingan nito. Ang High Enchanter at nasa tabi nito ang estudyanteng Copy Magic ang majika.

"Let's have some fun... Maglalaro na muna tayo." nanginig ako ng marinig ko ang boses ng Dark Enchanter. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng takot sa kanya. Nanginginig na rin ang kamay ko. Hindi ko na rin maigalaw ang mga paa ko. Ikinuyom ko ang palad ko para kalmahin ang sarili ko. "Rage." sabi niya. Nagcast siya ng spell sa kasama niya. May mga lumitaw na itim na marka sa kamay nito hanggang sa mukha nito. Ganito rin ang spell na ginamit niya kay Cris noon.

"Maghanda kayo... Aries.. Drake.. kayo ng bahala sa mga estudyante.." sabi ni Cris. Tinignan ko sila pero nakatingin ito sa isang kasama namin. "Tulungan mo na sila." tumango lang ito. "Tayong tatlo na muna ang pipigil sa kanila." dagdag pa niya. Naglakad ang kalaban namin ng ilang hakbang palapit sa amin. Naghanda na kami. May lumabas na itim na apoy sa left hand na samantalang itim na hangin naman sa kabila. Sabay niya itong pinakawalan patungo sa kinaroroonan namin. Pero sinalag ko ito gamit ang Air Shield ko. Nagsuot ng armor si Warren ganun din si Cris.  Nagsuot narin ako ng Fire Drive ko.

"Water Blades.!" malakas na sigaw ni Warren. Dumistansiya kami sa isa't isa. Naiwasan lang niya ito. Pinatamaan niya rin ang Dark Enchanter pero may shield ito.

"Chain Explosion." pagcast ko ng spell. Pero gumawa lang ito ng Earth Barrier. Kaasar. Pinatamaan niya ako ng mga Earth Spikes. Pero iniwasan ko lang ang mga ito. "Brilliant Detonation." agad ko siyang inatake gamit ito pero napamura ako ng makita kong nakasuot ito ng Fire Drive. Pero itim ang kulay ng armor nito. Umatake na rin si Aria pero hindi rin ito umubra. Sa bawat pag-atake namin ay pinapalitan nito ang suot niyang armor depende sa gagamitin naming element sa kanya.

Hinawakan ko ang device sa tenga ko. "Aatake tayo ng sabay sabay." seryoso kong sabi. Mukhang nakuha naman nila ang gusto kong ipahiwatig sa kanila.

"Gulat na gulat sila sa nakikita nila sa inyo." natatawang sabi ni Ram. "There's no holding back, right?" ngumiti na lang ako. Tinanggal ko ang armor ko.

"Anong ginagawa mo?" mahinang sabi ni Cris mula sa device. Malayo kasi siya sa kinaroroonan ko. Nagsuot ako ng gaunlet. Fire sa left at Earth sa right. Sabay sabay namin itong inatake. Hindi niya alam kung anong una niyang sasalagin. Nag-summon ako ng dalawang sword na gawa sa dalawang element. Inatake ko siya sa likuran. Bago pa siya makaharap sa akin ay inatake ko na siya at pinatamaan ng ilang beses. Lumitaw ulit ako sa likuran nito. Inatake ko ulit ito ng ilang beses. Pagharap niya sa akin ay lumayo na ako sa kanya. Sabay na umatake sina Warren at Cris gamit ang Water Nebula at Jupiter. Sumabog ang kinatatayuan nito hanggang sa dumiretsiyo ang atake nila sa kinaroroonan ng Dark Enchanter pero may shield ito kaya hindi ito natinag sa kinatatayuan niya. Wasak na ang Air Drive na suot nito. Hanggang sa mawala na ito at naging abo.

Agad akong nagsuot ng Earth Drive. At humarap sa kinaroroonan ng Dark Enchanter ng may maramdaman akong spell na paatake sa akin. Gumawa ako ng berdeng ilaw sa harap ko para harangan yun. Nagsisilbi itong shield sa akin. Napapaatras na ako dahil sa lakas ng atake niya. Nang biglang may sumabog sa harapan ko dahilan yun para mawasak ang shield ko at tamaan ang katawan ko. Nagpagulong gulong ako sa lupa. May parte ng nasira ang armor ko. Inalalayan ako ni Cris sa pagtayo ng makalapit na ito sa akin. Apat na lang ang estudyanteng hindi nila naililigtas. Nasa malapit ang mga ito sa Dark Enchanter. Asar.

Agad naming iniwasan ni Cris ang mga itim na nanggagaling sa itaas. Yung iba ay pinatatamaan nila Aria at Fyro para hindi kami tamaan.

"Perfect Cube." sabi ni Drake. Napatingin ako sa kanya. Nagcast ito ng barrier sa mga estudyanteng kasama namin. Ako, si Cris, Aries, Warren at Drake lang ang nandito sa labas ng barrier. Kaming lima na ang pipigil sa Enchanter.

"Spirit Assimilation." sabi ni Warren. "Water Drive." nagsuot ulit ito ng armor.

"Water Snake." agad niyang inatake ang kalaban.

"Critical Strike." sabi naman ni Aries.

"Jupiter." si Cris.

"Explosive Scattershots." sigaw ko.  Sabay sabay namin siyang inatake pero hindi pa rin ito natinag sa kinatatayuan niya.

Agad akong naalarma ng mawala ito sa kinaroroonan niya. Agad akong nagsuot ng Air Drive at pumunta ng mabilis sa harap ni Cris. Sinalag ko ang atake niya gamit ang isang Air Sword. Pero tumilapon ako paatras ng magtama ang mga espada namin. Natangay si Cris dahil nasa likod ko ito. Nakahawak siya sa likod ko habang mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ng espada ko. Pinalitan ko ang Air Drive ko ng Earth Drive. Nag-summon ako ng bow at arrow. "Nature Sprung." pinatamaan ko ito. Pero naiilagan niya lang ang mga ito. Umatake na rin ang mga kasama namin. Tinanggal ko ang armor na suot ko. "Mirror Water!" sigaw ko ng patamaan kami ito. Hinigop nito ang spell niya at buong lakas ko itong pinakawalan pabalik sa kanya. Nawasak nito ang shield niya. Nag-iba na rin ito ng pwesto.

Nagsummon ako ng Air Sword at Water Sword. Agad ko siyang linapitan. Sinubukan ko siyang patamaan pero naiilagan niya lang ito. Yumuko ako tsaka umikot ng tangkain niya akong sipain sa ulo. Tumalon ako paatras para dumistansiya sa kanya. Ibinato ko ang hawak kong Water Sword sa kinaroroonan niya. "Water Creation Magic." pagcast ko ng spell. May lumabas na magic circle sa harap ko. "Sea Dragon's Roar." mula dito ay may lumabas na dragon na gawa sa tubig at pinatama ko sa kinaroroonan ng kalaban. Naiwasan niya ito pero sinusundan ng dragon kung saan ito pumunta.

Ito na ang pagkakataon para iligtas nila Aries ang apat na estudyanteng nasa loob ng crystal. Ng magkamalay sila ay agad na nag-cast ng Perfect Cube si Drake para protektahan sila. Umangal pa ang mga ito na gusto nilang tumulong pero hindi na ito pinakinggan ni Drake.

"Water Tornado!". pag-atake ni Warren ng mawala na ang spell ko. Na sinabayan naman ni Aries. "Long Sword Technique... Bone Crusher." Napasigaw na lang ito. Unti-unti ng umeepekto ang mga atake namin sa kanya.

---------------
A/N: May nagbabasa pa po ba nito? Please.. Like.. And vote... Thanks..
Pasensiya na po.. Natagalan.. Pero, no worries po... Nasa 100 na chapter na po yung nagagawa ko... Pero, ineedit ko pa lamang ang mga ito...

Salamat po sa support... Don't forget to follow me... Love you guys...

The Dragon PrinceWhere stories live. Discover now