Chapter 121

274 30 0
                                    

Yves's POV

Kasalukuyan kaming nandito sa loob ng Control Room. Nandito sina Frost, Aron, Walden at Alden, Hunter at ang mga Guardian. Nag-uusap kami tungkol sa gagawing pag-atake sa UnderWorld sa nalalapit na Blood Moon. Nakikinig lang ako habang si Frost na ang nangunguna sa pag-uusap.

"Paano ang mga taga-Aragon?" tanong ni Aron. "Idadamay ba natin sila sa digmaang ito?"

"Hindi." seryoso kong sabi. "Hayaan niyo sila.. Labas sila dito."

"Pero, paano kung gusto nilang tumulong?" si Hunter.

"Hindi pa tayo sigurado sa bagay na yan." si Frost na ang sumagot. "Hanggat maaari ay huwag natin silang idamay. Kung pwede."

"Kailangan natin ng malakas na pwersa para sa pag-atakeng ito." si Walden.


"Kaya hahatiin sa dalawang pangkat ang ating mga kawal.. Ang isang pangkat para sa pag-atake at ang maiiwan ay ang pwersa para depensahan ang ating kaharian kung sakaling aatake sila dito sa oras na wala tayo dito." mahabang sabi ni Frost. "Tayo ang mangunguna."


"Sasama ka?" gulat na tanong ni Walden sa akin.

"Kaya kong lumaban." depensa ko. "Sasamahan ko kayo." tumango na lang ito.

"Paniguradong sasama si Cris kapag nalaman niya ang tungkol dito." sabi niya ulit.

"Huwag na muna natin siyang pag-usapan." sabi ko sa kanya.

"So?." napatingin ako ulit kay Frost ng magsalita ito. "Kailangan nating hatiin sa dalawang grupo ang pangkat na pupunta sa UnderWorld. Ang isa ay ang magliligtas sa mga bihag nila habang ang isa ay ang lalaban sa pwersa nila."

"Ako na ang mangunguna para iligtas sila." sabi ni Hunter.

Ngumiti si Frost. "Kung ganon ay sasama kayo sa kanya." sabi niya kina Walden.

"Pero, kailangan kami ni Yves sa tabi niya habang nakikipaglaban siya." sinamaan ko siya ng tingin. "Pasensiya na.. Mahal na prinisipe pala." bahagya siyang yumuko.


"Sa kanya sasama ang mga Guardian.. Kaya, huwag mo siyang alalahanin." sabi ni Frost. Tumango na lang ito.

Napatingin ako sa balikat ko ng dumapo si Fyro dito. "Paano po si Cris?" mahinang tanong niya.

"Mananatili siya dito." mahinang sagot ko sa kanya.


"Kung wala na kayong katanungan ay tapos na ang pagtitipong ito." sabi ni Frost. Ngumiti lang ito sa akin bago siya lumabas ng silid. Tumayo ako tsaka na rin lumabas. Nakasunod lang ang apat na Knights sa akin habang nakadapo pa rin si Fyro sa balikat ko.

Habang naglalakad kami sa hallway ng kaharian ay napatigil ako ng masalubong namin ang isang lalake. Ito ang sumakal sa akin noon sa UnderWorld. Isa siyang Elemental Dragon. Nanatili akong nakatingin sa kanya habang lumalapit sa kinaroroonan namin.


Yumuko ito ng nasa harap ko na siya. "Paumanhin po sa ginawa ko noon sa'yo. Hindi ko po yun sinasadya." sabi niya.

"Tumayo ka." seryosong sabi ko. Agad naman siyang tumayo ng maayos. "Ano ang iyong pangalan?"

"Vale, mahal na prinsipe." sagot niya. "Ako ang Air Element Dragon."

Ngumiti ako sa kanya. "Naiintindihan ko kung bakit mo yun ginawa."

Ngumiti ito tsaka yumuko ng bahagya. "Ano po pala ang balak niyo? Hindi po natin basta basta hahayaan ang mga dragon na bihag nila."


"Balak naming umatake sa kanila.. Pagsapit ng Blood Moon." sagot ko sa kanya.


The Dragon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon