Chapter 79

667 57 6
                                    

Yves's POV

Dito na ako sa dorm naming mga beginners nagpahatid kay Frost. Sinabihan ko siyang mag-uusap kami kapag may pagkakataon bago siya nagpaalam. Inilagay ko sa lamesa ang pagkaing hawak ko bago ako dumiretsiyo sa kwarto ko. Nagugutom ako pero wala akong gana. hayst.

Napatigil ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Ian. Ngumiti ito ng makita ako. Nginitian ko din siya bago ako pumasok sa kwarto ko. Nagpalit ako ng damit  at nagsuot ako ng loose na white na polo tsaka ako humiga sa kama ko hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

------------------

Cris's POV

Ikinuyom ko ang palad ko ng sumama ito kay Frost. Kung hindi lang sana dumating ang babaeng ito. Hindi na sana nagkaproblema pa.

"May problema ba?" tanong niya sa akin. Nasa tabi ko na ito.

Tinignan ko siya. "Bumalik ka na sa palasyo." seryosong sabi ko.

"P-pero..." hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil umalis na ako sa harap nito at sinundan sina Yves. Alam kong hindi siya babalik sa dorm ko. Kaasar.

Agad kong tinungo ang room niya pagdating ko sa dorm nila. Kumatok ako at si Ian ang nagbukas ng pinto nito.

"Nasaan siya?" tanong ko agad sa kanya.

"Nasa kwarto niya." sagot niya. Papasok na sana ako ng pigilan niya ako. "Sandali... may problema ba kayo ng kaibigan ko?" tanong niya. Tumango lang ako sa kanya. "Kaya pala ganun ang inasta niya kanina." dagdag niya.

"Pwede na ba akong pumasok?" mahinang tanong ko.

Ngumiti ito. "Sige.. puntahan mo na siya." sabi niya. Tumabi ito para magbigay daan sa akin. Agad akong pumasok pero napatigil ako ng mapansin ko ang pagkaing nasa lamesa. Tinuro ko ito tsaka liningon si Ian.

"Inilagay ni Yves diyan kanina." sagot niya kahit wala pa akong tinatanong. Nakaupo na ito sa couch.

Lumapit ako sa pinto ng kwarto niya tsaka ako kumatok. "Yves." pagtawag ko sa kanya. Pero walang sumagot kaya kumatok akong muli habang tinatawag ang pangalan niya.

"Sigurado ka bang nandito siya?!" medyo inis na tanong ko kay Ian. Humarap ako sa kanya. Saktong nasalo ko ang ibinato niya sa akin. Tinignan ko ito. Susi.

"Ayan... Tignan mo mismo kung hindi ka naniniwala sa akin." medyo malakas na sabi niya.

Binuksan ko ang pinto gamit ang susing ibinigay niya. Dahan dahan ko itong binuksan. Nakita ko siyang nakahiga. Pumasok ako tsaka isinara ang pinto. Lumapit ako sa kinahihigaan niya.

----------------

Yves's POV

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may humahawak sa pisngi ko. Iminulat ko ang mga mata ko. "Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko sa lalakeng nasa harapan ko. Agad akong napabangon dito. "Pa..Paano ka nakapasok dito?" tanong ko sa kanya. Ngumiti ito ng malungkot tsaka niya ipinakita ang susing hawak niya. Kinuha ko ito. Ibinato ko sa dingding at pinatamaan ito ng mga Air Blades dahilan yun para magkapira piraso ito.

"I'm sorry." mahinang sabi niya. Lumuhod ito tsaka nakalagay ang dalawang kamay niya sa kama na sinusubukan niya akong hawakan pero tinabig ko ito.

"Umalis ka na." matigas na sabi ko.

"Dito lang ako." sagot niya. "I'm really sorry." mahinang sabi niya.

"U.ma.lis.ka.na." madiing sabi ko.

Napatingin ako sa kanya ng mapansin kong umiiyak na ito. "Kumain ka na muna bago ako umalis... please?" pagmamakaawa niya.

"Wala akong gana." sagot ko sa kanya. "Makakaalis ka na." pagtataboy ko sa kanya.

The Dragon PrinceWhere stories live. Discover now