Chapter 86

535 50 1
                                    

Yves's POV

Mabilis na nagdaan ang mga araw. Apat na araw na kaming nandito sa kaharian namin.

"Hanggang kailan tayo dito?" tanong ni Frost sa akin. Nandito kami ngayon sa garden.

"Bakit? May naiwan ka sa academy?" tanong ko sa kanya.

"Wala naman.. Nagtataka lang ako." kibit balikat niya.

Huminga ako ng malalim. "Pwede bang... dito na muna tayo?" tanong ko ulit.

Tumawa siya. "Ikaw naman ang masusunod." natatawang sabi niya. "Pero, seryoso.. may problema ba?"

Tinignan ko ito. "Wala." tipid na sagot ko. Halata sa kanya na hindi ito kumbinsado. "Huwag mo na akong alalahanin.. Matatapos din ito." Tumango na lamang siya.

"Kamusta na ang sugat mo?"

"Ok na.. Naghihilom na." sabi ko.

"Mabuti naman kung ganun." sagot niya.

"Mahal na prinsipe." napatingin ako kay Fyro. "May ipapakita po ako sa inyo." sabi niya. Lumipad ito papasok sa palasyo kaya sumunod kami sa kanya. Tinungo niya ang isang kwarto. Pagpasok niya dito ay napansin kong isa itong Monitoring Room. May mga hologram na nakalutang sa gitna ng kwartong ito. Na nakikita ang buong paligid ng kaharian namin.

"Ayun po." turo niya sa isang screen kaya napatingin ako dito.

"Cris." mahinang sabi ko. Nasa gitna ito ng kagubatan habang nakaluhod ito. May barrier ang kaharian namin kaya hindi niya ito nakikita.

"Ilang araw na po niya akong sinusubukang tawagin. Pero, hindi po ako sumusunod." sabi ulit ni Fyro.

Huminga ako ng malalim. "Pumunta ka sa kanya, Fyro." utos ko. "Sabihin mong, bumalik na siya sa academy." Nagtaka si Fyro sa narinig niya pero umoo na lang ito bago ito nawala. Makikita sa screen na nag-uusap sila pero hindi ko ito naririnig. Nanatili itong nakaluhod habang sinusubukan siyang kausapin ni Fyro. Tumalikod na ako tsaka lumabas ng kwarto.

"Nag-away na naman ba kayo?" tanong ni Frost. Kasabay ko na ito sa paglalakad. Hindi ko siya sinagot kaya hindi na siya nagtanong pa.

Huminto ako sa paglalakad ng nasa harap na ako ng kwarto ko. "Kapag hindi pa siya umalis, ikaw ng bahala sa kanya." utos ko. Yumuko lang ito sa harapan ko. Napailing na lang ako bago ako pumasok sa kwarto ko. Lumapit ako sa kama ko para magpahinga.

Nagising na lang ako dahil sa katok ng pinto. Bumangon ako para pagbuksan ito.

"Nandun pa rin siya." bungad niya sa akin. Si Frost.

Huminga ako ng malalim. "Sige. Ako ng pupunta dun." sabi ko. Naglakad ako patungo sa labas ng kaharian. Tinungo ko ang barrier dito para lumabas. Madilim na ang paligid. Natanaw ko siya ng makalabas ako kasama niya si Fyro. May mga asul na apoy na nakapalibot sa kanya dahil malamig na ang paligid. Nakayuko ito kaya hindi niya ako napansin. Nakita ako ni Fyro pero sinenyasan ko siyang huwag siyang kumibo. Tumayo ako sa harap nito. Dahan dahan niyang inangat ang ulo niya. Halata sa kanya ang pagkagulat pero ngumiti na rin ito pagkatapos. Agad siyang tumayo pero agad din itong natumba. Nasalo ko siya. Hinawakan ko siya sa beywang at balikat para alalayan sa pagtayo. Nakahawak siya sa mga braso ko. Nanginginig ang buo niyang katawan.

"Stay still. Humawak ka sa akin." sabi ko. Tinanggal ko ang kapang suot ko gamit ang isang kamay ko tsaka ko isinuot sa kanya.

"Sorry... Sorry..." sabi niya ng mayakap niya ako. "I'm sorry." umiiyak na ito. Hinaplos ko ang likod nito para kumalma.

"Ayos lang." pagpapakalma ko sa kanya. "Nasasanay na ako." mahinang bulong ko.

"I'm sorry." sabi niya ulit.

The Dragon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon