Chapter 94

523 56 1
                                    

Yves's POV

"Anong nangyayari?" tanong ko sa sarili pagkalabas ko ng kwarto. Parang nagkakagulo at lahat ng nakakasalubong ko ay natataranta. Agad akong lumapit kay Frost ng matanaw ko ito.

"Anong nangyayari?" tanong ko sa kanya pagkalapit ko.

"Si Cris... Nasaan?" tanong niya.

"Nasa kwarto... Natutulog pa..." sagot ko. "Bakit?"

"Inatake ang Aragon Kingdom kagabi." seryoso niyang sabi. Nagulat ako sa narinig ko.

"Paanong?" hindi makapaniwalang sabi ko. Wala pang alam si Cris sa nangyaring ito.

"Hindi pa namin alam ang buong detalye." sagot niya agad. "Magpapadala ako kaagad ng tulong." Tumango ako.

"Ako na ang mangunguna." seryoso kong sabi.

Tinignan niya ako ng nagtataka bago ito umiling. "Hindi ako makakapayag na ikaw ang ipadala sa Aragon."

Pinanlisikan ko siya. "Sa tingin mo, walang gagawin si Cris kapag nalaman niya ito?"

"Ano ang pwede kong malaman?" napatingin ako sa likod ko. Si Cris karga karga si Dale. Lumapit ito sa kinaroroonan namin. "Anong nangyayari?" tanong niya sa akin.

Tinignan ko muna si Frost. Tumango ito. "Inatake ang kaharian niyo kagabi." mahinang sabi ko.

"Ano?!" gulat na tanong niya. "Paano nangyari yun?" hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi ko siya sinagot. "Kailangan kong pumunta dun." seryoso niyang sabi.

"Sasama ako." seryosong sabi ko. Tinignan niya ako. "Ikaw ng bahala kay Dale, Frost.." utos ko kay Frost na agad naman niyang kinuha kay Cris. "Ayoko ng maulit ang nangyari noon. Bantayan mo siyang mabuti." paninigurado ko. Tumango ito.

"Magpapadala ako ng mga kasama niyo. Mag-iingat kayo." sabi niya bago ito tumakbo palayo sa amin. Tumakbo kami ni Cris palabas ng kaharian. Agad kaming nagsuot ng mga armor namin. Air Drive sa akin habang Dark Drive sa kanya. Nagcast ako ng Wings of Heaven para makalipad kami. Hindi nagtagal ay narating namin ang kaharian nila. Lumapag kami sa gitna ng bayan nila. Inilibot ko ang paningin ko. Wasak na ang mga bahay dito at ang ilan ay umuusok pa ito dahil mukhang nagkasunog dito. Maraming bagay ang nakakalat sa daan. Nagsimula kaming maglakad para tignan ang buong paligid.

"Be on guard." seryoso niyang sabi sa akin.

"Nasaan ang mga tao?" mahinang tanong ko.

"Marahil ay nasa palasyo sila." sagot niya sa akin. Agad akong nawala sa kinatatayuan ko ng may maramdaman akong aatake sa amin mula sa itaas. Lumitaw ako sa likod ni Cris para tangayin siya. Mayroon ngang umatake sa amin at may mga matutulis na balahibo ang umulan sa kinatatayuan namin kanina. Pumwesto ako sa tabi ni Cris. Tumingala ako para tignan ang kalaban. Isa itong babae na may pakpak habang nakangisi itong nakatingin sa amin.

Agad akong nawala sa kinatatayuan ko at mabilis na umatake sa babae. Lumitaw ako sa likod nito habang nakahawak ng isang Light Sword. Unti unting bumabagsak ang katawan niya hanggang sa maging abo ito. Lumipad ako palapit kay Cris.

"Your dangerous." nakakalokong sabi niya paglapag ko sa harapan niya. Agad kaming tumakbo patungo sa palasyo. Tinanggal na namin ang mga suot naming armor. Sumalubong sa amin ang mga tao pagpasok namin. May mga sugatan sa kanila. Tinungo namin ang pinakaloob nito. Tumambad sa amin sina Cyclone at Kagura na nakahiga sa magkaibang kama. Marami silang pasa sa mga katawan nila at wala rin silang malay. Nandito rin ang iba at halatang nagkaroon sila ng matinding laban.

Lalapit na sana ako kina Cyclone ng hawakan ako ni Cris sa braso para pigilan pero napadaing ako. "Anong nangyari diyan sa braso mo?" tanong niya ng bitawan niya ako. Tinignan ko ang sugat ko. Hinawakan ko gamit ang isang kamay ko dahil dumudugo ito. Sinubukan kong pagalingin ito.

"Let me help." seryoso kong sabi kay Cris. Nagdadalawang isip pa ito pero pumayag din siya. Agad akong nagcast ng healing spell kina Cyclone. "Healing Light Particles." unti unting nawawala ang mga pasa nila.

"Pupuntahan ko lang ang mga magulang ko." paalam sa akin ni Cris. Tumango lang ako bilang sagot.

"Yves." tinignan ko ang pinanggalingan nito. Si Ian. May bandage sa ulo nito. Sinubukan ko siyang pagalingin pero pinigilan niya ako ng sabihin niyang ayos lang siya. Hinila niya ako palayo sa mga kasama naming nandito.

"May problema ba?" taka kong tanong sa kanya.

Nakatingin ito ng seryoso sa akin. "Mag-iingat ka.. Basta, mag-iingat ka.." sabi niya. Tinignan ko siya ng nagtataka. Sasagot pa sana ako ng biglang yumanig ang lupa at makarinig kami ng mga pagsabog sa paligid.

"Yves!... Yves!..." napatingin ako kay Cris dahil sumigaw sigaw ito at parang natataranta. Agad na lumapit ito ng makita niya ako. "Umaatake ulit sila.. Dito ka na muna." seryoso niyang sabi sa akin.

Tinignan ko siya. "Sasama ako."

"Kami ng bahala..." sagot niya.

"Kaya kong lumaban... Nandito ako para tumulong..." sigaw ko sa kanya. Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"Pasensiya na... Nahuli kami." may nagsalita sa isipan ko. Si Frost. Napangiti ako. "Kami na muna ang bahala dito."

"Nandito na sila." sabi ko kay Cris. Agad kong tumalikod palabas ng palasyo.

"Sasama kami." napatigil ako ng nagsalita si Ian at gusto niyang tumulong. May mga ibang gusto ring sumama. Tinignan ko si Cris.

"Dito na lamang kayo... Kami ng bahala." utos niya sa kanila. Labag man sa kalooban nila ay wala na rin silang nagawa.

Pagkalabas namin ay nadatnan ko silang nakikipaglaban. May mga Demons silang hinaharap at kinakalaban. Napansin ko ang dalawang lalakeng nakalutang habang nanonood lang sa mga nangyayari. Ngumisi ito ng makita niya ako. Agad na umatake at nagpaulan ng mga matutulis na bakal sa kinaroroonan namin ni Cris. Pero, dahil nasa loob pa kami ng barrier ay dito na tumama ang atake niya.

Nagsimula akong maglakad para lumabas ng barrier pero hinawakan ako ni Cris sa braso ko.

"Huwag kang makialam." seryoso kong sabi sa kanya. "Isa siyang Dragon.. Ako ang haharap sa kanya." tinanggal ko ang pagkakahawak niya. Agad akong lumipad paatake sa Metal Dragon. Nagsummon ako ng isang Air Sword at umatake ng mabilis sa kanya pero sinalag niya ang atake ko gamit ang isang shield na gawa sa bakal. Biglang nahati sa maliliit at matutulis na bagay ang shield niya at ng ikinumpas niya ang kamay niya at mabilis ang mga itong umatake sa akin. Agad akong nawala sa harap niya at lumitaw sa likod niya. Iniba niya ang direksiyon ng mga bakal at muli itong ipinatama sa akin kaya dumistansiya ako sa kanya para makagawa ng Air Shield sa harap ko. Pero, nabigla ako ng lumagpas ang mga bakal sa shield ko. Agad akong nawala at lumapag sa lupa. Napangiwi na lang ako ng may tumama sa binti ko.  Agad ko itong binunot at nagcast ng isang healing spell. Pero, umatake ulit ang Metal Dragon sa akin dahilan yun para hindi matuloy ang pagpapagaling ko sa sugat ko. Nagpalutang ako ng dalawang Air Sword palibot sa akin para salagin ang mga atake niya.

Aatake na sana ako ng biglang lumitaw si Cris sa pagitan namin at sinubukan niya itong kalabanin. Napapikit na lang ako ng biglang may sumabog malapit sa amin. Ibinalik ko ang atensiyon ko sa kalaban namin. Nagcast ako ng isang Fire Spell pero naiwasan niya ito. Kaasar. Nagsummon ako ng isang bow. Sinubukan ko itong asintahin habang naglalaban sila ni Cris.

"Nature Sprung." pagcast ko ng isang Earth Spell. Agad na lumitaw si Cris sa tabi ko. Sunod sunod na sumabog ang atake ko sa kinatatayuan niya. Hindi na ako nagulat ng mapansin kong palibutan niya ng isang pabilog na gawa sa bakal para protektahan ang sarili niya.

"Hindi ko inaasahang ganito kalakas ang kapangyarihan mo." natatawang sabi niya kasabay nun ang pagtanggal niya sa proteksiyon niya. "Sa susunod ulit." lumipad siya paitaas kasama ang mga Demons.

"Magkikita pa tayo." sigaw niya bago sila mawala sa paningin namin.

--------------
A/N: Follow me guys.. please?? Salamat.


(sorry sa delay ng update. mas dumami pa kase nagmemessage sa akin. ayoko lang na makabasa ng masasama at masasakit na salita na ibinabato nila sa akin. pasensiya na kung bi ako. pero, ganito na talaga ako. at PROUD ako sa sarili ko.) 

The Dragon PrinceWhere stories live. Discover now